Natigil kami sa pagdadaldalan nang pumasok si Simoun.
"Oh! Ang aga niyo yata?" tanong niya sa amin.
"Ginanahan na gumising ng maaga, e," ngiting wika ko rito.
"Talaga? Ano namang dahilan?" tanong din ni Vel.
"Nakagawa kasi siya ng assignments natin," sabi ni Sam at maririnig sa tono nito ang pagka-bored.
Proud naman akong tumingin sa kanilang lahat at naglakad pa sa gitna at nag-pose pa na parang isang miss universe.
Wala na silang nagawa kun'di matawa na rin.
Natigil ako sa aking ginagawa nang magsalita si Angelo. "Mukhang gaganda yata buong araw ko kasi ikaw ang bumungad sa umaga ko."
Nangunot naman ang aking noo at saka dumiretso sa row ng upuan namin.
"Papanget na buong araw ko simula nang masilayan ko 'yang pagmumukha mo," saad ko naman dito at saka naupo.
"Boo!" sigaw ni Simoun. "Wala ka pala, e."
Napakamot sa kaniyang batok si Angelo dahil sa aking sinabi at tumuloy na siya sa kaniyang inuupuan.
"Wala ba talagang pag-asa..."
Pinutol ko ang kaniyang sasabihin.
"Mayroon," wika ko na dahilan upang mangunot ang noo ng mga kaibigan ko at lumiwanag ang kaniyang mukha.
"Ayon sa ulat panahon ng PAGASA ay magiging mainit ang buong maghapon," pagpapatuloy ko pa.
Sandaling nanahimik ang buong classroom at nang ma-realize ang sinabi ko ay tumawa nang pagkalakas-lakas ang lahat ngunit mas nangingibabaw pa rin ang tawa ni Simoun.
"May ganoon? Walang pag-asa kay Angelo pero kay Samuel mayroon?" pang-aasar sa akin ni Rose.
Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi.
"Aba, dapat lang! KaSam lang malakas," saad naman ni Simoun na dahilan upang mapailing-iling ako.
Hindi ako tumugon sa mga pang-aasar nila sa amin. Ayaw ko lang kasi na magsimula na naman maging awkward ang sitwasyon namin ni Samuel...
"Bakit mo ba kasi ako sinisisi?!" tanong na sigaw sa akin ni Sam.
Mangiyak-ngiyak naman akong sumagot sa tanong niya. "May sinabi ba ako na sinisisi kita?!"
"Hindi ba halata? Ako ang sinumbong mo sa teacher natin," saad nito.
Maluha-luhang pinunasan ko ang aking mga luha. "Pinaliwanag ko na hindi ikaw ang may kasalanan ngunit mukhang hindi yata naintindihan ni ma'am ang sinabi ko..." paliwanag ko.
"Sinungaling!" sigaw nito at saka tumakbo palayo.
Habang ako ay naiwan na nakatayo habang umiiyak ng mag-isa.
Pagkatapos noon ay halos tatlong buwan kaming hindi nagpansinan. Bukod kasi sa parehong mataas ang pride namin, pareho rin na may sama ng loob sa isa't isa.
Mabuti na lang ay gumawa ng paraan ang mga magulang namin upang magkaayos kami.
"Good morning, Chezka!" Nabalik ako sa reyalidad nang yakapin ako ni Krystal.
"Oh, kararating mo lang?" tanong ko sa kaniya.
Hinampas naman niya ako sa braso at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"‘Te! Kanina pa ako rito. Antok ka pa siguro, 'no?" biro nito sa akin.
Napailing-iling na lang ulit ako dahil sa sinabi niya.
"Pasensya na. Hindi kita napansin," wika ko.
Tumango na lang ito at saka pumunta na sa upuan niya.
"Hindi pa ba sapat ang malamig na tubig para gisingin 'yang kaluluwa mo?" makabuluhang tanong ni Sam sa akin na kinatawa ko lang.
"Hindi ko alam na mahilig ka rin pa lang makinig sa usapan ng iba," makabuluhang saad ko rin dito na kinatawa na lang din niya.
Napailing-iling si Sam. "Kasalanan ko ba kung bakit narinig 'yon ng tainga ko?"
"Malamang. Parte rin 'yan ng katawan mo, 'di ba?" saad ko sa kaniya at saka nag-flip hair.
Hindi ko na siya pinansin at tinuon na lang ang paningin sa bintana.
Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin ang pwetan ko...
Nag-head down na lang ako at pinakiramdaman ang mga kaklase ko na unti-unting dumarating.
"Parating na raw si Ma'am," bulong ni Sam sa akin kaya agad ko naman tinaas ang aking ulo.
Nangunot ang noo ko. Ganoon ba ako katagal na nakatungo? Ang bilis naman yata nilang dumami...
"Anong oras na?" tanong ni Vel sa amin.
Sabay naming tinuro ni Sam ang orasan na nakadikit sa pader sa taas ng telebisyon ng silid-aralan namin.
Napasimangot naman si Reinavel dahil sa aming ginawa.
"Good morning, class," bati ni Ma'am sa amin pagpasok niya.
"Good morning, ma'am," sabay-sabay na wika namin.
"Para sa araw na ito, wala kayong magiging aralin. Ang tanging gagawin niyo lang ay manood, makinig, at magpahayag ng opinyon niyo," wika ni ma'am.
Lahat naman kami ay nagtaka at nagbulong-bulungan.
Nagtaas ako ng kamay. "Ano po ang ibig niyong sabihin, Ma'am?" tanong ko rito.
"May magaganap na reporting dito at kayo ang magbibigay ng puntos o grado sa bawat presentasyon na ipre-presenta ng kabilang klase," paliwanag niya.
"Paano naman po kami, ma'am?" tanong ni Krystal.
Siguro ay ang ibig niya sabihin ay paano kami magkakaroon ng grado sa pagbibigay ng grado sa iba.
"Ako ang magbibigay ng grado sa inyo. Bawat grupo ay magbibigay ng kaniya-kaniyang opinyon sa presentasyon nila," saad ni Ma'am.
Tumango na lang kaming lahat sa sinabi niya at nagsimula na naman ang bulungan.
"O' siya, mag-ayos kayo, ha? Pagkatapos ng limang minutos, pupunta na ang unang grupo rito," wika ni ma'am.
Nagtaas ako ng kamay dahil sa aking naisip.
"Ma'am!" tawag ko sa kaniya.
"Bakit, Chezka?" tanong din niya sa akin.
"Hindi po ba't bawat grupo sa klase na ito ay magbibigay ng opinyon sa kabilang grupo sa klase sa ibang seksyon?" tanong ko rito na kinatango niya.
"Oo. Bakit? May problema ba?" tanong niya.
Napakamot naman ako sa batok dahil sa kaniyang sinabi.
"Wala naman po akong problema roon, ma'am," sagot ko. "Ngunit ang tanging suhestiyon ko lang ay maaaring magbigay ng opinyon ang group one ng klase natin sa group one sa klase sa kabila, para hindi masayang ang oras."
Napagisip-isip naman si ma'am dahil sa aking sinabi.
"Pagbotohan na lang natin 'yan," sabi nito.
"Sino ang pumapayag sa suhestiyon ni Chezka?" tanong ni ma'am.
Napangiti ako nang halos lahat ay nagtaas ng kamay na nagpapahiwatig na payag sila sa aking suhestiyon.
"O' sige. Para na rin mas mapabilis at makapagturo rin ako sa inyo," saad nito sa amin.
Napatingin ako kay Samuel nang magtaas siya ng kamay.
"Yes, Sam?" tanong ni ma'am sa kaniya.
"Ma'am, gagawin din po ba namin 'yong gagawin ng kabilang klase?" tanong nito.
Umiling-iling si ma'am. "Hindi pero magkakaroon naman kayo ng grado gaya ng sabi ko."
Umupo na si Sam matapos ang sinabi niya.
Lumabas muna saglit si ma'am upang tawagin ang kabilang seksyon kaya nagsimula namang magbulungan ang mga kaklase ko.
"Huy!" tawag sa amin ni Krystal na kinatingin din namin.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Sa tingin mo, anong seksyon ang makakaharap natin ngayon?" tanong niya sa amin.
"Hindi ko alam," mabilis kong sagot na kinasimangot niya lang.
"Mas maganda kung seksyon ng mga heartthrob—" Pinutol ni Reinavel ang sasabihin ni Krystal.
"Naku! Kung sila nga, asahan niyo na pangit magiging score nila," nangigigil na wika niya.
Nagkatinginan kaming apat at natawa. Dahil doon ay bumalik sa normal ang ekspresiyon niya.
"Mukhang may galit ka yata sa kanila, ah?" natatawang tanong ni Sam.
Napakamot naman ito sa kaniyang batok. "Ah—ano kasi... 'di ba dinanggi nila si Luna kaya galit ako sa kanila!" sigaw nito.
Mas lalo naman akong natawa sa sinabi niya.
"Vel, mukhang hindi 'yon ang rason ng galit mo," makabuluhang saad ko sa kaniya na kinatahimik niya.
Natigilan lang kami sa pagdadaldalan nang pumasok si ma'am.
"Pinepresenta ko sa inyo ang grupong isa ng seksyon Narra," saad ni ma'am at isa-isa na silang pumasok.
Lahat naman kami ay napatulala.
Narra?! Hindi ko naisip na magkakatotoo ang sinabi ni Krystal...
May apat na seksyon ang baitang siyam. Ito ay mga narra, mahogany, malunggay, at niyog.
Ang seksyon namin ay pangalawa sa nahuhuli sa seksyon na ito, ito ay ang malunggay.
Napalunok na lang ako nang magkatinginan kami ng isa sa mga miyembro ng grupong isa nila.
Presensya pa lang ay alam mong minamaliit na kami. Mga tingin nila na nandidiri.
Alam ko rin na mababa ang ekspektasyon nila sa amin at alam ko rin na iniisip nila na bibigyan namin sila ng mataas na marka ngunit kung tama ang iniisip ko, pwes nagkakamali sila.
Seseryosohin ko ang proyekto na ito para naman ay kahit papaano ay tumaas ang tingin nila sa amin.
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ang kamay ni Sam.
Nang tumingin ako sa kaniya ay seryoso rin itong nakatingin sa harapan habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.
"1... 2... 3..." bilang ng lider nila, hindi lang 'yon dahil may tono pa ito.
"Magandang umaga, kami ang grupong isa ng seksyon Narra," sabay-sabay na saad nila.
Pati ang pagbigkas nila ng mga salita ay tila mga kumakanta...
"Luna," bulong sa akin ni Sam.
Hinigpitan ko naman ang kamay na hawak niya para malaman ang tugon ko.
Masyado naman yatang hindi karespe-respeto kung mag-uusap kami ni Sam nang harapan habang nagpepresenta sila.
"Kilala mo ba 'yang limang 'yan?" tanong nito.
Dahan-dahan naman akong umiling upang ipahiwatig na hindi ko sila kilala bukod sa lider nila. Sinigurado ko na wala ring makakahalata sa ginawa ko.
Gaya nga ng sabi ko, wala naman akong interes sa iba. Hindi rin naman ako mahilig na manood ng mga paligsahan dito sa paaralan.
"Lahat sila ay kasali sa jingle na nilaban noong isang taon sa ibang eskwelahan," sabi niya.
Kaya naman pala...
Hindi na ako magtataka. Magaling silang lahat kaya sila ang pinambato ng paaralan namin.
Nang matapos ang presentasyon nila ay nagsimula ng tumayo ang grupong isa.
"Maganda ang naging presentasyon niyo ngunit—"
Natigil ang sasabihin ni Nicole nang magsalita ang isa nilang miyembro.
"Ngunit? May kulang ba sa aming ginawa?" taas-kilay na tanong nito habang tinitignan ang buong katawan niya.
Natahimik naman si Nicole.
Bastos! Hindi ba nila alam ang salitang 'manners' o sadyang ganoon lang kababa ang tingin nila sa amin.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Sam.
"Maghunos-dili ka," wika nito. "Si Shanthal na ang bahala riyan."
Sikreto akong napangisi at kumalma.
Si Shanthal ay ang tigre ng grupong isa. Kung si Nicole ay madaling umiyak at masaktan kabaliktaran naman noon si Shanthal. Siya ay palaban at hinding-hindi magpapatalo.
"Pasensya na, ha?" sarkastikong wika ni Shanthal at nag-cross arms. "Hindi kayo nandito para makipag-debate, kaya sana naman ay respetuhin niyo ang opinyon namin gaya ng pagrespeto namin sa inyo."
Natahimik naman ang limang nasa gitna at ang lider na mismo ang umawat sa miyembro nila.
"Ituloy mo ang sasabihin mo, Nicole," wika ni ma'am.
"Ah... eh," utal-utal na wika nito.
Pareho kaming nagkatinginan ni Sam at napailing-iling.
Magsisimula na naman siyang umiyak...
Natigil sa pagkakamot sa batok si Nicole nang magsalita si Shanthal.
"Maganda ang naging presentasyon niyo ngunit bakit niyo lang binabasa ito? Hindi ba't kasama ang stock knowledge sa pagre-report ngunit bakit binabasa niyo lang ang reporting?" mahabang paliwanag niya sa kanila.
Napatango-tango naman ang lider niya.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Shanthal. Marahil ay natuto na sila sa sinabi ni sir.
Napatango-tango rin si ma'am sa sinabi ni Shanthal.
"Maraming salamat sa iyong naging tugon ngunit maaari ba namin malaman ang iba pang komento?" tanong ng lider nila.
"Ayos naman ang naging paliwanag kaya walang magiging problema roon. Nagustuhan din namin kung paano kayo magpakilala," saad ni Shanthal.
Napatango-tango ang lider at sabay-sabay na nagpasalamat at saka lumabas na.
Hinatid muna sila ni ma'am sa kanilang silid-aralan kaya nagsimula na namang sumibol ang ingay.
"Parang ang bait ng lider nila, 'no?" saad ko sa kanilang apat.
Nangunot ang noo ko nang sabay na nagsalita si Simoun at Reinavel.
"Hindi ka sigurado riyan," wika nila.
"Oo...? Kaya nga 'parang', 'di ba?" nagtataray na saad ko sa kanila ngunit hindi man lang sila tumawa na pinagtaka ko.
"Mag-ingat ka sa mga kinikilala mo, Luna," seryosong saad ni Vel.
Napailing-iling naman ako sa sinabi niya. "Wala naman akong interes para kilalanin siya. 'Tsaka sinabi ko lang kung ano ang napagmasdan ko, hindi naman ibig sabihin noon ay pagbabasehan ko na ang buong pagkatao niya sa kung anong pinakita niya."
Napatingin naman sa akin si Sam dahil sa aking sinabi.
"Mas maganda kung kaunti lang ang kaibigan mo, Vel. Ang mahalaga ay totoo," saad ni Samuel.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Wala naman akong balak na kaibiganin sila."
Sana nga…