Chapter 14

2545 Words
Kanina ko pa sinusubukan tawagan sina Reinavel at Sam ngunit hindi nila 'to sinasagot, ni hindi man lang nagawang mag-reply ni Vel. Puro seen lang siya. Samantalang si Sam naman ay hindi na nga sinasagot mga tawag ko, in-ignore pa messages ko. Online naman kasi siya ngunit hindi nya man lang ma-seen mga chats ko. Mukhang balak pa akong i-block! To Vel; Huy! Sorry na kasi. Parang ano naman, e! Reply-reply din, oh. Ni-send ko ulit ngunit ni-seen lang ulit ako nito na kinasimangot ko. Sunod kong binuksan ang chat heads ni Sam. To Sammy; Hey! Samsam. I'm sorry. Are you still angry? Nang i-send ko ito ay nagtaka ako nang mag-send failed. Sinubukan ko pang mag-send ng ibang messages ngunit lahat ng iyon ay failed. Napasimangot naman ako. Ni-block na nga ako! Agad kong tinawagan si Simoun para kausapin siya. Mabilis din naman niyang sinagot ang tawag ko sa kaniya. "Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo? Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa," asar pa nito sa akin. Mas lalo akong napasimangot kaya mas lalo siyang natawa. Maya-maya ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. I'm really sensitive when it comes to my best friends. Natigil siya sa kaniyang pagtawa at napaseryoso ng mukha. "Uy..." tawag niya sa akin. Patuloy lang ako sa aking paghikbi. "Sine-seen lang ako ni Vel samantalang si Sam naman ay mukhang ni-block pa ako," hikbing wika ko sa kaniya. He hushed. "Tahan na. Hindi maganda sa iyo ang umiiyak. Mas lalo kang papangit." Natigil naman ako sa paghikbi at tila gustong bumalik ng mga luhang nabagsak na ng mga mata ko. Sinamaan ko siya ng paningin. "Bwisit ka, Mamon!" sigaw ko sa kaniya. Ang salitang mamon ay pang-aasar ko sa kaniya dahil na rin ay katunog ito ng kaniyang pangalan na Simoun. "Yieee!" sigaw niya. "Nagagawa na niyang mainis. Ayos ka na ba?" Agad naman nagbago ang emosyon ko matapos marinig ang huling linyang sinabi niya. "Hindi ako ayos," wika ko sa kaniya, "Hindi ako makakatulog kapag hindi nila ako pinansin. Mumultuhin ako ng overthinking ko." Napabuntong hininga na lang siya. "Matulog ka na. Ako na ang bahala sa kanila. Kakausapin ko sila." "Huwag na. Wala akong tiwala sa iyo." Sumisinghot na saad ko rito. Umarte naman siya na parang nasaktan at hinawak-hawakan pa ang dibdib. "Grabe 'yon, ha! Tagos na tagos. Sakit," wika nito. Natawa naman ako dahil doon. "Seryoso ako," wika ko sa kaniya at tumigil sa pagtawa. Napaseryoso rin siya. "Paano mo 'yan mareresolba ng ikaw lang mag-isa, e hindi ka nga nila pinapansin? Ni-block ka pa ng manok." Sinamaan ko siya ng paningin matapos marinig ang pang-aasar niya kay Samuel. "Hoy! Mamon, tumigil-tigil ka nga riyan sa pagtawag kay Samuel ng manok," sigaw ko sa kaniya. "Nye! Nye!" pang-aasar nito sa akin. Bago ko pa siya ulit mabulyawan ay agad niyang pinatay ang tawag na mas lalo kong kinainis. Nagsusulat na ako ng buong sanaysay para sa pagra-rant ko sa kaniya nang mag-send siya ng messages sa akin. From Mamon; Mukhang mahaba-haba yata 'yang rants mo, ah? Grabe. May sama ka yata ng loob sa akin, e. Haha kidding aside. Calm yourself first before I'll talk to you again. Agad kong na-delete ang dapat kong ise-send sa kaniya. Ni-heart react ko na lang ang message niya sa akin. Humiga muna ako at sinubukan pakalmahin ang sarili. Sinubukan kong huwag muna mag-isip ng kahit na ano at nagtagumpay naman ako. Dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Agad kong binuksan ang chat heads ni Simoun at ni-chat siya. To Mamon; Ikaw na ang bahalang kumausap sa kanila. May tiwala naman ako kahit na mokong ka. Matapos kong i-send iyon ay mabilis din naman tumugon si Simoun. From Mamon; Ouch! Iiyak na sana ako sa speech mo, e kaso may kasamang panlalait