Nakasimangot akong nakaupo sa harapan ng dresser habang abalang abala ang dalawang ito ay panay ang ayos sakin. Busy sila sa ginagawa nila. "Panget mo dyan girl!" biro ni Siren. Ka-video call namin siya ngayon. "Shut up taba!" inis na pigil ko sa kanya. Tawang tawa naman silang tatlo saking inasal. Gabriela and Jeorge text me na dadaanan daw nila ako dito at isasama nila ako sa isang social gathering na invited silang dalawa. Panay na nga ang pagtanggi ko kaso knowing Gabriela wala kang choice kundi ang mag yes nalang dahil kukulitin ka niya hanggat di ka pumapayag. Lahat ata ng pag dadahilan ay nagawa ko na kanina. I don't have anything to wear yun pa ang isang inaalala ko dahil ilang taon din akong hindi naka-attend ng ganung mga party. Kaya ngayon sa harapan ng dresser, nag iisip

