KABANATA 22 Iyon talaga ang gusto niyang malaman kaya inuuto-uto niya nang kaunti si Leon, pero totoong nakaramdam din naman siya ng awa para rito. Naibaba nang tuluyan ni Leon ang kamay mula sa pagpipinta at malakas na ibinagsak ang paint brush sa palette. Dito na siya nilingon ni Leon. Matamis na ngumiti lang si Celeste. "You can trust me, Leon. Ilang weeks na tayo ritong magkasama, hindi ko naman pinagkakalat ang hobby mo rito. Hindi ko rin sinasabing dito ang favorite na tambayan mo. I'm a trustworthy person, pwede tayo maging best friend!" Pang-uuto niya pa rito. "Kung ano man ang rason na iyon kung ako sa 'yo ay h'wag mo na lang alamin, baka bigla pang maudlot ang love story ninyong dalawa ni Israel." Nangunot ang noo ni Celeste saka napabunghalit ng pagtawa. "Anong love stor