pala. Parang gustong umurong ng mga luha ko. Nag-haha react na lang ako sa chat niya at saka ginawa siyang last chat. Sa aking pagmumuni-muni ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako... "Hey! You will dirty your hands," wika ng isang lalaki. Nangunot ang aking noo. Na naman?! Paulit-ulit kong napapanaginipan ang ganitong pangyayari. "Ayos lang naman kung madumihan ang kamay ko. Maghuhugas naman ako ng kamay mamaya," wika ng babae at saka nagpatuloy sa pagtatanim ng halaman. Habang ang babae ay busy sa pagbungkal ng lupa, ang lalaki naman ay nagdadalawang isip kung tutulungan niya ba ang babae o tatayo na lang. "Can I help you?" tanong nito. "Oo naman!" masayang wika ng babae at saka umusod upang mabigyan ng espasyo ang lalaki. Nang magsimula na magbungkal ang lalaki ay natawa na lang ako dahil halatang hindi ito marunong. Ngunit natigil ako sa pagtawa dahil sabay na sabay kami sa pagtawa ng babae. That's really me... the past me. Nagising ako nang hinihingal at pawis na pawis na naman. Tinignan ko ang wall clock at napahawak na lang ako sa aking dibdib nang makita na alas dos pa lang ng umaga. It's really strange. I always wake up exact two am every time I dream about my past self and with my best friend. Ano ba ang mga panaginip na 'yon? Sign?! Napailing-iling na lang ako sa aking inisip. Sa kung anong dahilan ay agad kong kinuha ang aking laptop at binuksan ito. Biglang pumasok sa aking kursyudad ang tungkol sa sinabi sa akin ni Krystal na tungkol daw doon kay Benedict na "top-notcher". Hindi naman talaga ako naniniwala sa kaniyang sinabi at wala naman talaga akong pake roon ngunit bigla na lang talaga pumasok ang aking kursyudad. Agad kong binisita ang Facebo0k page ng aming paaralan. Sa aking pagso-scroll ay napatigil ako matapos makita ang isang pangalan na nangunguna sa top-notcher ng aming grade. Andrei Benedict Mendez...? Siya ba iyong tinutukoy ni Krystal? Sinubukan kong i-search ang pangalan niya upang ma-stalk ngunit napasimangot na lang ako matapos makita na naka-lock ang kaniyang account. Wala na akong nagawa kun'di isarado ang aking laptop. "Hindi naman siguro siya kagwapuhan kaya naka-lock ang sss account," bulong ko sa sarili. Well, wala naman talaga akong pake sa kaniya. Wala naman talaga. Gusto ko lang tignan ang mukha niya dahil isa akong hurado na nang ja-judge. Charot! Agad kong binalik ang aking laptop at saka bumalik sa pagkakahiga. Matapos magbilang ng limang baka na tumatalon sa aking isipan ay mabilis din akong nakatulog. Kinabukasan ay halos talunin ko na ang bawat estudyante na humaharang sa dinaraanan ko. Paano ba naman kasi ay late na ako nagising! Hindi rin naman ako nagising nila Mommy at Daddy dahil maaga silang umalis para sa isang business trip. "Good morning, ma'am," wika ko sa una naming subject teacher nang halos magkasabay kaming pumasok. "Good morning, Chezka," wika nito sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako rito at nagmadali na umupo sa aking upuan. Pagkaupo ko ay agad kong nilabas ang aking notebook at lapis. "Akala ko hindi ka na papasok," wika ng katabi ko. "Bakit? Na-miss mo na ba ako, Sam—Mamon?" Napatitig ako sa kaniya at napataas ang kilay. Napasimangot naman ito. "Stop calling me by that name." "Absent ba si Samuel?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang natigilan at sumeryoso ang pagmumukha na pinagtaka ko. Inurong niya ang kaniyang katawan at sapat na iyon para makita kung sino ang nasa likuran niya. Mas lalong nangunot ang noo ko. Ang katabi ko na ngayon ay si Simoun at Krystal habang katabi naman ni Krystal si Samuel at nasa dulo si Reinavel. "Nagpalit kayo ng upuan?