Hindi mapuknit ang malawak na ngiti sa labi ni Krista ng makita si Noah sa loob ng pastry shop niya, mayroon itong malawak na ngiti sa labi habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. "Hi?" Bati nito habang nakangiti. "I am here to buy more chocolate chip cookies. Hindi pa naman sold out 'no?" Dugtong nito at sinulyapan ang display nilang pastry. "Hello there Noah," Nakangiti ring pagbati niya. "Sad to say wala na kaming chocolate chip cookies," Pinalungkot niya pa ang boses. Lihim siyang natawa ng makitang bumagsak ang magkabilaan nitong balikat, tila nalungkot sa kaniyang sinaad. Well, totoo namang wala ng chocolate chip cookies—iyon kasi ang madalas na maubos lalo na't tuwing umaga ay marami silang batang customers. Speaking of childrens, bibisitahin niya nga pala bukas ang

