Naikulong na si Rodolfo at bukas ay dadalhin na siya sa hukuman upang tapusin ang kaniyang kaso at malaman na ang parusa na ipaparatang sa kaniya. Tapos na ring makausap si Axel na kasamahan ni Rodolfo. Halos parehas sila ng kaso ni Rodolfo. Kasangkot sa droga si Axel at tinulungan niya rin si Rodolfo sa pagpatay sa mga kamag-anak nina Rodolfo at ng dati niyang asawa. Napag-alaman din na matagal na silang magkaibigan at dikit sila sa lahat ng bagay. Hindi na rin naman 'yon ang unang beses na pumatay sila ng ibang tao. Matagal na silang pumapatay at hindi lang talaga nalalaman ng mga pulis dahil malinis silang trumabaho. "Magpahinga na kayo ngayon, tapos na ang kaso na ito," malamig na sambit sa amin ni Benjamin. "Paano mo nalaman na ang mga bangkay na naroon ay mga kamag-anak nina Rodo

