Nagugulat naman na nakatingin si Paige kay Benjamin matapos naming marinig ang kaniyang sinabi. Hindi naman ako makapaniwala na para bang nahulaan na niya kaagad kung ano ang intensyon namin dito. Paano naman niya nalaman na ina ni Paige ang babae na 'yon? Napanood niya kaya sa balita o baka naman binanggit na agad sa kaniya kanina ni Detective Walker? Ngunit hindi ko rin inaasahan na may balak na siyang imbestigahan namin ang tungkol sa nangyari sa ina ni Paige. Lalo na at hindi rin naman malaking kaso ito. Sa pagkakaalam ko ay pumipili o tumatanggap lang si Benjamin ng mga kaso na mahihirap at malalaking kaso. "Paano niyo po nalaman agad na nagbabalak akong mag-imbestiga tungkol doon at gustong kasuhan ang anak ng gobernador?" nagugulat na tanong sa kaniya ni Paige. "Nakita ko sa bal

