“Ano na ang gagawin natin ngayon? Kung nagsinungaling siya sa atin, kailangan natin siyang interview-hin nang ayos. Lalo na at siya ang may-ari ng gym na ‘yon,” tanong sa akin ni Paige. Narito pa rin kami sa loob ng dorm namin. Nag-iisip ako ng ayos kung bakit gano’n ang mga isinagot niya sa amin. Ang inaakala niya siguro ay siya pa lang ang natanong namin at hindi ang ibang mga nakatira roon. Ang sabi sa amin ng mga tenants sa baba, madalas ang mga lalaki na ‘yon sa gym. Hindi na rin bago na nambabastos daw sila ng ilang mga babae roon, kaya bihira na ang mga babaeng customers doon. Kumokonti na rin ang mga tao na pumupunta roon dahil natatakot daw sila na mapagtripan ng apat na lalaki. “Sa tingin mo ba ay may hindi siya inaamin sa atin?” tanong pa sa akin ni Paige. “Halata naman na

