Pagkatapos namin maglinis ng mga pinag gamitan, lumabas din kami doon at nanatili pero sa ibang table dahil may girl's talk din kami. Nag-aya din silang uminom ng kaunti dahil matagal tagal na din kameng hindi nakaka inom. Ibinilin ko na din kay Auntie ang mga bata na baka magising ng alanganin at bumaba na lang bigla sa isipin palang na gano'n ang mangyayari para na akong atakihin sa puso sa kaba. Tanaw na tanaw ko si Kojic muna sa pwesto ko, halata na mga may amats na ang mga ito pero hindi sila titigil hanggang sa hindi sila nawawalan ng malay sa sobrang kalasingan. Maiingay na sobrang madaldal na nila kaya halatang may mga amats na talaga. Naglapag na si Gabriela ng tatlong bote na iba't ibang klase. "Let's start." aya ni Siren na nag stretching pa. Natawa naman ako sa kanya "Hoy t

