TINA’S POV Pagkahatid ko kay Ivy ay sandali akong naligo. “Tina, iakyat mo na sa kwarto mo itong mapapangasawa mo. Mukhang lasing na,eh,” tawag sa akin ni Papa. Mabilis akong nagbihis at hindi na nag-abala pang magsuklay upang puntahan ang mga ito. Nakahubad baro na si Papa na nakasandal sa upuan habang si Xander naman ay lungayngay na ang ulo at halos matumba na sa upuan. Pareho ang mga itong pulang-pula pero mas halata ang kay Xander sa kanyang kaputian. “I'm not drunk yet. Kaya ko pa. Tagay pa tayo,Pa,” lasing na sabi ni Xander, halos nakapikit ng sabi nito pero may hawak pa ring baso. Wow, pati si Papa close niya na rin. Papa na ang tawag. Ininom nito ang laman ng baso nito saka ibinaba sa lamesa. “Hi, dear. You’re so pretty tonight.” Nakangiting puri nito nang mapaling

