Chapter 12: Chezkaluna's POV

2188 Words
Matapos ang mahabang klase ay sa wakas ay uwian na rin. Buong maghapon akong nakaupo sa tabi ni Angelo. Paano ba naman kasi ay mukhang may galit talaga sa akin si Sam. Paglabas ko ng classroom ay bumungad sa akin ang mga estudyante ng pang hapon na klase. Ngumiti lang ako sa kanila na hindi naman nila tinugunan. "Ayos ka lang ba?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Simoun sa aking tabi. Mabuti na lang at hindi ko siya nahampas. "Oo naman," wika ko rito at saka nilayo ang kanang kamay ko sa kaniya. "Kanina ko pa napapansin na hawak-hawak mo 'yang kamay mo," saad nito at sabay kaming naglakad pababa. Hinayaan at iniwan na namin ang iba dahil kami ang naunang makatapos sa sasagutan na post-test. "Nangalay lang 'to kakasulat," pagsisinungaling ko. "Araw-araw tayong nagsusulat pero ngayon mo lang 'yan ginawa," saad pa nito. Nanliit ang mga mata kong tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw yata 'yong mukhang may lagnat? Ayos ka lang ba?" sarkastikong tanong ko sa kaniya at huminto sa paglalakad para tignan ang temperatura niya. Nagulat ako nang bigla niyang iniwas ang kaniyang ulo at hinawakan ang kamay ko. "Aray!" sigaw ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanang kamay ko, sadyang masakit lang talaga ito kapag nahahawakan nang hindi marahan. Agad siyang napabitaw sa akin dahil doon. Pagkabitaw niya ay agad kong ginamit ang aking kaliwang kamay upang magsilbing gabay sa aking kanang kamay. "I knew it," he murmured. "What do you mean?" tanong ko sa kaniya. Napailing-iling na lang ito. "I saw how Sam treated you earlier. Even though, he's in a bad mood, he shouldn't have done that to you." "Intindihin na lang natin. Baka may problema talaga siya," pagtatanggol ko naman kay Sam. Umiling si Simoun. "May ganiyang side rin pala siya ng pagkatao niya." Nangunot naman ang noo ko matapos niya iyong sabihin. "Lahat naman tayo may ganoong side, ah? Minsan nga lang, hindi na natin maiwasan na manakit ng iba," paliwanag ko sa kaniya. "Sige, ipagtanggol mo pa. Ikaw na nga 'yong nasaktan, e," saad nito. "Luh! Hindi naman ako nasaktan," sarkastikong saad ko sa kaniya. "Talaga ba?" tanong nito kaya tumango naman ako. Nagulat ako nang sinubukan niyang kuhanin ang kanang braso ko, mabuti na lang at mabilis ko itong naiwas. I giggled. "Huwag ka ngang maharot! Baka mahulog pa ako sa hagdan, e 'di hindi lang kamay ko ang masakit?" He laughed. "Okay, okay, I'll stop." Natigil kami nang may tumikhim sa aming likuran. Pagharap namin ay si Vernice pala. Nakita ko naman na nasa likuran niya ang mga nakapilang estudyante at base sa aking kalkulasyon ay estudyante ito sa narra. They are all neat and clean. Gumilid muna kami para makaraan si Vernice at saktong pagbaba niya ay sumunod naman kami. Ramdam ko naman na nakasunod sa amin ang estudyante ng narra. "Let's go," Simound said and that made me shocked because he immediately grabbed my shoulder. Nagsilbi siyang gabay sa akin sa pagbaba nang maayos dahil hindi nga ako makahawak sa railings gawa ng hawak ko ang aking kanang kamay. "Salamat," I whispered. Pagkababa namin ay agad din naman siyang lumayo sa akin. Nagtaka lang ako nang bigla siyang umikot upang mapunta sa kaliwa kong