Naikuwento mo na ba sa asawa mo na hawak na natin si Alexa?" Tanong ni Jordan sa kaibigan matapos ang kanilang duty. Pang gabi pareho ang duty nilang dalawa at alas sais na ngayon ng umaga. Niyaya niya muna ang kaibigan na magkape sa tapat ng presinto. May bagong bukas kase na kainan doon pero nagmamadali na naman si Mikael umuwi ngayon. "I will tell her, don't worry." Hindi pa ni Mikael naikuwento kay Irish ang tungkol doon. Alam niyang tatahimik-tahimik lang ang asawa pero kapag nagselos ito ay siguradong yari siya. Natatandaan niya kung paano nasakote si Alexa ng Bureau of Immigration, nag tangka pa nga itong tumakas pero nahuli pa din at hindi na nakatakbo pa. Wala itong choice kung hindi bumalik sa Pilipinas kahit pa alam nito na pinaghahanap siya ng otoridad. At matapos nga ang ma