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ba obvious?" sarkastikong tanong din sa akin nito kaya sinamaan ko na lang siya ng paningin. "Mas maaga silang pumasok kasi pagdating ko nandito na sila tapos nakaupo sila sa upuan namin ni Krystal," paliwanag niya, "Hindi na sana ako papayag pero wala na akong magawa kasi si ma'am na rin mismo ang nagsabi." "Dapat nagprotesta ka," mabilis kong wika. "Dapat hindi ka pumayag dahil upuan mo 'yon. You still have the rights to not agreed with it. Gusto mo lang talaga akong katabi, e." Nanliit ang mga mata niya at saka mahinang tumawa. "Parang ganoon na nga rin, hehe..." aniya. Agad kong sinuot ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at saka kinurot siya. "Ah—" Natigilan siya sa pagsigaw at natigilan din ako sa pagkurot sa kaniya nang buong klase ay tumingin sa amin. "At the back, what's happening?" tanong ni ma'am. Napalunok naman ako ng aking lalamunan. "W-wala po, ma'am." Napatango-tango naman si maam. Nakahinga ako nang maayos dahil doon. Hindi naman kasi ako magaling pagdating sa pagpapalusot! Sa gitna ng aming klase ay nagulat ako dahil biglang ginuhitan ni Simoun ang papel kung saan ay nasulatan ko na. "What the..." I murmured. Mabilis kong binaling ang paningin ko sa kaniya at sapilitan na kinuha ang notebook niya at ginuhitan ito. Mas malaki sa guhit niya ang ginawa ko. "Ang laki!" inis na bulong nito. Natigil kami sa pagtatalo nang sumigaw si ma'am. "At the back, Simoun and Chezkaluna! Stand up and face the wall," wika ni ma'am. Nagkatinginan kami ni Simoun. "Lagot..." sabay na wika namin. "Naghaharutan kayong dalawa sa klase ko kaya dapat harapin niyo ang consequence," wika pa nito. Wala na kaming nagawa pa. Napasimangot na lang ako at labag sa loob na napatayo dahil sa tinginan ng aming mga kaklase. Pumunta kami sa likuran at saka humarap sa dingding. "Kasalanan mo 'to, e!" bulong ko sa kaniya. "What?" tanging tugon niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at saka patuloy sa pagharap sa dingding. Mas lalong sumama ang loob ko matapos maaalala ang sinabi ma'am. Harutan? Ma'am, iba 'yong harot sa away! Iba 'yon, ma'am. Iyong harot ay may kasamang lambing, e 'tong Mamon na ito ay walang kalambing-lambing sa katawan. Buong klase ni ma'am ay nakatayo lang kami sa dingding. Kinausap pa kami nito pagkatapos ng klase. Pagdating naman ni Ma'am Dela Cruz ay agad itong nagtanong tungkol sa aming dalawa ni Simoun. Halos maubusan na ako ng laway kaka-explain sa kanila. Natapos ang buong klase namin ng puro sama ng loob lang ang nakuha ko dahil sa bwisit na katabi ko. Hindi ko magawang makapagpokus sa klase, ni wala nga yata akong naintindihan sa mga subjects na tinuro sa amin dahil patuloy ang pang-aasar sa akin ng katabi ko. Nang mag-uwian na ay mabilis kong kinuha ang bag ko at saka mabilis na naglakad palabas ng classroom. Sinubukan pa akong habulin ni Simoun. "Uy!" tawag niya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at dire-diretsong naglakad palabas ng classroom. Natigilan lang ako nang mahila niya ang aking braso. "Ito naman! Sorry na. Gusto mo libre ulit kita?" tanong nito. Nawala ang ngunot sa aking noo nang makita sina Samuel at Reinavel na nasa likuran ni Simoun ngunit napalitan naman iyon ng pagkasimangot matapos makita na hindi man lang sila bumaling ng tingin sa akin. "Huwag na," malamig na wika ko kay Simoun. Nagulat ako dahil saktong pagharap ko palabas ng classroom ay may humigit ng aking baywang palabas. Sa paghigit niya ng aking baywang ay agad niya akong hinalikan na pinanlakihan ng aking mga mata. Hindi agad ako nakagalaw dahil doon at tila nagsi-sink in pa sa akin kung ano ang nangyari. Nabalik lang ako sa reyalidad matapos makitang umalis ito na parang wala lang at mabilis na tumakbo sina Samuel at Simoun sa kaniya upang suntukin siya. Mabilis na natamaan