side. "Bakit ka umikot?" tanong ko sa kaniya. "Para makahawak sa braso mo," aniya at pinilit na ihawak ang mga kamay niya sa aking braso. Nangunot akong tumingin sa kaniya. Ito ang mahirap sa kanila, e! Sanay na sanay na sila na kumapit sa braso ko. Ako naman itong malambot ang puso at hindi makatanggi. "Dito ka sa right side ko para magsilbing shield ko. Baka mamaya may tumamang bola sa kanang kamay ko, e 'di mas lalong sumakit?" saad ko sa kaniya. "Bahala ka riyan," wika nito. Napanganga ako dahil sa tugon niya at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Hinayaan ko na lang siya na hilahin ako upang makapaglakad. "Punta tayo sa cafe store," saad niya paglabas namin ng school. "Susunduin ako ni Manong Ester. Baka mag-alala 'yon kapag hindi ako nakita," wika ko sa kaniya. "Wait," aniya na pinagtaka ko. Pumunta kami sa waiting shed at nilapag niya ang kaniyang bag. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya nang ilabas niya ang kaniyang cellphone. "Hoy!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ba't bawal 'yan sa classroom? Bakit mayroon ka niyan?" "Nasa classroom pa ba tayo? Wala na, 'di ba? Kaya ayos lang naman," wika niya. "Paano mo naman natago 'yan?" tanong ko rito. "Simple question! Siyempre pinailalim ko sa mga notebooks ko," saad nito. "Oh, tawagan mo na si Manong Ester," saad ulit niya at binigay sa akin ang password. "Saglit! Saan ba kasi muna tayo pupunta at bakit tayong dalawa lang? Paano naman 'yong tatlo?" tanong ko pa sa kaniya. "Hayaan mo sila. Bonding natin 'tong dalawa," saad nito. Napasimangot na lang ako nang makunsinte niya rin ako na umalis kaming dalawa. "Saan ba 'yong cafe shop na sinasabi mo?" tanong ko rito. "Malapit lang. Sasakay lang tayo ng jeep sa may kanto tapos pagkaraan ng limang minutos, nandoon na tayo," paliwanag nito. Napatango-tango naman ako. "Kapag ako na-kidnap, ikaw talaga sisisihin ko." Natawa naman siya sa aking biro. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Napailing-iling na lang ako at saka nagsimulang i-dial ang number ni Mommy. "Hello, Mom?" tawag ko sa kaniya nang sagutin nito ang telephono. "Hello, who is thi—oh! Baby. Why? How are you? Did your class ended?" she asked so many questions. Napakamot na lang ako dahil sa sunod-sunod niyang tanong. "Mommy, kalma. Iisa lang ang kalaban," biro ko. Natawa naman si Mom dahil doon. "Wait—kanino 'tong cellphone number na gamit mo? Did you bring your cellphone in school?" she asked. "Hindi po, Mommy. Sa kaibigan ko 'to, kay Simoun," paliwanag ko. "Ah, ano naman ang rason kung bakit ka napatawag? Wala pa ba riyan si Manong? Gusto mo ba na—" Pinutol ko ang kaniyang sasabihin. "Wala pa po si manong at balak ko po sana na huwag siya papuntahin dahil balak po namin pumunta ni Simoun sa cafe shop," paliwanag ko sa kaniya. Ilang beses akong napalunok kahit na wala naman akong iniinom dahil sa kaba. "Kayong dalawa lang ni Simoun? Si Samuel, hindi niyo ba kasama?" tanong nito. Napaupo ako sa tabi ni Simoun sa waiting shed. "Nasa klase pa po si Samuel at balak po sana naming umalis nang mas maaga upang makauwi ng mas maaga rin," pagpapalusot ko sa kaniya. "Aba, hindi 'yon pwede! Hintayin mo si Samuel bago kita papayagan na gumala kasama si Simoun," wika niya. Halata sa boses ang pagtataka ngunit maawtoridad na wika niya. "But, Mom—" Naputol ang aking sasabihin nang biglang kuhanin ni Simoun ang cellphone mula sa akin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata dahil sa ginawa niya ngunit hinarangan niya lang ng kaniyang kamay ang aking mukha na kinainis ko. "Tita, wala ka bang tiwala sa isang gwapong tulad ko?" tanong ni Simoun. Nahampas ko naman siya sa kaniyang braso. "Huy! Manahimik ka nga," bulong ko sa kaniya. He just laughed and made a quiet sign. "Opo, Tita. Aalagaan ko po 'tong anak niyo, don't worry," wika niya. Nangunot naman ako sa kaniyang sinabi. Eh...? Pumayag na ba si Mommy? "Sige po, Tita. I love you po!" wika nito at agad na pinatay ang tawag. Sapilitan ko namang kinuha ang cellphone niya. "Bakit mo pinatay?" inis na tanong ko sa kaniya. He giggled. "Ayaw ka raw makausap ng Mommy mo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinungaling! Binola-bola mo pa si Mommy, ikaw ha!" He just shook his head and laughed. After that he winked at me and that made me gross. "Gusto mo ako na magbuhat ng bag mo?" tanong nito. Anong mayroon ba kay Simoun ngayon? Bakit sobrang weird ng mga kinikilos niya? "No, thanks. Masakit ang kamay ko, oo pero hindi ang balikat ko," wika ko sa kaniya at tinarayan siya. "Hintayin mo 'ko. Kapag nanguna ka, hindi kita ililibre." Awtomatiko na huminto ang mga paa ko dahil sa kaniyang sinabi. Hinintay ko na magkapantay kami hanggang sa sabay na ulit kaming naglakad. "Paano kung mas lalong sumama ang loob sa akin ni Samuel?" biglaang tanong ko sa kaniya sa gitna ng aming paglalakad. "Paano mo naman nasabi na sa iyo may galit si Sam?" tanong din nito sa akin. "Iyong mga kilos niya kasi..." I whispered. "Ay, sus!" sigaw niya at inakbayan ako. "Hindi mo pa naman nakakausap si Sam kaya huwag ka mag-isip ng kung anu-ano." Nanliit ulit ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Napatingala pa ako dahil hanggang balikat niya lang ako. "Ay, sige. Hindi na ako mag-o-overthink," sarkastikong saad ko sa kaniya. He laughed. "Is that sarcastic or what?" "Ewan ko sa iyo!" sigaw ko rito na mas lalo niyang kinatawa. Ngunot-noo noo pa rin ako hanggang sa makasakay kami ng jeep. Hindi naman kamahalan ang bayad dahil nga estudyante kami. Napangiti ako dahil kasabay ng katamtamang andar ng sasakyan ay ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Mas nae-enjoy ko ang aking paglalakbay kaysa sa aking patutunguhan. Pagdating namin ay agad kaming bumaba. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang shop dahil may malaki itong kalatura na nakalagay sa labas ng shop nila. Pagpasok namin ay agad kaming ni-welcome ng staff kaya nginitian ko sila. "Anong order mo?" tanong ni Simoun. "Kahit ano," wika ko. "T*nga. Tignan mo 'yong menu, may nakalagay ba na 'kahit ano' riyan?" tanong din nito. Sinamaan ko siya ng aking paningin. Tinignan ko naman ang menu. "May pera ka ba riyan?" tanong ko sa kaniya. "Aba, siyempre! Ililibre ba kita kung wala akong pera?" sarkastikong tanong din nito. Napa-roll eyes na lang ako. "Isang caramel latte at saka sliced cake." "Iyon lang?" tanong niya. "Baka gusto mo yatang damihan ko?" sarkastikong tanong ko rin sa kaniya. He giggled. "Sige na, maghanap ka na lang ng mauupuan natin." Tumango na lang ako. Nang makapila na siya sa counter ay ako naman ay tumalikod para sana humanap ng upuan namin ngunit saktong pagharap ko ay muntik na akong makadali ng isang crew na dala-dala ang order ng mga costumers. Mabuti na lang ay may humila sa akin palayo para hindi ko ito madali. "I'm sorry, miss," wika ng crew. "Sorry din po," paghingi ko ng tawad. Nang tumalikod ako rito upang harapin ang humila sa akin ay nagulat ako nang makita kung sino ito. "Salam—oh? Adi?" tanong ko sa kaniya. Gulat naman siyang tumingin sa akin. "You know my name?" "Ah... oo, narinig ko lang," pagsisinungaling ko pero totoo naman! Narinig ko lang kanila Shanthal at Rose ang pangalan niya. "Thank you nga pala," pagpapasalamat ko sa kaniya. "Walang anuman. By the way, ikaw lang mag-isa?" tanong nito. Umiling ako. "Hindi. May kasama ako. Ikaw? Ikaw lang mag-isa?" "Hindi. Kasama ko mga tropa ko," wika niya at tinuro ang nasa likuran niya na nakatingin sa amin. Napatango-tango naman ako. Sila ba ang G6?! "Mahilig ka rin pala sa kape?" tanong ko rito. Hindi naman talaga ako mahilig sa kape pero siyempre gumagawa ako ng paraan para humaba ang usapan namin. "Ah... oo," aniya at kumamot sa kaniyang batok. "You like it too, right? What a coincidence." Napatango-tango na lang ako. Natigil lang kami sa usapan nang tapikin ako ni Simoun. "Oh?" tanong ko sa kaniya. "May nahanap ka na bang upuan?" tanong nito. Umiling-iling naman ako. Matapos kong umiling ay sunod na lumapag ang mga mata niya sa lalaking kaharap ko ngayon. "Ah... alam ko na kung bakit," aniya. "Naghahanap ba kayo ng upuan? Mayroong dalawang sobra na upuan sa may lame—" "Hindi na, dude. Salamat na lang pero may nahanap na akong upuan namin," saad ni Simoun. "Eh—" Bago pa ako makapagsalita ay agad akong hinila ni Simoun. Wala na akong nagawa kun'di lumingon sa aking likuran at ngitian si Adi upang magsilbing pamamaalam. Ang bango niya talaga! Pag-upo namin doon ay nagulat ako sa kunot-noo na mukha ni Simoun ngunit nakangisi na pinagtaka ko. "Kaya pala hindi agad nakahanap ng upuan kasi dumada-moves sa crush niya," wika nito. Hinataw ko siya sa kaniyang braso. "Anong crush?! Huy! Maghunos-dili ka nga. Pangit mo naman ka-bonding." "Ouch! Akala ko ba masakit 'yang kanang kamay mo pero bakit ang sakit manghataw?!" tanong nito sa akin. Ngumiti ako ng sarkastiko. "Hindi na masakit. Pwede na ulit ipang-hataw." Pagkatapos ko iyon sabihin ay hinampas ko ang lamesa ngunit sakto lamang ang lakas no'n. Natawa ako matapos niyang lagyan ng imaginary zipper ang bunganga niya. "Baliw ka talaga," wika ko rito. He giggled. Adi's POV; "Uy, nandito rin pala si miss beautiful," wika niya. "Natanong mo ba pangalan?" tanong naman ni mokong. Umiling-iling ako. "Agad na lumapit 'yong kasama niya, e." "Nandito rin pala siya. Ano siya? Sinusundan tayo?" sunod-sunod na tanong niya. Napataas naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi. "Remember, y'all are the one who's following her. You decided to come here after you heard their conversation," I said. "Ey! Easy lang, dude." Napailing-iling na lang ako. Nang tignan ko naman si Andrei ay nakatulala lang ito habang nakatingin sa may bintana kaya mas lalo akong napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD