"Huwag kang mag-alala. Mas pogi ka pa rin naman sa paningin ko kahit hindi naman iyon totoo..." bulong ko sa kaniya at sinuntok ng mahina ang braso niya.
He chuckled. "Mukhang napipilitan ka lang yata na sabihin iyan, ah?"
"Ay, halata pala?" sarkastikong tanong ko rito.
Napasimangot naman ito dahil sa aking sinabi. I tease him by my eyes. Looking at him with sarcastic look.
"Magandang umaga," bati ni sir pagpasok nito.
"Magandang umaga, sir," bati naming lahat at tumayo upang magbigay ng galang.
"Take a one fourth sheet of paper," wika nito.
Agad naman akong naglabas ng lapis at kwaderno upang magsilbing patungan sa papel.
Nang makitang naglabas na ng papel si Sam ay agad kong nilapag ang kamay ko sa lamesa niya.
"Pahingi," wika ko.
Napailing-iling na lang ito at saka binigyan ako.
"Sir, one fourth po?" tanong ng isa kong kaklase.
Lihim naman akong natawa dahil doon.
Paulit-ulit?!
"Ay, hindi. Paulit-ulit lang?" sarkastikong tanong ni sir kaya lahat naman kami ay natawa.
"Spelling ulit," bulong ni Sam sa akin.
Napatango-tango naman ako.
Hindi ako ganoon kagaling pagdating sa spelling ngunit hindi rin naman ako ganoon walang kaalam pagdating sa Filipino.
"Spelling ng nakakapagpabagabag," wika ni sir.
"Ha?" sabay-sabay na wika namin.
Napakamot ako sa ulo dahil doon.
Mukhang maglalabasan ang mga kuto ko matapos marinig iyon, ah?!
"Nakakapagpabagabag. Itaas niyo ang lapis niyo kapag tapos na kayong mag-spell," paliwanag niya.
Napatango-tango naman ako at bumuntong hininga.
Bahala na si batman sa aking score!
Matapos i-spell ito ay tinaas ko ang aking lapis.
Sinubukan kong tumingin kay Samuel at naitaas ko ang aking kilay ng mapansin na tila magkaiba ang pagkaka-spell namin.
Nang mapansin niya iyon ay agad niyang tinakpan ang kaniyang papel at saka nagtaas na rin ng lapis.
Napa-poker face naman ako at saka hindi na siya pinansin.
"Lahat ba ay tapos na?" tanong ni sir.
"Sir, hindi pa!" sigaw ng iilan kong mga kaklase na nagsusulat pa rin.
Ngalay na ngalay na ako, oh?!
"Okay. I'll give you 3 minutes to spell it," saad nito.
Matapos ang 3 minutos ay wala ng nagawa pa ang hindi pa tapos na dahil agad na nagpa-spell si sir ng mga susunod na wika.
"Spell durungawan," saad nito.
"Ha?!" sunod-sunod na tanong ulit namin.
Hindi na sumagot pa si sir ngunit natawa na lang ito sa aming ekspresiyon.
Napabuntong hininga na lang ulit ako.
Wonder pets, tulungan niyo ako please!
Pagkatapos mag-spell ay gaya kanina ay tinaas ko na rin ang kamay ko.
Napansin ko ay halos marami-rami na ang natapos mag-spell pagkatapos kong magtaas ng kamay.
"Para sa number 3, i-spell niyo ang palautatan," saad nito.
"Sir?!" sabay-sabay na tanong naming lahat ngunit tanging tawa lamang ang tinugon niya.
"Sir, pakiulit po!" sabay-sabay na request namin.
Napabuntong hininga siya. "Palautatan."
Wala na akong nagawa pa kun'di i-spell pa iyon.
Palitaw? Ano?! Bahala na talaga si superman sa aking score.
Hindi sigurado at nag-aalangan kong tinaas ang aking lapis.
Nang makitang ako ang naunang magtaas ng lapis ay tila mas gusto mahuli dahil sa kahihiyan. Hindi kasi ako sigurado sa sagot ko...
"Umaandar ang oras," wika ni sir at tinapik-tapik ang relo niya.
Maya-maya ay sunod-sunod na ang mga nagtaasan ng lapis.
"Para sa bilang 4, i-spell niyo ang sulatroniko," wika niya.
"Sir, pakiulit!" sabay-sabay na request nila.
Confident naman akong sinulat ang spell nito.
Nakita ko kasi ito noong nakaraan habang nagso-scroll ako sa feed app.
Hinintay ko muna na ulitin ni sir ang sulatroniko at saka tinaas ko na ang aking lapis.
"Woah! Ang bilis mo naman, Chezka," wika ni sir nang makita ako.
Wala akong nagawa kun'di matawa na lang at ngumiti kay sir.
Nang matapos ang lahat ay kinabahan ako dahil biglang ginalaw-galaw ni sir ang kaniyang ballpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri.
Isa iyon sa sign kung saan ay seryoso si sir. Madalas niya itong ginagawa sa tuwing nagtuturo siya ng Ingles na subject ngunit ito ang unang beses na ginawa niya ito sa kaniyang Filipino subject.
"For number 5, spell pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis," he said.
"Po?! Pakiulit, sir!" sabay-sabay na reklamo namin.
Akala ko ba ay Filipino subject kami ngayon ngunit bakit tila naging Ingles na?!
"Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis," ulit niya.
"I'll give you 3 minutes to spell that," saad pa nito.
Napabuntong hininga na lang ako at saka hindi sigurado na ini-spell ito.
Dahil Filipino subject kami, siguro naman ay pang Tagalog din ang spell nito, 'di ba?
Ito-ito ang mga naging sagot ko sa pa-spelling ni sir. Confident ako sa ibang number ngunit sa 'palitaw', hindi ako sigurado...
1. Nakakapagpabagabag
2. Durungawan
3. Palitaw
4. Sulatroniko
5. Umonewaltramaycroskopiksiliconisies
"Tapos na ba ang lahat?" tanong ni sir.
"Hindi pa po!" sigaw ng iilan.
"Take your time," saad niya.
Napatingin ako kay Sam nang kulbitin niya ako.
"Palit na tayo ng papel," wika niya.
"Ha? Bakit naman?" Ngunot-noo na tanong ko sa kaniya.
"Magpapalit din naman tayo mamaya kasi nga magche-check, 'di ba?" aniya at saka kinuha ang papel ko at nilagay ang papel niya sa lamesa ko.
I looked at him with a poker face. He literally caught my paper without asking my permission?! Desisyon din siya, e!
Napabuntong hininga na lang ako.
Nang i-check ko ang papel niya ay nangunot ang noo ko nang makita na magkaibang-magkaiba kami sa pagkaka-spell.
Ito ang mga sagot niya sa kaniyang papel;
1. Nakakapagpagabagab
2. Dungawan
3. Palautatan
4. Sulatroniko
5. Lung disease
"Hoy!" bulong ko sa kaniya.
"Oh?" tanong niya.
"Bakit iba spelling ng sa iyo?" tanong ko rito.
"Sa iyo nga rin, e," aniya.
"Tama naman ang pagkaka-spell ko, ha!" sigaw ko sa kaniya ng pabulong.
"Mali ka. Ako ang tama," saad nito.
Nangunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa.
"Wala namang pinapa-spell si sir ng palitaw," wika niya at saka pinigilan ang tawa.
Nilusot ko sa ilalim ng lamesa ang kamay ko at saka kinurot ang tagiliran niya.
"A-aray!" bulong niyang sigaw sa akin.
"Kasalanan ko ba kung mali ang pagkakarinig ko?" mataray na tanong ko sa kaniya at saka nag-roll eyes.
"Oo na. Ako na ang mali," labag sa loob na wika niya na kinangiti ko.
"Tapos na ba ang lahat?" tanong ni sir.
"Opo," sabay-sabay na tugon namin.
"Exchange your paper," wika niya.
"Sabi ko sa iyo, e," bulong ni Sam sa akin at tumingin pa sa akin na proud na proud.
Nye! Nye! Nye! Daming alam.
Nang ii-spell ni sir ang sagot sa number 1 ay natawa ako dahil mali ang sagot ni Sam dito.
"Sino ang mali?" tanong ni sir.
Marami-raming nagtaas ng lapis at isa na ako roon dahil mali ang tinitignan kong papel.
"Nakatsamba ka lang," bulong sa akin ni Sam habang nakanguso.
"Admit it! You're wrong," pang-aasar ko.
"Hmp!" he murmured.
Nang i-spell ulit ang para sa number 2 ay natawa ulit ako dahil mali na naman siya.
"Lagyan mo nga ng ‘ru’ tutal 'yon lang naman ang kulang," bulong sa akin ni Sam.
"Nye! Nye! Bahala ka riyan. Bawal 'yon. That's cheating," pang-aasar ko ulit.
"Parang ano naman kasi, e!" sigaw pa nito sa akin.
Patuloy ko siyang inasar gamit ang aking paningin at saka nilagyan ng ekis ang number 2 niya dahil mali iyon.
Nang magpatuloy na mag-spell si sir ay napasimangot ako dahil tama siya sa number 3.
Natawa naman si Sam. "Palitaw!"
"Nye! Nye! Nye! Manahimik ka," I murmured.
"Palitaw!" pang-aasar ulit nito sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang paningin sa harapan.
Nang i-spell na ni sir ang sulatroniko ay nagtaka ako dahil tahimik siya kaya tinignan ko ang papel na chinechekan niya.
Napangiti ako nang makita na pareho kaming tama roon.
"For number 5..." wika ni sir at nagsimulang i-spell ang salitang iyon.
"Ha...?" bulong ko nang makitang sobrang layo ng sagot ko sa totoong spelling nito.
"Lung disease is the short term of pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis," paliwanag ni sir.
"What?!" sabay-sabay na sigaw namin.
Natawa naman si sir dahil doon.
Aba! Pinaghirapan kong isipin kung ano ang spelling noon tapos lung disease lang pala ang short term nito?!
Nangunot ang noo ko nang makitang 'lung disease' ang nakalagay sa number 5 na papel ni Sam.
Nagtaas ako ng kamay.
"Yes, Chezka?" tanong ni sir.
"Sir, pwede po ba ito? Lung disease po kasi niligay ni Samuel," wika ko.
Natawa naman doon si sir at napatakip pa ito sa kaniyang bibig.
Tumingin naman ako kay Sam at napataas ang aking isang kilay nang proud na proud itong tumingin sa akin.
Hays! Kailan ba maaalis sa katawan niya ang pagiging self proud?
Umiling-iling si sir matapos maka-recover mula sa pagtawa.
"Kung ano ang pina-spell ko, 'yun lang iyon," wika ni sir.
"Sige po," saad ko at saka nilagyan ng ekis ang papel ni Sam.
Nang tumingin ulit ako sa kaniya ay nakasimangot na ito na kinatawa ko rin.
"Desisyon ka kasi!" pang-aasar ko pa rito.
"Pareho lang din naman 'yon, e," wika niya.
"Bakit iyon ba ang pina-spell ni sir? Hindi, 'di ba?" saad ko rito na lalo niyang kinasimangot.
"Ibalik niyo na ang papel sa isa't isa," wika ni sir.
Nang ibalik ni Sam ang papel sa akin ay napangiti ako matapos makita ang score ko.
Naka-3 puntos lang ako ngunit pasado na rin naman na 'yon!
"Sino ang naka-5 puntos?" tanong ni sir.
Wala ni isa ang nagtaas ng kamay kaya napahagikgik na lang si sir.
"4 na puntos?" tanong ulit ni sir.
Lahat kami ay nalipat ang paningin nang magtaas si Vernice. Siya lang ang nakaapat na puntos sa aming lahat...
Is she really that smart?
"Congrats!" wika ni sir at lahat naman kami ay pumalakpak ng apat.
"Sino ang naka-3 puntos?" tanong ni sir.
Tinaas ko ang aking kamay at saka tumingin sa iba. Kakaunti pa lang din ang naka-3 puntos kaya kitang-kita kung sino ang mga ito.
Kasama si Simoun at Shanthal sa nakapuntos ng 3.
Nagpatuloy ang pagbibilang ni sir nito at saka kinuha ang papel namin.
Halos kalahati sa amin ay nakakuha ng 1 puntos o 'di kaya ay bokya.
***
Natapos ang araw namin ng puno ng tawanan dahil wala naman kaming masyadong ginawa gawa ng nasa seminar ang ibang subject teachers namin.
Nanood na lang kami ng mga nakakatakot. Mabuti na lang at may dalang USB ang isa sa mga kaklase namin kaya nakanood kami dahil kun'di ay ipagte-test kami ni ma'am.
"Good night, Luna," wika sa akin ni Sam.
"Good night, Samuel," saad ko rin sa kaniya at pinatay na ang tawag sa cellphone.
Sinubukan kasi namin pag-usapan ang tungkol sa presentation namin para sa English dahil hanggang ngayon ay plano pa lang ang nagagawa namin at nalalapit na ang araw ng presentation namin.
Pagkatapos i-charge ang cellphone ay tumalon ako sa kama at saka inayos ang teddy bear na nasa tabi ko.
Bago humiga ay nagdasal muna ako. Nagpasalamat ako sa pang-araw-araw na biyaya sa akin, hindi ko rin nakalimutan ang humingi ng tawad sa araw-araw kong nagagawang kasalanan.
Pagkatapos magdasal ay inayos ko ang aking unan at saka nahiga na.
Binilang ko ang mga artificial stars na nasa kisame ng aking kwarto at nagliliwanag ang mga ito...
Sa gitna ng aking pagbibilang ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagpikit ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na ito napigilan pa.
"Taya!" sigaw ng batang lalaki.
"Ang daya naman, e! Kanina pa ako taya tapos ang bilis-bilis mo pa tumakbo," reklamo ng babae at saka nilagay ang mga kamay sa tuhod upang magpahinga.
Pareho silang hinihingal...
"Ang bagal mo kasi tumakbo!" sigaw rin sa kaniya ng lalaki.
Nagtaka ako at nilibot ang buong lugar. This place is familiar.
"Oh!" bulong ko ng biglang nagbago ang lugar.
Where am I?
"Kain na raw tayo," wika ng batang lalaki.
I can't clearly see his face...
"Ano ang ulam?" tanong ng batang babae.
Sandali! Pamilyar ang boses na iyon... ako ba ang batang babaeng ito?!
"Hindi ko rin alam. Halika na at sabay na tayong kumain," saad ng lalaki.
He laid his hands on her, asking for her hand.
Tumingin naman ang batang babae sa kamay niya at sa batang lalaki bago tanggapin ang kamay nito.
Tinulungan ng batang lalaki na makatayo ang babae mula sa pagkakaupo sa grass at saka sabay na naglakad papasok sa loob ng isang bahay.
Nagtaka ulit ako nang mag-iba na naman ang lugar.
What is happening?
"Babalik ka pa ba?" umiiyak na tanong ng babae.
"Oo," saad ng lalaki.
"Pangako?" tanong ng babae.
Nag-aalangan na sumagot ang batang lalaki.
"Promise," wika nito.
Bigla akong nalungkot kasi kahit na hindi malinaw ang lahat sa akin ay nakita kong pag-cross ng mga daliri niya sa kaniyang likuran.
Ibig sabihin ay hindi siya tutupad sa kaniyang pangako o hindi siya sigurado kung magagawa niya ba iyon...
"Isang bagay lang ang sigurado ako," wika ng lalaki.
"Ano 'yon?" tanong ng batang babae.
"Hinding-hindi kita sasaktan at paglaki natin ay papaka—"
"Ha!" Nagising ako na hinihingal nang maramdaman ang lamig na dumapo sa aking katawan.
Hinawakan ko ang aking noo at nagtaka ako nang maramdaman na pawis na pawis ako. Ganoon din ang dibdib ko.
Nang tignan ko ang oras ay masyadong maaga pa naman...
Ngunit sino sila? Sino ang mga nasa panaginip ko? Is that me?
Naabot ng aking paningin ang isang picture frame kaya tumayo ako mula sa kama at kinuha ito.
Binuksan ko ang ilaw at saka napangiti ng makita ko.
Yes, that's me... and my childhood best friend.
It's been a long time and I already forgot some details about what happened in my past but what was the reason for dreaming those memories?
Is he really not keeping his promises?
Marahan kong hinawakan ang litrato ng lalaking katabi ko sa litrato.
Will you really break that promise, Andrei...?