CAUGHT THE MURDERER

1500 Words

Nang magbukas ang cabinet na kinalalagyan namin ngayon ay agad kong sinipa si Rodolfo. Hindi niya inaasahan ang tadyak kong 'yon, kaya naman ay mabilis siyang tumalsik. Agad kong hinila si Paige palabas ng cabinet. Mabuti na lang at maliwanag na rito dahil bukas na ang ilaw, kaya nakakakilos kami ng ayos. May kalakihan ang katawan ng isa at hindi ko siya kilala.  "Sabi ko sa 'yo, hindi sila mga daga!" sigaw pa ni Rodolfo sa kaniyang kasamahan. Mabilis siyang tumayo kaya naghanda ako muli. "Lumabas ka na riyan sa pader. Papunta na rin dito sina Detective Cason, kaya humingi ka na ng tulong," mahinang utos ko pa kay Paige. Narinig ko naman na natawa ang dalawang lalaki sa harapan namin.  "Sa tingin niyo ba ay makakahingi pa kayo ng tulong? Hindi na kayo makakalabas pa ng buhay mula rito,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD