“Akin na nga ‘yan. Bakit bigla mong hinablot sa akin?” nagtataka na tanong sa akin ni Paige. Hindi ko naman hinayaan na makuha niya ang kwintas na hawak ko ngayon. Tinitigan ko pa rin ‘yon ng mabuti. Inalala ko ang bawat detalye ng diamond na pendant necklace na nakuha ko noon sa bahay namin noong araw na namatay si Mama. “Saan mo ‘to nakuha?” seryosong tanong ko pang muli. Naalala ko naman na noong gabi na hinahabol ako ni Raul Villegas ay naroon din siya sa aming dating eskwelahan. Posible ba na nakuha niya ang kwintas na ito at hindi si Raul? “Bakit ba nangingialam ka sa gamit ko ngayon? I said give me that!” sigaw pa niya. Dahil naguguluhan ako ngayon ay nagawa niyang makuha sa akin ang kwintas. “Ano bang problema mo ngayon? Bakit mo tinatanong kung saan ko ‘to nakuha?” tanong pa ni

