HINDI makapaniwala si Chad sa nakikita. Tila isang lantang gulay ang hawak niyang bangkay ni Mang Tonyo. Sinubukan niyang gisingin ang matanda sa pamamagitan ng pagtapik nang marahan sa pisngi nito. “’Tay, gumising ka, ’Tay,” may pagsusumamong wika ni Chad ngunit huli na ang lahat. Kitang-kita niya kung paano humiwalay ang kaluluwa ng matanda sa katawang-lupa nito at lamunin ng kadiliman. Masakit para kay Chad na hindi man lang niya nasabi kung gaano niya kamahal ang taong itinuring niyang kadugo at tunay na ama. Halos malunod sa luha ang kanyang mga mata sa pagtangis habang tinititigan pa rin ang walang buhay na katawan ni Mang Tonyo. “Tama na, Chad,” may awang sambit ni Elias sa nagsusumamong binata na hinawakan ito sa balikat. Maging siya ay hindi rin matanggap na nawalan siya ng kaib

