TUMATAGOS ang tingin ni Chad sa pader habang nakatulala ito na tila ba may malalim na iniisip. Halos magdamag na itong gising at nagbabantay sa burol ng kanyang tatay-tatayan na si Mang Tonyo. Hini pa rin talaga nito matanggap ang nangyarin sa taong itinuring niyang totoong ama. Nakaburol ngayon sa building apartment ang bangkay niya na pagmamay-ari mismo nito — kung saan naninirahan is Chad. Maraming tao ang nakiramay nakisimpatya sa pagkamatay ni Mang Tonyo. Lahat ng naroroon ay malalapit na kaibigan at kakilala nito. Kung may pamilya man, iyon ay ang mag-iisang kapatid na inuwian nito sa probinsya kamakailan lang. Maging ito ay nagulat din sa pagkamatay ni Mang Tonyo kaya napaluwas kaagad ng Maynila. Sinabi nilang ang dahilan ng pagkamatay ng matanda ay dahil binangungot ito. Sino ba

