Almost two days na mula ng nag usap kami ni Mack but until now hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa opisina niya. Nag aalala na ako ano na kayang naging sagot niya. "Huy!" malakas na sabi ni Siren na nasa tapat ko. "Layo naman niyan teh hindi ko maabot." Nailing pa siya. Nagpakawala lang ako ng malakas na buntong hininga, bago ko tinulak paabante yung push cart na nasa harapan ko. I'm with Siren, kakauwi lang niya galing sa alis nila ni Kavien. Umaga pa ngayon kaya iniwan muna namin yung mga bata kay Kavien tulog pa naman ang mga ito kaya walang problema. Pag-uwi na pag-uwi nila kinaumagahan dito na agad nag punta sa bahay namin dala dala yung mga pasalubong na galing sa kung saang lugar sila galing. "Wait lang tih pagod nako sakit na ng mga hita ko." reklamo niya habang huma

