TINA’S POV Habang nasa loob kami ng kotse ay hindi ko maiwasang mag-alala. Palagi na lang masakit ang ulo nito siguro dahil sa dami ng kanyang trabaho at bigat ng kanyang responsibilidad bilang kinatawan ng bansa. “Ako na ang maghahain, maupo ka na riyan.” Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain na nasa kanyang kamay, iginaya ko pa ito patungo sa dining area. Mabilis ang kilos na isinalin ko sa mga lalagyan ang mga pagkain na nabili nito saka ko iyon inilagay sa lamesa. “Kain ka na, pagkatapos ay uminom ka na ng gamot. Sa tingin ko kailangan mo na rin manghingi kahit dalawa o tatlong araw na bakasyon, palagi na lang masakit ang ulo mo,” sabi ko rito habang sinasandukan ito ng pagkain. Tahimik lang ito hanggang sa matapos kaming kumain. Nagkusa na rin akong maghugas ng plato

