Chapter 8

2131 Words
Hingal na hingal kaming nakarating sa harap ng aming silid-aralan. "Saan kayo nanggaling?" tanong sa amin ni Ms. Dela Cruz nang makita kami. "Nagpulot lang po ng basura," wika ni Sam. Napataas ang kaniyang kilay na pinagtaka naming dalawa. We both asked each other with our eyes and shrugged. Nasagot lang ang aming katanungan nang mapatingin ito sa aming mga kamay. Agad kong nahila ang kamay ko na hawak-hawak niya. Nagsimula naman ang tilian at hiyawan ng mga kaklase ko roon. Nakita ko rin ang pagngisi at pag-iling ni miss na kinasimangot ko na lang. Kailan ba matatapos ang pagshi-ship sa amin? "Oh, sige. Pumasok na kayo," wika ni ma'am. Dali-dali naman akong pumunta sa aking upuan. "Julienne, kunin mo 'yong tray sa canteen," wika ni ma'am at saka tumingin sa upuan ni Julienne. "Ma'am, absent po si Julienne," wika ni Vernice sa kaniya. "Bakit daw?" tanong niya. Vernice just shrugged and we stayed silent because we didn't even know the reason for it. "Sino na lang ang kukuha?" tanong ni ma'am. "Ako po, ma'am!" pagboluntaryo ni Krystal. "Sige, kunin mo na," wika nito. "Ma'am, pwede po ba na isama si Chezkaluna?" tanong nito na kinagulat ko. Tumingin ako sa kaniya at sunod-sunod na umiling. Tinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado at tumango pa ito. Bago pa ako makapagsalita na ayaw ko ay agad tumango si ma'am na kinabuntong hininga ko. Wala na akong nagawa kun'di magpahila kay Krystal. Masaya naman siya paglabas namin. "Bakit mo pa ako dinamay?!" inis na tanong ko rito habang nakakunot ang mga noo. Tumawa lang ito habang niyayakap ang braso ko gamit ang kamay niya. "Ito naman! Para naman makapaglibot-libot ka sa paaralan natin," wika niya. "Mukha ba akong mahilig makihalubilo?" tanong ko rito at ni-roll ang mga mata. Kumapit ako sa railings nang magsimulang bumilis ang pagbaba niya. "Iyon na nga, e! Kailangan mo rin malaman ang mga nangyayari sa paligid mo, 'no," saad nito at hinampas pa ako sa braso. Tinignan ko siya ng masama dahil doon. Mangangaral na nga lang, kailangan pa manakit?! "Basta! Hinding-hindi magbabago ang pananaw ko, 'no," wika ko rito at saka binilisan na rin ang pagbaba. "Sandali! Ang bilis mo, baka mahulog tayo," reklamo niya. Natigil na lang ako at napataas ang kilay dahil sa sinabi niya. Kung makapagsalita ay akala mo'y hindi niya rin 'yon ginawa kanina. "By the way, anong pananaw naman ang sinasabi mo?" tanong nito. "Ang manatiling mysterious sa klase," ngising wika ko. Nagpatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin habang nakataas ang mga kilay. Maya-maya ay sunod-sunod ang kaniyang tawa hanggang sa maging malakas ito. Agad kong natakpan ang bibig niya dahil maririnig iyon sa mga silid-aralan dahil mage-echo ang boses niya mula rito sa hagdan. "Grabe naman 'yong tawa mo, 'te! Aswang ka ba?" sarkastikong tanong ko rito at saka tinanggal ang pagkakakapit niya sa aking braso. "Natawa lang kasi ako sa sinabi mo," aniya. "Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko sa kaniya habang nangunguna sa paglalakad. "Mysterious? Ganiyan ba talaga kapag super fan ng musika?" tanong nito. Natigil ako sa kaniya at hinarap siya ng may sama ng tingin. Simula kasi nang manguna ako sa paglalakad ay nagpahuli naman siya. "Bakit mo dinadamay ang musika?! Wala naman 'yon sa topik natin, ah?" nagtatampong wika ko sa kaniya. "At saka, iyon ang dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan kasi ang papangit ng mga music taste niyo!" "Ay, wow! E, 'di ikaw na ang maganda ang music taste!" sigaw niya. "Hindi naman maintindihan ang wika." "Hoy, narinig ko 'yong huli mong sinabi ha!" sigaw ko sa kaniya. "Music doesn't have any languages. As long as you're vibing with it, it's fine. Also, my music taste has a meaningful lyrics unlike yours." "Wala na! Nag-English na siya. Tara, uwian na," sarkastikong wika niya kaya sarkastikong napatawa rin ako. "Bakit? Tama naman ako, ah. Your music taste has a good vibe and even me, can't help but to vibe with it too but the lyrics are wrong. The lyrics are too... you know," paliwanag ko sa kaniya. "At least, nagva-vibe ka pa rin," wika nito. "At least, ako in-admit ko na nagva-vibe ako. E, ikaw? Nakita ko na nasa playlist mo 'yong new release song ni Taemin," pang-aasar ko sa kaniya. "Ey! Kailangan mo na yata magpasalamin. Hindi 'yan totoo," wika nito. "May proof ako, 'te. Deniable ka pa," wika ko sa kaniya. Umiling-iling na lang ito at saka nauna sa paglalakad. Napangisi na lang ako dahil doon. Asar-talo talaga kahit kailan. Paglabas namin ng building ay dire-diretso lang naming tinungo ang daan papunta sa canteen. Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Krystal nang mapatigil din siya. Napataas ang aking kilay na mapansin na nakatingin siya sa dalawang lalaki na papalapit sa amin kaya tinignan ko naman ito. Nangunot ang aking noo. Bakit naman mapapahinto si Krystal dahil sa dalawang ito? Nang magtama ang aming landas ay saglit pa silang natigilan na pinagtaka ko ngunit agad din naman silang naglakad palayo sa amin. Humarap pa ako sa aking likuran at pinagmasdan sila na naglalakad palayo sa amin. Who are they...? "Huy!" sigaw ko kay Krystal nang natuod pa rin ito sa kaniyang kinatatayuan. "Oh! Oh!" sigaw ko at agad na sinalo si Krystal nang manlambot ang tuhod nito. "Ang gwapo!" sigaw niya at nagtitili-tili. Napa-poker face ako dahil doon at agad siyang binitawan at tinulak palayo mula sa akin. Agad siyang nadapa dahil doon. "Aray, ha!" sigaw nito at agad na tumayo at nagpagpag. "Seryoso ka ba? Nag-volunteer ka para lang makita ang mga 'yon?" inis na tanong sa kaniya. She hummed. "Siguro?" Napa-roll eyes ulit ako. "Itigil mo nga 'yang kahibangan mo." "Ay, sus! Iyan ang hirap sa iyo, e. Hindi mo kasi sila kilala," wika nito at saka nagtaray din. "As if naman na may interes akong kilalanin sila," wika ko rito. Nang makarating kami sa canteen ay doon lang natigil ang pagdadaldalan namin. "Anong grade at seksyon niyo?" tanong ng tagaluto dito sa canteen. "Grade 9, mahogany po," wika ko. Agad niyang binigay sa amin ang tray at sabay kaming lumabas. Hawak ni Krystal ang tray na puno ng tig-5 pesos na champorado habang hawak ko naman ang iba't ibang pagkain. "Magkano ang kailangan ibenta?" tanong niya sa akin. Huminto muna kami saglit at binaba ang tray 'saka ko kinuha ang papel kung saan nakalagay lahat ng listahan. "235," saad ko sa kaniya. "Ang dami naman," wika nito. "Hayaan mo na," saad ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. "Group 2 mangunguna sa tray ngayon, 'di ba?" tanong ulit niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Sa aming pag-akyat papunta sa classroom ay patuloy lang siya sa pagdadaldal habang ako ay puro tango lang at mas pinili na itikom ang bibig. Pagbalik namin ay agad kaming binulyawan ni ma'am dahil kesyo ang tagal daw namin kumuha ng tray. Napangiti ako nang makita ko si Sam na hinahanda na ang morning snacks niya. "Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya. "Snacks," wika nito. Napa-poker face ako dahil doon. Seryoso? Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos iyon lang ang isasagot niya? Oo, alam kong snacks 'yon ngunit ang ibig kong sabihin ay kung ano ang dala niyang baon ngayon. "Gagstok! Alam kong snacks 'yan. Ang ibig kong sabihin ay kung ano ang baon mo ngayon," wika ko sa kaniya at saka binatukan siya. "Aray!" sigaw niya. "Sa susunod kasi ay linawin mo ang mga tinatanong mo para masagot ka rin ng maayos." "Ewan ko sa iyo, Samuel. Ang dami mong alam! Hindi naman lahat ng bagay e, kailangan linawin," wika ko sa kaniya. "Kailangan linawin kung gusto mo rin makakuha ng isang malinaw na sagot," wika nito. Napatingin ako sa kaniya. "Share mo lang?" "Kaibigan naman kita kaya alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin," I continued. "But not all the time. Sometimes, you need to make it clear so things will run smoothly," paliwanag nito. I look at him with a disgusted look on my face. "Hugot ba 'yan? Hindi bagay sa iyo, Samuel!" sigaw ko sa kaniya. "Baka nakakalimutan niyo nandito pa kami," singit sa usapan ni ma'am. Napakamot naman ako sa batok dahil doon at agad na umupo. Kanina pa pala ako nakatayo at palakas na nang palakas ang usapan namin. Agad akong humingi ng tawad dahil sa kahihiyan. "Ito kasi!" sisi ko kay Sam pag-upo ko. "What? Ikaw kaya nagsimula," wika nito sa akin. Napa-roll eyes na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. "Group 