Sinenyasan ko naman si Paige na huwag mag-ingay. Mabuti na lang at madilim dito sa pwesto namin. Ngunit wala na akong narinig pa pagkatapos ng kalabog na 'yon. Lumabas naman kami ni Paige sa tinataguan namin at saka sumilip ako sa paligid. Muli kong binuksan ang ilaw at wala naman akong naramdaman na presensya ng ibang tao. "Saan kaya nanggaling ang kalabog na 'yon?" tanong ko pa. "Masiyado ka namang kinakabahan. Malay mo naman ay galing 'yon sa mga nakatira sa taas. May posibilidad naman na marinig natin ang mga kalabog na nagmumula sa taas," sagot sa akin ni Paige. Ngunit kakaiba talaga ang tunog na 'yon, para bang malapit lang sa amin. "Ano ba ang hahanapin natin sa loob ng opisina na ito? Maliit lang naman at malinis," tanong pa niya sa akin. Nagsimula na akong tumingin sa paligid.

