Kakauwi lang ng mga bata ngayon, lumabas pala sila at nagpunta sa mall. Mabuti at natagalan sila bago makauwi dahil nandito din si Kojic. I cried so hard. Mabuti ay natigil ako bago pa dumating ang mga ito. Ginala pa pala sila. Aalis pala si Siren ngayon kasama si Kavien. Mabuti na lang at nasabi agad ni Auntie na nandito si Kojic kanina at inaantay si Kav kung hindi nakikita niya ang mga bata. Kabado pa rin ako. Nandito ako sa living room nakaupo sa couch at ang makulit— clingy sa akin. Kanina pa sila ganyan at ayaw mag sibitaw. Hindi naman na ako aalis ngayon. Mula ng makauwi sila ganyan na ang ganap nila sakin. Hindi na nga nagpalit ng damit pang bahay agad na nag silingkis sa akin. Naka upo si Kleah saking hita ang dalawa naman ay nakayakap sa magkabilang gilid ko. Mga anak kong clin

