Nang makita kong sina Detective Walker na ang pumasok sa loob ay agad ko nang kinalaban ang matandang lalaki. Ibinagsak ko siya sa sahig at pinatalikod mula sa akin. Saka ko mabilis na inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likuran. Inabutan naman ako ni Detective Walker ng posas. Saka ko mabilis na pinosasan ang lalaki. "What the hell are you doing to me?! Why are you cuffing me?!" sigaw pa ng lalaki at nagpupumiglas. "Tulungan mo na si Detective Cason sa ibang mga pinto. Marami silang mga negosyo rito. May mga tauhan na rin tayo na nakapalibot sa buong lugar, kaya walang makakalabas mula sa loob," sambit naman ni Detective Walker sa akin. Inabutan niya ako ng isang baril at dalawang posas pa. Tinanguan ko lang siya saka ko inalis ang suot kong maskara at lumabas ako ng kwar