5!" tawag ni ma'am sa amin. Dali-dali akong tumayo upang pumila. Napasimangot ako nang makitang kakaunti na lang ang natira at halos lahat ng ito ay hindi ko gusto. "Pabili nga ng isang maja blanca," wika ko. Agad kong binigay ang aking limang piso at bumalik sa upuan dala ang isang simangot sa mukha. "Bakit ka bumili ng maja?" tanong na bungad sa akin ni Sam pagbalik ko. Hindi ko siya pinansin at saka naupo sa upuan ko. Nakasimangot ko sanang isusubo ang maja nang pigilan ako ni Sam sa pagsubo. "Baka mabulunan ka. Mukhang may sama ka yata ng loob sa pagkain niyan, e," biro niya at natawa samantalang ako ay nanatiling naka-poker face lamang. Natigil siya sa pagtawa matapos makita na seryoso ako. Napabuntong hininga na lang siya. "Akin na nga 'yan," wika niya at kinuha ang maja blanca na nasa kamay ko. "E 'di, ano ang kakainin ko?" tanong ko sa kaniya. Binigay niya sa akin ang isang chuckie at fudgee barr na baon niya. "Salamat!" ngiting wika ko sa kaniya at dali-daling binuksan ang fudgee barr. Paborito niya kasi ang maja kaya iyon talaga ang binili ko, hindi katulad ko na ayaw nito. Ayaw ko kasi gawa ng may mais ito... Natigil ako sa pag-inom ng chuckie nang mapatingin sa kaniya. "Oh, inom ka," wika ko at nilapit ko sa kaniya ang chuckie na iniinom ko. "Huwag na. May tubig naman ako," saad nito. "Hindi! Inom ka nga. Nakakasama naman ng loob... mukhang labag yata sa kalooban mo na ibigay sa akin ang chuckie," sarkastikong saad ko sa kaniya. Natawa naman siya dahil doon at ininom ang chuckie na binigay ko. "Salamat," wika nito. Pareho kasi naming paborito ito kaya naman nang makita ko ang mukha niya kanina ay halos matawa ako. Pagkatapos naming kumain ng morning snacks ay nagbilang na si ma'am ng pera na ibabalik sa canteen. "Krystal, ibalik mo na ito sa canteen," wika ni ma'am. "Ikaw na lang ang mag-isa." Napangiti naman ako at saka inasar si Krystal sa aking mga tingin kaya napasimangot naman siya. Mukhang gusto niya talaga na ipasama pa ako... Paglabas ni Krystal ay natahimik kami dahil may pumuntang estudyante sa aming classroom. "Ma'am," tawag niya kay Ma'am Dela Cruz. "Yes, 'nak?" tanong ni ma'am. "Pinapatawag po ni ma'am sina Samuel at Chezkaluna po," saad nito. "Bakit?" tanong ni ma'am sa kaniya. "Hindi ko po alam," saad nito. "Samuel, Chezka, pinapatawag daw kayo sa seksyon narra," saad ni ma'am sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Samuel at nangunot ang noo. We both shrugged. Paglabas namin ng classroom ay tahimik naming sinundan ang lalaking tumawag sa amin. Pagdating namin sa classroom ng seksyon ng narra ay agad bumungad sa akin ang kalinisan ng classroom at ang kintab ng sahig. "Yes po, ma'am?" tanong ni Samuel sa kaniya. "Sa inyo ba itong i.d. na ito?" tanong niya. Sabay kaming napatingin sa i.d. na suot namin at napatingin sa isa't isa na mapansin na wala ito roon. "Opo," wika ko. Agad inabot sa amin ito ma'am at saka kami nagpasalamat. "Nakita 'yan ng estudyante ko kanina. Ingatan niyo na huwag mahulog ulit 'yan," wika nito. "Salamat po," wika naming dalawa. Bago kami lumabas sa classroom ay nakita ko ang lider ng group 1 na masama ang titig sa amin at naabot naman ng aking paningin ang dalawang lalaki na nakasalubong namin kanina. Pareho silang nasa likuran at nakatitig sa akin na pinagtaka ko. Dahil nasa harapan nila kami ay madali ko lang napagmasdan ang classroom nila. "Salamat po ulit," wika ni Samuel sa kaniya. Hinila ako ni Samuel palabas ng kanilang silid-aralan hanggang sa makapasok kami sa aming silid. "Anong pinagawa sa inyo?" bungad na tanong sa amin ni Ma'am Dela Cruz. "Binigay lang po i.d. namin, ma'am," wika ni Sam. Tumango na lang si ma'am dahil doon. Pag-upo namin ay agad nilapit ni Samuel ang bibig niya sa aking tainga. "Mukhang ayaw mo na yata lumabas sa silid nila, ah? Kun'di pa kita hinila, hindi ka pa lalabas," saad nito. Ngumisi ako dahil doon. "Ngayon ko lang napansin na marami pa lang gwapo sa seksyon nila," sarkastikong wika ko. Nagtaka ako nang manahimik siya kaya humarap ako sa kaniya. Pagharap ko ay bumungad sa akin ang kunot nitong mga noo. I just giggled and shook my head…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD