After 12 years... "I said NO Maria Catteleya. Bakit ba paulit-ulit tayo?" Sabi ni Mikael sa kanilang bunso sa triplets. Parang sumasakit ang ulo niya sa batang ito. Dapat yata talaga hindi niya pinayagan sumali-sali sa surfing ang anak. Tuloy kapag ganitong may competition na gusto itong salihan ay siya ang laging kukulitin para pumayag siya. "Sige na Dad pumayag naman na si Mommy eh, tsaka sila Lolo at Lola. Kaya pumayag ka din." Naglalambing na sabi Catteleya sa kanyang Daddy. Napabuntung hininga na naman si Mikael, his daughter know how to his answer. Of course Irish will say yes on her but the final decision is always on him. Tapos tingnan mo nga ang bigat-bigat na nito pero talagang kumalong pa sa kanya at sige ang yakap ngayon. How can he say no then? Their triplets is now thirte

