“I clearly told you that I didn’t do anything wrong with that wench! Get off these handcuffs!” Patuloy pa rin ang pagrereklamo ni Larra Viray sa amin kahit nasa sasakyan na kami. Ngunit hindi namin siya pinapansin. Wala naman kaming pakialam kahit mag-ingay lang siya d’yan. Paulit-ulit niyang sinasabi na wala raw siyang ginawang masama at naggagawa lang kami ng kwento tungkol sa ebidensiya na mayroon kami. Nahihibang na yata siya. Wala rin siyang lawyer sa ngayon dahil biglaan naman ang pag-aresto namin sa kaniya, kaya hindi sila nakapaghanda. Nang makarating kami sa istasyon ay agad na namin siyang inalalayan papasok. Nagpupumilit pa rin siya na makawala sa amin. Sinalubong naman kami ng mga kasamahan namin. “Mabuti na lang at gabi siya naaresto, kaya hindi muna kakalat sa medya ang t

