Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa opisina ni Mack. Pinapatawag daw ako doon. Hindi naman nag sabi kung bakit. Ang sabi lang ng sekretarya niya ay kailangan ko daw mag punta doon ngayong umaga to talk personally, Mack is expecting me to come over. Nag tataka ako at medyo kinakabahan, bakit naman biglaan ang pag papatawag sa akin. I don't have any schedule today. Dahan dahan akong umalis sa kama, upang hindi magising ang mga bata. Pag nagising pa sila mahihirapan akong makaalis, hahabol pa ang mga iyan. Nag handa na ako ng susuoting damit. Para akong mag nanakaw dahil dahan dahan lang talaga ako. I get my things sa kwarto ako ni Ren mag aayos, doon ay may mga gamit. Pag labas ko ay nakasalubong ko si Auntie. "Good morning Auntie." bati ko dito. Nagtataka siyang nakatingin sak

