Naghintay kami ng ilang oras para matapos ang ginawa ko. Hanggang sa isa-isa nang nabura ang lahat ng mga videos na nasa internet. Nag-save naman kami ng isang copy para sa amin. Nang sa gano’n ay may patunay pa rin kami tungkol sa nagawa ng anak ng gobernador. Namangha naman ang mga kasama ko nang wala na silang mahanap ngayon na mga videos sa online tungkol sa nangyari sa ina ni Paige kaninang tanghali. “Seryoso ba ito? Ang bilis nawala ng nga videos!” hindi makapaniwala na kumento ni Zephyr. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaniyang hawak na phone at saka tumitingin pa sa akin. “Aware ako na mahusay si Kyson sa hackings, pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala siya kahusay at kabilis kung trumabaho. Mabuti na lang at nasa tamang kaibigan tayo,” dagdag pa

