Chapter 11

2305 Words
Natigil kami sa pagsigawan sa isa't isa nang dumating si Ma'am Dela Cruz. "Good morning po, ma'am," sabay na wika namin sa kaniya. Habang wala pa ang iba kong kaklase ay naupo muna ako malapit sa upuan ni Rose para naman ay may ka-chika ako. Tumango na lang si ma'am sa aming sinabi at dumiretso na sa lamesa niya. "Tanggalin niyo na 'yong kurtina." Tukoy niya sa blackboard dahil hanggang ngayon ay may kurtina pa rin ito. Nginusuan ko naman si Rose bilang senyas. Napabuntong hininga na lang siya at wala ng nagawa pa kun'di tanggalin ang kurtina na naroon. "Ma'am, may mga sulat pa rin po 'yung board," wika ni Rose kay ma'am. "Na naman?" inis na tanong ni ma'am. "Sige. Ire-reklamo ko na lang 'yan sa afternoon teacher dito." "Sige po," wika ni Rose at nagsimula nang burahin ang mga nakasulat sa black board. Dahil isa lang ang eraser namin ay wala na akong nagawa kun'di pagmasdan siya sa kaniyang ginagawa kahit na gusto ko rin naman na tumulong sa kaniya. "Chezka, anak?" tawag ni ma'am sa akin. "Yes, ma'am?" tanong ko at saka pumunta sa lamesa niya. "Wala ka namang ginagawa, 'di ba?" tanong nito. "Wala naman po. Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Pakibigay nga ito sa seksyon narra," saad niya at binigay sa akin ang isang papel. "Para saan ito, ma'am?" tanong ko rito. "Basta ibigay mo na lang. Alam na 'yan ng ma'am mo," saad niya. "Ma'am, paano kung wala si Ma'am Balecuatro roon?" tanong ko ulit sa kaniya. Natigil siya sa pag-aayos ng kaniyang gamit at bumuntong hininga. Tumingin siya sa akin na tila nagtitimpi at sinusubukan na habaan ang pasensya. Pasensya na po, ma'am. Naninigurado lang. Para naman alam ko ang sasabihin ko, 'no! Hindi 'yong pabalik-balik pa. "Ilagay mo na lang sa desk niya," saad nito. Tumango naman ako at saka kinuha ang papel na nasa desk niya kanina. Tumingin ako kay Rose nang mapansin na tapos na siya sa pagpunas ng blackboard. Sumenyas ako sa kaniya na sumama sa akin ngunit ang mokong ay dinilaan lamang ako! Mukhang ito yata ang ganti niya sa akin, ah? Napailing-iling na lang ako habang lumalabas ng silid-aralan. Gusto ko man tignan ang nakalagay sa loob ng papel dahil nga ay may pagka-marites ako ay hindi ko rin magawa. Baka mamaya ay gradings pala namin 'to, e 'di wala nang magiging trill sa akin no'n? Pagpunta ko sa silid ng narra ay halos mahiya akong tumapak sa sahig nila dahil sa sobrang kinis. Ganoon din ang blackboard na kahit budbura ng chalk ay hindi mo makikita. Ilang beses akong napalunok nang mapansin na puro lalaki ang nandito. "Ano 'yan?" tanong ng isang estudyante. "Hindi ko rin alam. Mukha ba akong pakialamera?" Iyan ang mga katagang gusto ko sabihin ngunit tanging ngiti na lang ang ginawad ko sa kaniya. "Pinapalagay ni Ma'am Dela Cruz sa lamesa ni Ma'am Balecuatro," wika ko sa kanila. "Akin na," saad ng isang lalaki at walang paalam na kinuha ito sa akin. Kumindat pa ito sa akin bago tumalikod at ilagay iyon sa lamesa ng guro nila. Hindi lang walang modo! Bastos pa! Halos himasin na niya ang buong kamay ko nang kinuha niya ang mga papel, e. Napakakupal naman pala ng mga lalaki sa seksyon na ito. Para sa akin ay mas ayos pa rin si Angelo kumpara sa lalaking iyon. "Salamat, miss," wika ng isang lalaki. Napangiti naman ako matapos niya iyon sabihin. Sa kanilang lima ay siya lang ang nagmumukhang mabait. Mukhang disente ring tao hindi katulad ng mga kasama niya. "Sige, mauna na ako," wika ko sa kaniya at kumaway pa. Pogi na, mabango pa! Kahit na dalawang tao ang layo namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang pabango niya! Shems! Nakakalaglag panty. Bago pa ako mawala sa aking ulirat ay agad na akong naglakad palabas sa kanilang classroom. Gusto ko sana huminto sa paglalakad nang mapansin na may lalaking lumabas mula sa banyo ng classroom nila ngunit naalala ko nga pala na wala akong pake sa kahit na sino! Pagpasok ko sa aming silid ay napasimangot na lang ako nang mapansin na nagsisimula nang magsidatingan ang mga kaklase ko. Natuod ako sa may pinto ng aming classroom nang mapagmasdan na nagbabasa si Vernice ng mga naging lessons namin imbes na makipag-chika. Sana ganiyan din ako kasipag! Napailing-iling na lang ako upang gisingin ang aking sarili at saka pumunta sa row ng upuan ko ngunit bago pa man ako makaupo ay agad akong hinila ni Rose. "Kumusta naroon ba ang G6—OMG, ka be!" Naputol ang kaniyang sasabihin at nagtaka ako nang bigla-bigla niya akong amuyin at sumigaw. Dahil sa pagsigaw niya ay naagaw niya ang atensyon ng lahat dahilan upang mapatingin sila sa amin. "Bakit?" tanong ni Shanthal sa amin. "Naamoy mo ba?" tanong naman ni Rose sa kaniya. Nagtaka naman ako sa sinabi ni Rose. Nangunot ang noo ko nang amuyin din ako ni Shanthal. Grabe! Oo, inaamin ko na nagmadali ako maligo ngunit hindi naman siguro ako ganoon kabaho... Hindi naman siguro... "Hala ka! Nalagutan na!" sigaw rin ni Shanthal na mas lalo kong pinagtaka. "Bakit? Anong nangyari?" tanong naman ni Simoun at lumapit din sa amin. Grabe! Mga chismosa at chismoso lang, e 'no? "Nilapitan siya ni Adi!" sabay na sigaw nilang dalawa dahilan upang mapatakip ako sa aking tainga. Ang lapit-lapit lang namin sa isa't isa pero kung makasigaw ay akala mo ay nasa bundok! "Who's shouting?" Natigil kami nang biglang pumasok si ma'am. "Sorry po, ma'am," wika nila Shanthal at Rose at naupo sa harapan ko. Napataas naman ako ng aking kilay. They should have sat on their own seats! Pinagmasdan lang kami ni ma'am at maya-maya ay umalis din naman agad ito. "Sino si Adi?" sabay na tanong namin ni Simoun. Nagkatinginan naman kami dahil doon at parehong natawa. "My gosh! Hindi mo siya kilala, Chezka?" tanong ni Shanthal sa akin. "Tatanungin ko ba kung kakilala ko?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya. "Whatever!" sigaw niya at nag-flip hair pa. "By the way, back to the topic... may I know who's 'Adi'?" tanong ni Simoun at nag-peace sign pa nang banggitin niya ang pangalan ni Adi kaya natawa naman ako. "Isa sa miyembro ng G6," wika ni Rose. Agad-agad naman akong napatingin sa kaniya dahil doon at napataas ang kilay. So, isa sa limang 'yon ay miyembro ng G6? Pero sino? Si Adi ba 'yong kumuha ng papel sa kamay ko? Pwes, pangalan pa lang halatang pangit na ang ugali. Adi? Adik? Charot! "Siya 'yong laging may towel sa likod tapos 'yong mukhang naglalagay ng Johnson's baby powder!" sigaw ni Shanthal at animo'y hinihingal-hingal at pinapaypayan pa ang sarili. Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Okay, binabawi ko na kung ano man ang nasabi ko sa aking isipan kanina! Well, name Adi really suits him. Adi sounds like a humble and kind one, and he is! I badly want to get closer with him... "Paano niyo naman nalaman kung sino 'yon?" tanong ko sa kanilang. "Duh! Be, perfume pa lang, kilalang-kilala na namin," wika ni Rose at inamoy-amoy ulit ako. Nang makita na halos mamuti na ang mata niya sa kakaamoy sa akin ay nilayo ko ang kaniyang mukha sa akin. Grabe! Ganoon ba talaga sila ka-'fan' ng G6 na 'yan na kahit pabango ay saulong-saulo nila ang amoy?! Pero... in fairness, I won't complain when it's Adi. Well, infact I already trace his smell. His perfume is so addicting! Nacu-curious tuloy ako. Baka may gayuma ang pabango niya kaya naaakit ako ng ganito! "Anong brand ba ng pabango 'yan? Mabili nga rin... baka maadik din sa akin ang kakabaihan," wika ni Simoun. "Excuse me?!" Taas-kilay na tanong ni Shanthal sa kaniya at tinarayan pa ito. "Adi's perfume is limited edition only and it cost 10,000 USD for one LITTLE bottle only." Tila natuyo ang aking lalamunan matapos iyong marinig. Paulit-ulit ko pang nilunok ang aking sariling laway dahil doon. Ang laki naman! Half million para sa pabango?! Napakamot naman sa batok si Simoun. "Huwag na pala. Mukha ko ay sapat na para maakit ang mga kababaihan." "Luh! Magising ka nga sa sinasabi mo. Masyado kang mahangin," saad sa kaniya ni Shanthal. "Ang harsh, ha!" sigaw rin sa kaniya ni Rose na kinatawa ko na lang. Natigilan lang kami sa aming pagdadaldalan nang magsimula ng dumami ang mga nagsisidatingan. Nang dumating si Sam ay nagtaka ako dahil sa kunot-noo nitong bumungad sa akin. "Anong mayroo—" Natigil ako sa aking pagtanong nang pabagsak niyang nilagay ang kaniyang bag sa kaniyang upuan at tumalikod mismo sa akin. Anong nangyari? May PMS ba siya o sadyang wala lang siya sa mood? "Huy!" tawag ko sa kaniya at sinubukan ko pang hawakan ngunit agad niya ring tinabig ang kamay ko na kinagulat ko. May nagawa ba akong mali? Nang pumasok si Reinavel ay tanging kalahating ngiti lang ang nagawad ko sa kaniya. "Good morning!" bati sa akin ni Vel. "Good morning," bati ko pabalik. "Good morni—ay!" sigaw niya nang makita si Sam. "Mukhang bad mood," she murmured and shook her head. Napasimangot na lang ako dahil doon. Gusto ko man na makipag-chika kay Vel ay hindi ko magawa dahil nasa gitna namin si Sam at mukhang bad mood pa hanggang ngayon. Wala na akong nagawa kun'di maging tahimik na bata sa aking upuan. Nagtaka ako nang bigla rin akong amuyin ni Sam ngunit bago pa man ako makapagsalita ay agad ulit itong tumalikod. At sa oras na ito ay pakiramdam ko ay mas lalo siyang nainis... sa akin? "Sam—" Sinubukan ko ulit siyang hawakan ngunit agad niyang binalibag ang kamay ko dahilan para matama ito sa aking lamesa kahoy. Aray ko po! Napahawak ako sa aking kamay dahil sa sakit noon. Reinavel looked at me. "Hayaan mo na lang. Mukhang bad mood talaga," she murmured. I just nodded. Nang dumating si ma'am ay agad akong tumayo nang walang pasabi at nagpaalam sa kaniya. Hawak-hawak ang kamay habang papunta sa kaniya. "Ma'am, pwede po ba na sa row 3 na lang po muna ako umupo?" tanong ko rito. "Ngayong araw lang po," wika ko ulit. "Bakit naman? Ano ang dahilan?" tanong din nito sa akin. Awkward akong ngumiti at napakamot sa batok. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Sam ang dahilan dahil para sa kaniya ay unreasonable reason iyon. "Basta po, ma'am. Bigyan na lang kita ng tuyo sa teachers day, ma'am," wika ko. "Ikaw, ha. Sinusuhulan mo ako," saad nito. I giggled. "Alam ko naman na ang rason kaya sige, pinapayagan kita," wika nito. Nangunot ang noo ko. "Huh—" "Uupo muna si Chezka sa tabi ni Angelo. Hanggang ngayong araw lang kaya kumalma lang kayo sa mga ships niyo," wika ni ma'am. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon. Iyon ba ang ibig sabihin niya kanina?! Jusko po! Ayaw kong tumabi kay Angelo. Oo, gusto ko sa row 3 dahil mas tutok ang electric fan doon... hindi dahil kay Angelo! "Yieee..." hiyawan ng mga kaklase ko. Sinamaan ko na lang silang lahat at si Angelo na pangiti-ngiti ay binigyan ko ng death glare. Hindi ko na nilipat ang bag ko dahil uupo lang naman ako sa tabi ni Angelo sa tuwing subject na ni Ma'am Dela Cruz. Kung ililipat ko kasi ang aking bag, magmumukha akong desperada at mayroong crush kay Angelo. At 'pag nagmukha akong ganoon... hindi na ako magiging astig, no'n! Pagkatapos kong kuhanin ang aking notebook at lapis ay dire-diretso akong nagtungo sa row 3. Walang lingon-lingon dahil habang kinukuha ko ang aking mga gamit ay ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Sam at kapag nakita ko 'yon...? Kahit na sa peripheral vision lang? Magiging marupok ako, dzai! Hindi ko magawang tiisin si Sam dahil kapatid na rin ang turing ko sa kaniya. Pagkaupo ko sa tabi ni Angelo ay nangunot ang noo ko nang humarap siya sa akin. "Humarap ka sa harapan, hindi sa akin," inip na wika ko rito. "How can I? You're the best view for me," aniya. "Gago! Anong best view? Mag-aral ka nga muna. Tandaan mo, wala ka sa bakasyon, nasa paaralan ka kaya humarap sa unahan," pangangaral ko rito. Napasimangot naman siya dahil doon. "Yes, ma'am." Napa-roll eyes na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Nakakairita talaga kapag ganito ang katabi mo! Maingay, madaldal, nangongopya at isa pa ay sa iyo nakapokus! "Burn!" sigaw ni Simoun. Napangiwi naman ako dahil doon. Marahil ay narinig niya ang sinabi ko kay Angelo dahil hindi naman kalayuan ang inuupuan ko sa row namin. "Bakit?" tanong ni Krystal sa kaniya. Napailing-iling na lang ako nang sabihin niya kay Krystal ang sinabi ko ngunit sinadya niya talaga na lakasan ang kaniyang boses upang marinig ng buong classroom. Kailan ba matatapos ang pagiging chismosa nila... namin? Someone's POV; "Pre, sayang hindi mo naabutan 'yong babaeng sinasabi namin," wika nila kay Andrei. "Okay and then?" malamig na tanong niya sa kanila na lihim ko na lang na tinawanan. "Baka nakakalimutan mo na 'yong dare natin..." "Tsk. Kailan niyo ba gustong gawin ko 'yong dare?" tanong ni Andrei sa kanila. "Dre," tawag ko kay Andrei na kinatingin niya. "Speak up," he said. "Huwag niyo na lang kaya ituloy 'yong dare. She looks so innocent, don't ruin her..." I murmured. "Adi! Alam naman namin na mabait ka. Oo, alam din namin na mala-anghel ka pero huwag mo kaming pakialaman sa dare na ito, okay?" saad ni mokong at tinapik-tapik pa ang balikat ko. Winaksi ko naman iyon at saka tumingin kay Andrei ngunit nagtungo na lamang siya sa kaniyang upuan. I secretly got pissed off because of them. Ito ang side na ayaw na ayaw ko sa kanila. They will use other person for their satisfaction. "Bukas ng tanghali, dude. Huwag mong kakalimutan, ha," wika nila kay Andrei. They're really bad influence on him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD