Chapter 13

1998 Words
Natigil kami sa pagdadaldalan at pagtatalo nang biglang mag-vibrate ang cellphone ni Simoun. "Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya habang sinusubukan tignan ang notification ng cellphone niya ngunit agad niya iyong nilayo sa akin. Napasimangot naman ako. "Damot talaga," bulong ko. "Anong maramot? Nilibre nga kita, e," saad nito habang tinuturo pa ako. Napa-roll eyes na lang ako dahil sa kaniyang sinabi at pagkatapos ay ngumuya ng cake. Ang talas talaga ng pandinig ng lalaking ito! "Ni-text ako ni Reinavel," saad niya. Nangunot ang noo ko. "Seriously? Lahat ba talaga kayo ay may dalang cellphone ng hindi ko nalalaman?" "Hindi mo naman kasi tinanong at saka hindi ka kasi marunong magtago, 'no. Baka mamaya sa kalagitnaan ng klase natin ay biglang mag-ring ang cellphone mo," asar nito sa akin. Ngumuso lang ako rito at kunwari ay ginagaya ang mga sinasabi niya. Oo, naasar ako sa mga sinasabi niya ngunit hindi ako papayag na ako lang ang maasar! "Mukha kang pato. Itigil mo nga 'yan," seryosong wika nito. Napasimangot naman ako dahil doon. Pato talaga? Pato?! "Magandang pato 'to, huy!" wika ko, "By the way, anong sinabi ni Vel?" "Hinahanap nila tayo," wika nito. Nahampas ko naman siya dahil doon ngunit mahina lang naman ito. "Sabi ko sa iyo, e. Dapat hinintay na lang natin sila," saad ko rito. Umiling-iling siya. "Si Sam, hinahanap ka raw." Napataas ang aking kilay. "Ha? Bakit naman?" He shrugged. "Hindi ko alam. Mukha ba akong nandoon? Hindi mo ba nakikita? Magkasama tayo, oh. Magkasama!" diing wika pa nito sa akin. Napa-poker face na lang ako dahil sa pagiging sarkastiko niya. "Balik na kaya tayo sa school?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pwede. Papunta na rito 'yong driver ko in five minutes. Hahanapin tayo no'n kapag hindi tayo nakita rito," paliwanag niya at sunod-sunod na umiling. "Paano naman sila Sam, Vel, at Krystal?" tanong ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya at nag-isip-isip ng gagawin namin. "Pwede naman natin sila balikan 'pag nandito na driver ko para hindi na rin tayo mamasahe," wika nito. "Pero... paano kung wala na sila sa school pagbalik natin? E 'di, nagsayang lang tayo ng oras?" tanong ko sa kaniya ulit. Nangunot ang kaniyang noo at napatingin sa akin. "Seryoso ka ba, Chezka?! Kanina ay gusto mong puntahan natin sila, tapos ngayon nag-aalala ka na baka pagpunta natin doon ay wala na sila." Napakamot ako sa kaniyang sinabi. "Pasensya na. Iniisip ko lang naman ang posibleng kalalabasan." "Ah, alam ko na," wika niya, "Ite-text ko si Reinavel na huwag muna sila umalis dahil babalik tayo riyan." Tumango-tango naman ako. "Ako na ang mag-chat," wika ko sa kaniya. Tumango ito. "Oh," wika niya at binigay sa akin ang kaniyang cellphone. To Reinavel; Hintayin niyo muna kami riyan. Babalik kami pagkatapos ng limang minutos. Ingat kayo riyan, hehe. :) — Luna Agad kong binigay kay Simoun ang kaniyang cellphone pagkatapos i-send kay Vel aking message. Wala pang tatlong minutos ay nag-vibrate agad ang cellphone ni Simoun. Nang buksan niya ito ay nagtaka ako dahil bigla siyang natawa. "Mukhang galit na galit yata ang bebe mo," wika nito. Nangunot ang aking noo. "Bebe? Luh! Sino naman?" "Sino pa ba? KaSam!" sigaw niya. Napatakip na lang ako sa aking tainga. "We're just friends," paliwanag ko. "Wala naman akong sinabi, ah? Ikaw, ha, napaghahalataan," pang-aasar niya sa akin. "G*go! Sabi mo ‘bebe’. Iisa lang naman ibig sabihin ng bebe, ah?" sabi ko sa kaniya. Uminom muna siya ng kape niya at saka napailing-iling. "Ito, oh. Basahin mo," wika niya. Nang ibigay niya sa akin ang cellphone ay agad kong binasa ang mga messages. From Reinavel; Uy! Gagi. Kasama mo si Luna?! Nasaan kayo, hoy! Sagot! Uy! Bilis. Nangunot ang noo ko nang sunod-sunod ang mga chats niya at animo'y nagmamadali. To Reinavel; Ang kulit?! Kailangan pa talagang mang-spam? Oo, magkasama kami. Nag-date kami ngayon. Matapos basahin ang ni-send na chat ni Simoun kay Reinavel ay agad ko siyang binatukan. Sakto rin na umiinom siya noon kaya halos malunod na siya. "What the—" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang ipakita ko sa kaniya ang chats niya. Bukod kasi sa sinabi niyang "nagda-date raw kami" ay nag-send pa siya ng stolen picture ko habang nakain ng cake. Hindi naman ito pangit bagkus ay maganda ang pagkakakuha niya. Sakto lang din ang lightning nito pero sana naman ay humingi muna siya ng permiso sa akin bago i-send iyon. "Ipa-prank nga natin sila, e," wika nito. Nang susubukan kong batukan ulit siya ay agad na niyang iniwas ang kaniyang ulo. "Nabasa mo na ba ang mga chats ni Sam?" tanong nito. Natigilan naman ako dahil doon. Tinignan ko ang mga chats ni Reinavel ngunit wala naman akong nakitang kahit na anong chats ni Samuel. "Wala naman, ah?" tanong ko rito. "Tangeks! Tignan mo kasi 'yong chat heads ni Sam," wika nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa pagmumura niya sa akin. Nang tignan ko ang chats ni Sam ay halos mapanganga ako. 3 missed calls and 8 new messages. From Samanok; Where are the both of you?! Where is Luna? I'll take her from you. Answer my f*cking calls, idíot! D*mn you, Simoun. Huwag ka talagang magpapakita sa akin bukas kung ayaw mong mabangasan 'yang pagmumukha mong pangit. F*ck you, bro. Nangunot at nanliit ang mga mata ko sa ni-reply ni Simoun. Reply from "f*ck you, bro"; F*ck? Yes, I'm ready. Kailan ba, dude? ? Mas lalong nanliit ang mga mata ko nang makita ang emoji sa dulo ng kaniyang message. "Bakla ka ba?" biglaang bulalas ng aking bibig. Natawa ako nang mabulunan ulit siya ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa tanong ko na. "What?!" sigaw niya. "Bakit ganito ang message mo kay Samuel at saka bakit 'yong nickname niya Samanok?" tanong ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya matapos ko iyong sabihin. "I just said that to tease him more. You can see through his messages that he's really angry. Also, it's normal for dudes to have that kind of nickname though," he explained. Napatango-tango naman ako. Binasa ko ulit ang iba pang messages ni Sam. From Sam; ??? Ngising napatawa na lang ako sa ni-send na emoji ni Samuel. Natigil ako sa pagbabasa ng mga chats nila nang tapikin ako ni Simoun. "Why?" I asked while murmuring. Nginuso naman niya ang entrance kaya tumingin ako roon. Nang makita ang driver ni Simoun ay agad kong niligpit ang gamit ko at kinuha ang milk tea na pinabili ko kanina. "Tara na," yaya ko sa kaniya. Sabay kaming nagtungo sa entrance. Nang makita naman kami ng kaniyang driver ay agad itong tumakbo at saka pumunta sa sasakyan nila Simoun. Pagpasok namin sa sasakyan ay agad akong nagsalita. "Manong, pwede po ba na dumaan muna tayo sa school bago umuwi?" tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa batok. "Pasensya na po, ma'am, pero may emergency pa po kasi akong pupuntahan." "Ha? Saan, manong?" tanong naming dalawa ni Simoun. "Nanganak na po kasi ang anak ko at kailangan nila ng alalay sa bahay kaya nag-request ako kay madam ng 1 month leave," wika nito. "Eh, bakit mo pa ako sinundo ngayon, manong?" tanong ni Simoun sa kaniya. "Akala ko kasi ay makakabalik agad ako sa bahay pagkasundo ko sa iyo ngunit na-traffic ako dahil may nangyaring aksidente roon sa may highway natin," paliwanag niya. "Pasensya na po, manong, kung mala-late kayo sa byahe niyo," paumanhin ni Simoun. "Ay, ayos na ayos lang po." Napatingin ako sa bintana bago tignan si Simoun. Base sa mga tingin niya ay tinatanong niya ako kung "ayos lang ba?". Tumango naman ako bilang paninigurado. Gusto ko man balikan ang tatlo, mukha naman na kailangan ni manong makita ang apo niya. "Sige po, manong. Diretso na lang po tayo sa village natin," wika ko. Pareho lang kasi kami ng village na tinitirhan ni Simoun kaya kilalang-kilala nila Mom at Dad si Simoun pero ilang bahay din ang pagitan ng bahay naming dalawa. "Maraming salamat po, ma'am." Ngumiti ako