KABANATA 23 "BAGO KUMAIN ay manalangin na muna tayong lahat nang sabay-sabay." Anunsyo ng madre sa dulong harapan ng dining hall, kaya naman sabay-sabay rin na tumayo ang lahat at naghanda sa mataimtim na pagdarasal. Sinenyasan nito si Celeste na lumapit na sa harapan dahil siya na ang naka-schedule na magdarasal para sa hapunan ngayong gabi. Tumikhim si Celeste sa ngayon ay napakatahimik na dining hall. "Let's bow our head and close our eyes as we solemnly feel the presence of the Lord and pray-" nagsipikit na ng mga mata ang lahat nang putulin niya ang sinasabi sa kalagitnaan. Nakaramdam siya na biglang kailangan niyang bumahing kaya sinubukan niyang pigilan. Ilang segundo niyang sinubukan pigilan hanggang sa malakas na kumawala ang bahing niya. Ang una niyang nahuli ng tingin

