Nagising siya ng makarinig ng malakas na tilian mula sa labas ng kaniyang opisina. Nakabusangot siyang bumangon at bahagya pang nagkusot ng mga mata. Ano naman kaya ang kaganapan sa labas at halos lumabas na ang ngalangala ng mga tauhan niya? Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at binuksan ang pinto ng kaniyang opisina. Bahagya pa siyang napapikit ng ang sumalubong sa kaniya ay ang nakakabulag na liwanag na nagmumula sa fountain chandelier. "Boss!" sabay-sabay nitong pagbati sa kaniya ng tuloyan ng umayos ang kaniyang paningin. "Anong kagulohan ang nangyayari rito?" kunot noong tanong niya at nilapitan ang mga ito. "Ay naku boss huli ka na!" panimula ni Era—waitress sa pastry shop niya. "Bakit? Anong nangyari? Anong meron?" puno ng kuryoso niyang tanong. "May pumunta lang

