Kojic is still here. Hindi pa siya umalis dahil alam ko naman at kitang kita ko kung gaano kasabik ang mga anak namin sa tatay nila. Nandoon sila sa living room nanonood ng TV. Lahat ng bata ay naka kuyagot sa kaniya. Mula kanina ay hindi na nag isaalis ang mga ito sa pagkakadikit dito na para bang mawawala si Kojic pag inalis nila ang kanilang tingin dito. Tinatanong nga siya ng mga ito ng kung ano anong bagay. Hinayaan ko nalang muna sila doon at naghanda ng hapunan. Pasado alas sais na mamaya maya ay magugutom ang ang mga kulit ko at mag hahanap na ng food nila. Mag sinigang na lang ako ngayon dahil pabito nila iyon maging si Kojic kaya iyon ang napili kong lutuing ulam. Hindi ko pa alam kung anong plano ni Kojic about sa mga bata. Sana ay wala siyang planong ilayo o kunin ang mga ito