ni Samuel ang pisngi nito ngunit agad din iyong natigilan nang dumating ang mga guro. Ang mga mata ko ay nagmamasid sa paligid habang ang utak ko ay nagpoproseso pa rin. What the—?! My first kiss is now gone! Mabilis na humakbang ang mga paa ko patungo sa lalaking ito ngunit bago pa man ako makapunta sa kaniya ay agad akong hinila ni Samuel. "Calm down," malalim na boses na wika nito na nagpakalma sa akin. Tila hinabol ako ng isang daang kabayo dahil sa hingal ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung galit ba, inis, o kilig. Nagagalit ako sa lalaking 'to dahil basta-basta na lang kumukuha ng halik sa iba! Mukhang mahahawaan pa ako ng virus dahil halata naman na sanay na sanay siyang humalik. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawa siyang itulak! Hindi ko man lang nagawang magproseso agad. Ang tanging ginawa ko lang ay damhin ito at iyon ang mas lalo kong kinakainis. Kinikilig ako... slight lang. Mga 1% gano'n. Ano kasi... kahit na smack kiss lang 'yon ay ramdam ko ang lambot ng kaniyang labi at ang bango ng kaniyang hininga— Mabilis akong napailing-iling dahil sa huli kong naisip. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Vel. "Oo—" Natigilan ako sa pagsagot matapos makita ang pag-aalala sa mukha ni Vel at ang nakahawak na kamay sa akin ni Sam. Ngumiti ako. "Ayos na ba tayong tatlo?" Saglit pang natigilan ang dalawa at mabilis na tumalikod si Reinavel at naglakad palayo. Habang si Samuel naman ay agad akong tinulak. Kung hindi lang ako sinalo ni Simoun at tiyak na kanina pa ako nasa sahig. "Dude, watch your moves!" sigaw sa kaniya ni Simoun. Agad ko siyang hinarangan nang akmang susugod siya kay Sam. "Ganoon ka na ba ka-desperada para magkabati tayo? Nagpahalik ka pa talaga sa iba, ha!" sigaw nito sa akin nang harapan, hindi alintana ang mga nanonood sa amin. Nangunot naman ang aking noo. "What do you mean?!" Imbes na sagutin ang tanong ko ay mabilis lang siyang naglakad palayo. "A-ano ba ang ginawa ko para magalit ka ng ganito sa akin, Samuel?" tanong ko sa kaniya. Huminto siya sa kaniyang paglalakad. "Itanong mo 'yan sa sarili mo," wika nito at humarap sa akin at ngumisi. "You really disappointed me. You're like a w***e. Nagawa mo pa talagang magpahalik sa iba para makuha ang loob namin ulit. Sayang lang ang pag-aalala namin. That's a great play, Luna." Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi at sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Hindi ko na nakayanan pa ang masasakit na sinabi niya. Totoo nga siguro ang sinabi nila... mas masakit magsalita ang mga lalaki kapag napuno na kaysa sa mga babae... Adi's POV; Pagpasok ko sa aming classroom ay nagtaka ako nang makita ang mga ngisi nila at tumatawang mga mukha nila. Sinalubong pa ako ni mokong ng isang palakpak ngunit hindi ko siya pinansin. Mukhang tagumpay ang plano nila... "Nays! Bukod sa nagtagumpay ang dare natin, may issue pa na nangyari tungkol doon sa best friend yata ni Miss Beautiful," wika nito. Nangunot ang aking noo. What do they mean?! "Dapat lang, 'no! Binangasan ba naman ang mukha ni Andrei," wika pa ng isa. Tinignan ko naman si Andrei na nakatingin sa malayo at doon ko lang napansin ang pasa sa mukha niya pero hindi iyon ang inaalala ko ngayon. Mabilis akong lumabas ng classroom at sa hallway pa lang ay kitang-kita ko na sila. Napatigil ako matapos marinig ang sinabi ng lalaki at tuloy-tuloy na umalis. Nang pagmasdan ko si Chezka ay makikita ang sakit na dumadaloy sa kaniyang mga mata. I'm sorry, Chezka. Nadamay ka pa sa ka-walang hiyaan ng lima. I'm really sorry. If I could do something... Agad akong tumalikod at marahan na umalis. Tila hindi ko kaya na pagmasdan siya ng ganoon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD