Pinipilit ni Larra na magmakaawa sa kaniyang ama at pinipilit din na wala siyang kasalanan, kahit na mayroon naman talaga. Pero sinabihan kami ng chief detective na ikulong na lang sa kulungan ng mga matataas na tao si Larra. Kung sabagay ay 'yon din ang kaibahan ng mga kriminal na mayayaman sa mga mahihirap na kriminal. Kung ako ang tatanungin ay hindi dapat magkaroon ng kaibahan sa mga mayayaman at mahihirap dahil pare-parehas lang naman silang mga kriminal at nakagawa ng masama sa ibang tao at sa mundong ito. Pinapunta naman kaming lahat ni Chief Detective sa meeting room nang makaalis na ang gobernador na si Mark Viray. Seryoso ang itsura ni Chief Detective Samson at mukhang hindi rin maganda ang mga sasabihin niya sa amin. Nang makaupo na kaming lahat ay saka lang nagsalita ang chie

