"Oh? Bakit ganiyan ang mga mata mo? Daig mo pa ang hindi nakatulog kagabi," sambit naman ni Nixon sa akin. Lumabas na kasi ako sa kwarto ko. Sobrang bigat ng mga mata at katawan ko. Sobrang antok na ako, ngunit kailangan pa naming pumasok sa trabaho. Hindi ko akalain na umaga na pala. "Bakit hindi pa kayo nakakaligo? Anong oras na ba?" tanong ko naman sa kanila. Nilingon ko naman ang orasan at nakita na tanghali na pala! Pero hindi pa rin kumikilos ang mga kaibigan ko. Kapag ba hindi ako maaga magising, hindi rin sila kikilos agad ng maaga? "Wala tayong pasok ngayon. Nag-text sa ating lahat si Detective Walker kagabi na day off daw muna natin ngayong araw dahil naka-solve naman tayo ng kaso kahapon. Kaya ang sabi niya ay magpahinga muna tayo. Nakapahinga na kami kaya tanghali na nagisi

