THE REASON

2000 Words

“Ayos na ako, hindi ko na kailangan pa na magtagal dito.” “Pero ang sabi sa amin ni Detective Cason ay panatilihin na lang muna kayo rito sa ospital ni Paige kahit ngayong gabi lang. Bukas na raw umuwi at huwag ka na rin munang magtrabaho. Pinagpapahinga kayo ng dalawang detectives, kaya sumunod ka na lang.” “Ayos na nga ako. Wala naman nang masakit sa akin. Nagamot na rin naman ang sugat ko. Gusto ko ring makausap si Rodolfo at malaman ko mula sa kaniya ang dahilan ng kaniyang pagpatay sa mga tao na ‘yon,” pagpupumilit ko pa. Napabuntong-hininga naman ang mga kaibigan ko dahil sa tigas ng ulo ko. “Grabe na nga ang nangyari sa inyo ni Paige kanina roon. Kung hindi siguro kami nakarating agad dahil wala kaming alam sa nangyayari sa inyo, siguro ay napatay na kayo ng dalawang lalaki na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD