“TURUAN mo 'kong maging shaman.” Ang mga katagang iyon ang bumungad kay Elias nang dumating sa kanyang mumunting barung-barong ang binata. Kasama nito ang dalagang si Andrea nang buksan ang pinto matapos katukin. Ni wala man lang pasabi ang binata na pupunta ito o kaya naman ay ni hindi man lang ito bumati sa kanya pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pinto ng kanyang kubo. “Chad. . .” Gulat ang matandang tiningnan siya. Hindi nito inaasahan ang pagbisita ng binata lalung-lalo na ang mga sinabi nito. “Turuan mo akong maging isang ganap na shaman,” pag-uulit ng binata. Hindi alam ni Elias kung anong itutugon kay Chad. Hindi rin naman kasi ganoon kadali maging shaman na tulad niya. Marami siyang pinagdaanang pagsubok bago siya naging shaman kaya imposible ang hiling nito. “Chad, hindi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