sa kaniya. "Congratulations po sa inyo." Agad kong hiniram kay Simoun ang kaniyang cellphone matapos ang pag-uusap naming dalawa ni manong. Agad kong tinawagan si Reinavel. "Vel!" tawag ko sa kaniya. "Luna! Jusko po. Nasaan na ba kayo? Ang init-init dito. Kanina pa kami naghihintay," bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. "Vel, uwi na kayo," wika ko. "Bakit naman?" tanong nito at base sa boses niya ay sigurado akong nakakunot na ang kaniyang noo. "Hindi na kami makakabalik diyan kasi—" "Ano?! Put*ngina naman, Luna. Naghintay kami ng matagal dito tapos hindi niyo rin pala kami babalikan," inis na wika niya. "Kasi—" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay agad na kinuha ni Simoun ang kaniyang cellphone mula sa kamay ko. Dahil naka-loud speaker ito ay rinig na rinig ko ang palitan nila ng salita sa bawat isa. "May emergency na nangyari kaya hindi muna kami matutuloy riyan," wika ni Simoun. Napa-face palm na lang ako. They will misunderstood it! Nagtaka ako nang sumunod na boses ay si Samuel ang narinig ko. "What?! What happened? Where's Luna? Is she okay?" sunod-sunod na tanong nito. Nang makita ko ang mga ngisi sa labi ni Simoun ay mabilis ko siyang binatukan at pinanlakihan ng mga mata. Base sa mga ngisi niya ay alam na alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Calm down, Samanok. We're fine. Si manong ang may emergency na kailangan puntahan kaya hindi muna kami makakabalik diyan kaya magsiuwi na kayong lahat," paliwanag niya at diniinan pa ang salitang "we're". Matagal bago ko marinig ang sunod na nagsalita sa kabilang linya. "Mag-ingat kayong dalawa," wika ni Krystal at agad na pinatay ang tawag. Napahinga ako nang maayos dahil doon. "Do you think they're angry?" I asked. "Of course, they are. Halatang-halata naman sa boses nila," wika niya. "Pasensya na po talaga," wika ni manong. "Ayos lang po," sabay na wika namin ni Simoun. Sinandal ko muna ang aking katawan sa likod ng upuan at saka hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pagod. Nagising ako nang sampal-sampalin ni Simoun ang pisngi ko ngunit mahina lang naman ito. Bumungad sa akin ang mga ngiti na kinasama ng araw ko. "Kailangan ba talagang sampalin ako para gisingin? At saka, huwag ka nga ngumiti. It's creeping me out," sabi ko sa kaniya. "Grabe naman 'yong panglalait, ha," saad nito at saka napasimangot. Hindi ko na lang ito pinansin at tinuon ang paningin sa labas ng bintana ng van. "Nandito na pala tayo," wika ko at saka tinapik si Simoun at binuksan ang pinto ng van. Dire-diretso akong bumaba at wala man lang lingon-lingon. "Salamat, ha. Salamat!" sarkastikong sigaw nito. I giggled and raised my hand as a sign of good bye but I still didn't face him. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate namin. Nang mag-door bell ako ay mabilis naman binuksan ni manang ang pinto. "Nasaan po sina Mommy at Daddy?" tanong ko sa kaniya. "Nasa trabaho pa, hija," wika niya. Tumango na lang ako at dire-diretsong naglakad papunta sa aking kwarto. Mabilis kong nabagsak ang aking katawan sa kama ko, marahil na rin siguro sa pagod at mabilis ulit akong nakatulog. -- Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking kwarto. Pagbangon ko ay doon ko lang napansin ang aking bag na hindi nakaayos kung saan ang tamang pwesto nito. Doon ko lang napansin na suot ko pa rin pala ang aking uniform. Matapos iayos ang aking bag ay agad kong binuksan ang aking pinto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Mommy. "Yes?" tanong ko sa kaniya. "Oh? Bakit ka pa rin naka-uniform?" tanong niya sa akin. "Nakatulog po ako, Mom," sabi ko sa kaniya. She ruffled my hair. "Sige, magbihis ka na at bumaba pagkatapos para sabay-sabay na tayong kumain ng gabihan. Tumango na lang ako sa sinabi niya at agad na sinara ang pinto. Pagtingin ko sa aking wall clock ay alas siyete na pala ng gabi. Grabe! Ganoon pala katagal ang natulog ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD