"Anak, gising na," wika ni Mom ngunit nanatili pa rin akong nakapikit.
"Alas otso na ng umaga. Bilisan mo na at bumangon ka na—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mom at agad na bumangon.
"Po?!" gulat na tanong ko at mabilis na nagtungo na sa banyo upang maligo.
Matapos kong maligo ay agad kong sinuot ang aking uniform.
Paglabas ko sa banyo ay nakita kong ayos na ang aking kama kaya agad kong kinuha ang aking bag at dali-dali na bumaba.
Pagbaba ko ay nagtaka ako nang makita na naka-pajamas pa rin si Dad habang si Mom ay natatawang napailing-iling na lang habang naghahanda ng pagkain.
"Ang aga mo naman maligo, Luna," wika sa akin ni Dad.
"Sabi kasi ni Mommy e, 8 am na raw!" sumbong ko sa kaniya at naupo na rin sa upuan.
"Hindi ka pa ba nasanay riyan sa Mommy mo?" tanong niya.
Napasimangot na lang ako sa sinabi niya at mas lalo akong napasimangot matapos makita ang oras.
6 am pa lang!
"Mommy..." I hummed and frowned.
She giggled. "I'm sorry, baby."
Napailing-iling na lang ako dahil doon.
Nang matapos maghanda ng pagkain ay agad akong kumain.
"Kumusta naman ang grades mo, Luna?" tanong ulit ni Dad.
"Dad, wala pa ang next card viewing, okay?" sarkastikong saad ko rito.
"Oo nga, hon. Katatapos lang ng card viewing nila tapos nagtatanong ka na naman ng ganiyan," wika naman ni Mom na kinangiti ko.
"Huwag mo nga kakampihan 'yang anak mo," saad niya kay Mommy.
Napasimangot na lang si Mom dahil doon kaya napatawa naman ako.
"Masama bang kumustahin ang pag-aaral ng anak ko?" tanong ni Daddy kay Mom.
"E, pine-pressure mo kasi siya!" saad naman ni Mom.
Napailing-iling na lang ako at hinayaan na silang magtalo sa harap ko hanggang sa matapos akong kumain.
"Mom, Dad, I'm done. Thank you for instant music listening," I sarcastically said and took my bag.
"I'll go now," wika ko at saka hinalikan sila sa pisngi.
"Ingat ka, anak," wika ni Mommy.
"Take care, my princess," saad ni Daddy.
"I will, Mom, Dad," I said.
Paglabas ko ay agad akong pumunta sa garahe. Doon ay sumalubong sa akin si Manong Ester.
"Good morning, manong!" bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga rin, Luna," bati nito pabalik.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa sasakyan.
"Salamat, manong," wika ko. Pasasalamat iyon sa pagbukas niya ng pinto para sa akin.
Pagpasok niya ng sasakyan at pagkabit ng seatbelt ay nagsalita rin siya.
"Walang anuman, Luna," aniya.
Tahimik lang ang buong byahe namin nang magsimula ng umandar ang kotse.
Naisandal ko na lang ang aking ulo sa bintana dahil sa antok na rin.
Masyado pa namang umaga para pumasok ngunit sanay na rin naman ako sa ganito bale hihintayin ko na lang sina Vel at Sam.
Pagdating namin sa school ay may nakita na akong mga naka-park na kotse sa campus.
"Marami-rami yatang estudyante ang pumasok ng maaga ngayon, ah?" wika ni manong nang makita rin ang mga nakaparadang sasakyan.
"Hindi po ako sigurado riyan, manong. Baka sa mga titser 'yan," saad ko sa kaniya.
Napatango-tango naman siya sa aking sinabi. "Sa bagay..."
Matapos pumarada ay agad akong lumabas ng sasakyan.
"Salamat po, manong," wika ko at nagpaalam na sa kaniya.
Umikot pa ako ng campus dahil ang papasok malapit sa parking lot ay ang faculty room.
Pagdating ko sa gate ay agad bumungad sa akin si manong guard.
"Good morning po!" bati ko rito habang nakangiti.
"Oh? Ang aga mo yata ngayon," wika nito.
Napakamot naman ako ng buhok. "Maaga po kasi akong ginising. Wala na rin naman akong magawa dahil ayaw na bumalik ng aking antok."
Natawa na lang ito dahil sa aking pagkuwento.
"Nasaan nga pala ang i.d. mo?" tanong niya sa akin.
"Ay, ito p—" Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansin na hindi ko suot ang i.d. ko ngayon.
"Saglit lang po," wika ko sa kaniya at pinatong ang aking bag sa waiting shed.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita na nasa bag ang i.d. ko kaya agad ko itong sinuot.
Napatingin ako kay manong guard nang mapansin na katatapos lang din niya mag-check sa isang estudyante.
Dahil sa kursyudad ay sinilip ko kung sino iyon ngunit bigo ako dahil tanging likod niyang papalayo lang ang nakita ko.
"Patingin nga," wika ni manong guard at kinuha ang aking i.d.
"Oh, siya, pumasok ka na," saad niya.
"Salamat po!" wika ko.
Agad akong nagtungo papunta sa aming building at pag-akyat ko sa aming floor ay halos manginig ako dahil sa lamig ng dampi ng hangin.
The sun still hasn't rise...
Napabuntong hininga na lang ako nang mapansin na sarado pa rin ang mga silid.
Mukhang mas maaga yata ako ngayon kay Rose, ah?
Nilapag ko ang aking bag sa sahig, sa tapat ng aming classroom at nagpasiya na pumunta sa faculty room upang hingiin ang susi ng classroom.
Pababa na ako ng hagdan nang magulat ako dahil sa pagkulbit sa akin ng kung sino.
"Rose! Jusko, nakakagulat ka!" sigaw ko sa kaniya at tinapik siya sa kaniyang braso habang ang isa kong kamay ay napasapo sa aking dibdib.
She giggled. "Sorry, Chezka."
Napatango na lang ako bilang sensyas na tanggap ko ang sorry niya.
"Saan ka nga pala pupunta?" tanong nito.
"Sa faculty room," wika ko.
"Sabay na tayo. Hintayin mo 'ko," saad nito.
"Sige, ilagay mo na roon ang bag mo," wika ko sa kaniya.
Tumango ito.
Saktong pagtingin ko sa kaniya upang pagmasdan ang pagtaas niya ay ang pagbaba ng kung sino.
Napakapit na lang ako sa railings dahil doon.
Nang magtama ang aming landas ay natigilan ako dahil saktong pagdaan niya ay ang malamig na hangin na pagdampi sa aking balat.
Tinignan ko pa siya nang makita na pababa rin ito ngunit bigo ako dahil tanging ulo at likod lang niya ang nakita ko.
"Huy! Tara na," sigaw ni Rose na kinagulat ko ulit.
Natawa dahil doon. "Madalas ka yatang magulat, ah?"
"Dahil sa kape lang 'to," pagpapalusot ko.
"Ay, sus! 'Yan kasi... iwas-iwas din sa kape," saad nito.
"Oo na! Tara na nga," wika ko sa kaniya.
Napailing-iling na lang ako nang ipalibot pa niya ang kaniyang kamay sa aking braso.
Nagmumukha akong nanay nito dahil sa kaniya, e.
Sabay kaming bumaba at nagtungo sa faculty room.
Dahil nga malayo-layo ang faculty room sa building namin ay halos malibot na namin ang buong campus.
"Ang lamig, 'no?" saad ni Rose.
I nodded and hummed.
"Ano nga pala ang general average mo noong card viewing?" tanong ni Rose sa akin.
"86," wika ko.
"Sa akin 92 lang," aniya.
Napatingin naman ako sa kaniya matapos niyang sabihin na 'lang' lang.
Grabe nilalang niya lang 'yun? Sabagay, mataas naman na talaga ang iyong expectation kapag nasanay ka na maging with honor.
"Alam mo, kung magsisipag ka lang sa pag-aaral, papasok ka sa with honor," aniya.
Napasimangot naman ako. Nandito na naman tayo sa pangangaral nila...
"Alam ko iyon, Rose, at iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ako nag-aaral nang mabuti," paliwanag ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. "Hmm? Para sa akin, hindi naman. Kulang ka lang talaga sa inspirasyon."
I looked at him with disgusted expression. Hindi ako slow mag-isip para hindi malaman kung ano ang gusto niya sabihin.
"Sapat na sa akin si Lee Taemin para maging inspirasyon," wika ko rito.
Napailing-iling na lang ito sa aking sinabi. "Bahala ka riyan..."
Nang makarating na kami sa faculty room ay natigilan kami sa pagdadaldalan.
Si Rose na mismo ang kumatok sa pinto ngunit pagbukas ng pinto ay nagtaka ako dahil may lumabas na lalaki ngunit hindi ko nga lang nakita ang mukha dahil natatakpan ni Rose ang aking view.
Nang dumaan ito upang lumabas ay tanging likod na lang niya ang nakita ko at sa pangatlong pagkakataon ay naramdaman ko na naman ang lamig ng hangin.
Siya 'yung lalaki na nakasalubong ko rin sa may hagdan kung hindi ako nagkakamali dahil amoy na amoy ko ang pabango niya.
Nang ilipat ko ang paningin kay Rose ay nangunot naman ang aking noo.
"Huy!" sigaw ko kay Rose.
"Ay, kabayong may pakpak!" sigaw nito na kinatawa ko.
Unicorn ba ang nasa isip niya kaya bigla siyang napahinto?!
"Anong kailangan niyo?" tanong ng isang titser sa amin.
"Susi po para sa mahogany-9 room po," wika ko.
"Oh, heto," wika ni ma'am.
"Salamat po," sabay na wika namin ni Rose at saka lumabas na sa faculty room.
Paglabas namin ay nagtaka ako dahil nagtatalon-talon siya sa saya.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.
"Nakita mo ba 'yung lalaki na nakasalubong natin sa pagpasok ng faculty room?" tanong niya.
"Hindi. Nakaharang ka kasi, e," sarkastikong wika ko sa kaniya.
"Ay, sayang naman!" sigaw nito sa akin ngunit patuloy pa rin ang pagngiti.
"Saglit nga! Ano bang mayroon sa lalaking 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Siya si Benedict. Ang bango, be!" sigaw nito sa akin at halos paghampas-hampasin na ako.
"Oh, ano namang mayroon sa kaniya? Mabango lang?" tanong ko rito.
Natigil ito sa pagsigaw at nagtatakang tumingin sa akin.
"Seryoso? Hindi mo talaga siya kilala?" tanong nito.
"Mukha ba akong may interes sa iba, Rose?" tanong ko rin sa kaniya pabalik.
Napabuntong hininga naman siya. "Napakalungkot naman ng buhay mo."
"Gaga, kaya ko bang kilalanin isa-isa lahat ng mga tao rito sa campus?" tanong ko rin sa kaniya at nauna na sa paglalakad.
"By the way, anong mayroon sa Benedict na 'yon?" tanong ko sa kaniya habang patungo sa building namin.
"Pogi, mabango, hearthrob, magaling sa sp—"
"Hindi iyan ang gusto ko malaman dahil wala naman akong pake sa kaniya," wika ko at pinutol ang sasabihin niya.
Napabuntong hininga naman ito. "Nasa dean's lister siya ng campus natin, be! Isa rin siya sa ilalaban sa division ng school sa math subject."
Napatango-tango naman ako. "Iyon lang naman pala," wika ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin para makaharap sa kaniya.
"Iyon lang?! Hello? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Dean's lister siya, dean's lister!" pagdidiin pa nito.
Napaatras naman ako dahil doon at nailagay na lang ang aking kamay sa aking tainga.
"Alam ko na dean's lister siya at hindi mo na kailangan paulit-ulitin pa," wika ko, "Pero wala naman 'yon para sa akin. Wala pa rin akong pake kung sino sila."
Napasimangot naman siya. "Pakita ka naman ng kahit kaunting support, oh!"
"What kind of support ba?" conyong tanong ko rito.
"Bigyan mo—"
Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin niya dahil alam kong wala rin naman itong kwenta.
"Huwag na. Ang tanging support na ibibigay ko sa kaniya ay peace of mind kaya hindi ko siya guguluhin gaya ng ginagawa mo," wika ko rito.
"What?!" sigaw niya.
Mabilis naman akong umakyat ng hagdan at natatawang dumiretso sa aming classroom.
Dali-dali ko itong binuksan at pinasok ang aking bag sa loob.
Nagtago ako sa ilalim ng upuan upang hindi niya ako makita.
"Lumabas ka na, Chezka. Kitang-kita naman kita. Nagmumukha ka lang t*nga," aniya.
Napasimangot naman ako dahil sa huli niyang sinabi.
Tumayo ako at bumalik sa aking upuan. Sinandal ang aking kamay sa aking lamesa at tumingin kay Rose.
"Alam kong nagmumukha akong t*nga pero huwag mo naman ipamukha pa sa akin lalo," wika ko sa kaniya.
Natawa na lang ito dahil sa aking sinabi.
Nanatili kaming tahimik habang nakaupo. Wala rin naman kasing assignment kaya hindi na ako nag-aalala pa.
"May tanong ako Rose," wika ko sa kaniya.
"Ano 'yon?" tanong nito.
"Kasali ba 'yong Benedict na 'yun sa grupo ng mga—"
"Aba, oo! Kasali siya sa G6. Siya ang pinakatahimik sa kanila pero playb—"
"Okay. Stop it. Gusto ko lang naman tanungin kung ano pangalan ng grupo nila, hindi 'yung posisyon niya roon," saad ko rito.
"Naks! Nagkakaroon ka na yata ng interes kay Andrei, ah?" aniya.
"Inay ko po! Hindi 'yan totoo," pagtanggi ko.
"By the way, ano ang ibig sabihin ng G6?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Gwapo 6," aniya.
Napatango-tango naman ako. "Ah... akala ko kasi gago 6."
Natigilan siya at sunod-sunod na umalingawngaw ang tawa niya.
"Put*ngina mo talaga, Chezka!" sigaw nito sa akin.