Narito na kami ngayon sa istasyon ni Paige kahit sobrang aga pa lang. Napagkasunduan namin na tutulungan niya ako upang makuha ang files noon ng kaso ni Mama. Alam ko na kung saan ‘yon nakatago dahil sinabihan ako ni Chief Detective Samson sa kung saan nakalagay ang mga unsolved cases. Sinabihan din ako ni Paige na sabihin na sa mga kaibigan ko kung ano ang totoo, kaya gano’n nga ang ginawa ko. Alam ko rin naman na matutulungan nila ako. Lalo na at matagal ko na rin naman silang mga kaibigan kaya mapagkakatiwalaan ko sila. Nag-aabang sa labas ngayon sina Nixon at Zephyr. Para sila ang magsasabi sa amin kapag dumating na ang ibang mga kasamahan namin na detectives upang pumasok. Sa CCTV naman ay ako na ang bahala na alisin ang aming ginawa. Nang sa gano’n ay hindi makarating kay Benjamin

