bc

AMBASSADOR XANDER (DELA CUADRA SERIES 2)

book_age18+
719
FOLLOW
8.5K
READ
dark
love-triangle
contract marriage
family
HE
age gap
fated
dominant
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
serious
cheating
enimies to lovers
lies
rejected
affair
like
intro-logo
Blurb

Xander Louis Dela Cuadra, kilala sa tawag na Ambassador Xander dahil isa siyang Ambassador o Diplomat sa Spain na ipinadala ng bansa. 37 years old, Guwapo, Matikas at higit sa lahat ay nagmula sa angkan ng dalawang bigating pamilya. Panganay siya sa anim na anak ni Antonio Dela Cuadra na isa sa mga prominenteng pangalan sa bansa. Ganun pa man ang kanyang ama ay kilalang matinik sa chicks kung kaya hindi nagkatuluyan ang kanilang mga magulang dahil ang kanyang ina naman ay nagmula sa pamilya ng mga Politiko. Mayroon siyang lima pang kapatid sa kanyang ama, sa kabila ng hindi nila pagkakaparehas ng mga ina ay naging malapit siya sa mga ito. Sa kanyang edad na 37 ay hindi mo mahahalatang dumaan ito sa isang masalimuot na relasyon nang ang kanyang pinakamamahal na asawa ay ipinagpalit siya sa iba dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang trabaho.

Upang maibsan ang kanyang sakit na nararamdaman dahil sa ginawang pangangaliwa ng kanyang asawa ay itinutok niya ang kanyang buong atensyon sa pagtulong sa mga kababayan niyang OFW na sinawing palad sa bansang Spain. Ngunit sa kanyang pagtulong ay hindi niya inaasahan na makikilala niya si Kristina, isang OFW na muntik ng maabuso ng kanyang amo. Sa kabutihang loob ay kanya itong tinulungan pero hindi niya inaasahan na ang lalaking tinatakbuhan ng dalaga ay isang kilala ring tao sa bansang iyon. Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng dalaga ay isinama niya ito sa kanyang tahanan...

Ang buong akala ni Kristina ay isang gwapo, mabait at may malasakit ang diplomat. Kung susumahin ay wala itong kapintasan subalit sa pagtagal niya sa tahanan nito ay malalaman niya ang pinakatatagong lihim ni Ambassador Xander..

chap-preview
Free preview
Prologue
TINA'S POV "Ambassador!" pikit matang tawag ko sa gwapong Diplomat na abala sa pagsusulat sa kanyang lamesa. Seryoso itong napatingin sa akin habang ako naman ay pigil na pigil ang aking hininga. Hindi ako pwedeng umuwi ng bansa, magmumukha akong talunan at kawawa. Nakaasa sa akin ang aking pamilya at umaasang magbibigay ako ng kasaganahan sa aking pamilya. "Bakit? May kailangan ka pa ba, Miss De Guzman?" mahinahong tanong nito. "Sir, hindi po ako pwedeng umuwi ng Pilipinas. Umaasa sa akin ang pamilya ko," naluluhang pakiusap ko. "Ms. De Guzman, kahit gustuhin namin ay wala tayong magagawa. Tourist Visa ang gamit mo Pero nawala ang mga gamit mo kasama na ang lahat ng papers mo bukod pa roon ay wala na rin ang pocket money mo kaya the best thing we can do is to send you back to our country" mahinahong paliwanag nito. "Sir, baka pwede pong magawang ng paraan para mapalitan ang visa ko" "Let's say I can give you a Temporary Travel Document or Replacement Passport but how can you survive here without enough cash?" Kalmado pa rin nitong Saad. "Baka pwedeng pautangin niyo na muna ako, Sir. Babayaran ko Rin kaagad kapag nakahanap ako ng trabaho." Kinapalan ko na ang aking mukha para nakautang dito "So you're saying Miss De Guzman na nagpunta ka rito sa Madrid ay para magtrabaho at hindi para maging turista?" "Actually po sir, parang ganoon na nga Pero hindi naman po iyon illegal hindi ba?" "Yes it's not, but it can lead into illegal kapag napaso na ang visa mo at hindi ka nag-apply ng working visa na nagiging dahilan kung bakit may mga TNT dito at iyan ang iniiwasan natin mangyari." Mahinahon pa nitong paliwanag. Pero Desperado na ko. Lumapit ako dito patungo sa kanyang upuan sa gilid ng lamesa at lumuhod. Bakas sa mukha nito ang taranta at pagkagulat ngunit wala na akong pakialam kung may makakita. Wala na akong ibang alam na paraan. "Sir, please tulungan mo ko. Kaya Lang naman ako nagpunta talaga dito ay para magtrabaho at para Rin i-surpresa ang boyfriend ko Pero hindi ko naman inaasahang ako pala ang masu-surprise. Isipin niyo Yun sir, noong papunta siya rito halos lahat ng gastos Niya ako ang gumastos na hindi alam ng mga magulang ko Pero ngayong ako ang umalis para magpunta dito, hindi ko naman inaasahang ibebenta ni Papa ang nag-iisa naming bulog na baka para Lang matuloy.." pakiusap ko rito. "Miss De Guzman, Tumayo ka diyan" natatarantang Sabi ni Ambassador Xander habang nakatingin sa akin at tumitingin din sa pinto. Sa halip na makinig ay mas lalo pa akong lumapit dito at hinawakan ang kanyang pantalon sa bahaging binti. "Sir!! Tulungan mo na ako. Babayaran ko na lang po. Ayaw Kong umuwi ng bansa na wala man Lang napatunayan.. Broken Hearted na nga Broke pa ang bulsa sige na sir" umiiyak ko ng Sabi at hindi ko napigilang mapayuko upang punasan ang aking mga mata Pati na rin ang aking uhog na nag-uumpisa ng lumabas sa aking ilong. "S-sige na.. I will help you but please stand up, baka may makakita sa'yo..." anito habang tinatapik ng mahina ang aking ulo. Magaan pa rin ang Boses nito na para bang nagpapatahan ng Isang batang umiiyak Pero ramdam ang Kaba sa kanyang bawat salita. "Xander, I'm here with other Governors. They just want to say hi to---- what are you doing here in broad daylight?!" Singhal na sigaw ng Isang matandang lalaki, sa likod nito ay ang tatlo pang mga kalalakihan. "Lo?!" mulagat na sigaw pabalik Rin ni Ambassador Xander.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.5K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
115.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
317.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
49.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook