Mabilis naman ako na kinwelyuhan ni Benjamin nang makita niya ang ginawa ko. Agad na nabitawan ng lalaki ang kaniyang hawak na baril at mabilis naman na kinuha 'yon ni Paige, saka siya tumakbo palapit sa amin. Nakita ko pa kanina na nagdurugo na ang kamay ng lalaki at humihiyaw na siya sa sakit. "Alam mo bang delikado ang ginawa mong 'yon?! Paano kung si Zuri ang nadali mo o 'di kaya ay mapatay mo ang kriminal na 'yon?!" sigaw pa sa akin ni Benjamin. “Ayos na po ako. Kailangan niyo na siyang hulihin kaagad," sagot naman ni Paige. Inalalayan siya ng aking mga kaibigan. Walang gana ko lang na tiningnan si Benjamin. Nagkibit-balikat ako at hindi ko na siya sinagot pa. Binitawan naman niya ako at agad na nilapitan ang kriminal. Nilingon ko naman si Paige saka ko ibinigay sa kaniya ang jacket

