Habang nire-review namin kung ano ang mga nakalagay sa mga files na nakuha namin ay bigla na lang nag-vibrate ang isang cell phone na nasa bulsa ko. Matagal-tagal na rin noong may tumawag doon. Ang katulad ni sim ni Benjamin ang nakalagay sa phone na 'yon. Kaya naman mabilis kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko na si Raul muli 'yon at sinagot ni Benjamin ang tawag ay pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Nakinig muli ako sa kanilang usapan. "Nahanap mo na ba ang bata na 'yon?" bungad agad ni Raul kay Benjamin. Ako ba ang tinutukoy niya? "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nahahanap. Ano ba talaga ang dahilan at hinahanap mo siya? Ano ba ang mayroon sa kaniya at paano mo siya nakilala?" Nagtataka naman ako dahil sa tanong ni Benjamin. Bakit niya tinatanong kung paano

