Chapter 3

1032 Words
            THE moment he held her hand, he felt something unusual. Malamig ang palad ng babaeng hawak niya. Hindi niya sigurado kung anong mayroon sa babaeng iyon pero sa pagtitig pa lang ng mga ni Chad sa mga mata nito ay tila ba nadadala siya sa kawalan. Pero bago pa man mangyari iyon ay binawi niya ang sarili sa nakakaengganyo nitong mata na tila ba napakasarap pagmasdan.                       "A-are you okay?" tanong niya nang maitayo niya ang babe na nakasandal lang sa kanyang bisig.             "O-oo. Salamat." Mabilis na inayos ng babae ang kanyang sarili. Panay pa rin ang titig ni Chad sa babae na wala siyang ideya kung sino. Subalit sa hinuha niya, sopistikada at may kaya sa buhay ang babaeng kaharap niya dahil sa suot at tindig nito. Kung susumahin, hindi naman masyadong maganda ang babae pero kapag tinitigan niya ang mga mata nito ay hindi niya maitatangging may taglay na karisma ang babaeng iyon.             "Bakit ka ba magpapakamtay?" tanong ni Chad.             "No... hindi naman talaga ako mag--" She was about to say something when Chad's phone rang.             "Excuse me," pagputol ni Chad sa babae at kaagad na kinuha ang telepono sa bulsa. Kagaad naman niya itong sinagot. "Yes, Gelo. I'll be there in any moment. Papunta na ako," sabi niya sa kausap at mabilis na pinutol ang linya sa kausap.             Tumingin siyang muli sa babae na kanina pa pala nakatitig sa kanya. "I'm sorry, I have to go. Please lang, don't you ever kill yourself again. Masarap pang mabuhay sa mundo." Hindi siya sigurado kung makakatulong ang mga katagang iyon upang hindi na gawin ng babaae ang dapat sana'y gagawin niya.             Nagmamadali siyang lumabas ng building nang hindi man lang inaalam kung sino ang babaeng iyon. Kung sa bagay, hindi naman niya type ang ganoong klase ng babae kaya hindi na siya mag-aabala pang alamin kung anong pangalan nito. Sumagi lang talaga sa isip niya na tulungan ito dahil nakonsensiya siya kung sakaling may masamang mangyari sa babae.             Isa pa, kailangan na niyang magmadali dahil paniguradong umuusok na naman ang ilong niya sa galit. Alam niya kasi kapag sinabing 'urgent meeting' ay masasabon na naman siya o may panibagong project na naman itong ipapagawa. But this time, he was sure that it is not about the new project. Sa tono pa lang kasi ng katrabaho niyang si Gelo kanina sa cell phone ay halata na sa boses nito na may hindi magandang nangyayari.   *****           "You call this a proposal?! E, p*tangina... kahit grade ten student magagawa ang ganito, e. Ano na lang ang sasabihin ng kliyente kapag nakita ang ganyang klase ng proposal?!" Halos umalingawngaw sa apat na sulok ng opisina ang boses ng matandang lalaki na kaharap nina Chad at Gelo. Sa lutong ng mura at panduduro nito sa kanila ay halos mamanhid ang  kanilang pantog sa takot.             Kung hindi nga lang talaga mahal ni Chad ang trabaho niya ay matagal na siyang lumipat ng kompanya. May choice naman siya na mag-resign na lang at lumipat sa mas matinong company dahil marami namang kumukuha sa kanya. Iyon nga lang, mas mataas ang sahod niya sa pinapasukan ngayon kaysa sa mga kumukuha sa kanya. Nag-iisa na lang siya sa buhay at wala siyang alam na ibang kamag-anak. Maaga pa lamang ay naulila na siya, hindi rin niya kilala ang kanyang ama dahil nasa sinapupunan pa lamang siya ay iniwan na siya nito habang ang kanyang ina naman ay namatay sa isang aksidente.             Nabuhay siya sa pamamagitan ng pagtatrabaho noon sa isang babuyan sa Bulacan. Sinikap niyang makapagtapos sa kursong BSIT. Naging c*m laude at ngayon ay isa nang IT expert ng isang app developer company sa Maynila. Sa laki ng sahod niya, nakukuha niya ang luho. Iyon nga lamang, kailangan niyang tiisin ang lahat ng pangmamaliit at salubungin ang galit ng kanyang boss — na madalas ay siya ang napagbubuntunan.             "Fix this!" With that, he had no choice but to work overnight.             Wala man lang siyang nagawa o nasabi man lang sa matandang iyon na basta na lang lumabas ng board room at padabog pang ibinagsak ang pinto. Huminga siya nang malalim at kinuha ang folder na itinapon lang ng boss niya sa harap niya. Halos hindi na siya matulog, matapos lang ang proposal na iyon. Pero sa huli, ire-reject lang din pala.             Lumapit sa kanya ang kaibigang si Gelo at hinaplos ang likod niya. "Ayos lang 'yan, p're. Hindi lang siguro maganda ang mood ni boss," pagpapakalma nito kay Chad.             Humarap siya sa kaibigan na may bigat sa kalooban. Subalit sanay na siya sa ganoong senaryo. Hindi na bago sa kanya ang bulyawan ng kanilang boss at pagsalitaan ng masasama. Sanay na sanay na siya.             "I guess I have to stay here hanggang sa matapos ko ito. P'wede ka nang umuwi," turan niya sa kaibigan.             "Are you sure? Ayaw mo bang samahan na lang muna kita?" nag-aalalang tanong ni Gelo.             He shook his head. "You don't need to. Alam ko rin namang pagod ka na."             Tumango lang si Gelo. "Okay... if you need something, just give me a ring." Kinuha lang nito ang coat niya sa swiveling chair at isinuot iyon habang papalabas ng board room.             That night, Chad spend all his time to finish the proposal. Sinigurado niyang kumpleto ang detalye ng mga  hinihingi ng kliyente. Hindi niya ininda ang sakit ng likod at pagod matapos lang ang trabaho. Wala siyang sinayang na oras at pagkakataon.             Nang masigurado na niyang tapos na ang lahat ay nagdesisyon na siyang umuwi. Siya na lang at ang guard na naroroon ang natitirang tao sa building. Alas dose na  ng gabi nang matapos siya.             "Boss Chad, uwi ka na?" tanong ng guard sa kanya.             "Oo, manong."             "Sige, boss. Ingat ka!" Tumango lang siya at sumaludo sa sa guwardiya bagos sumakay sa sasakyan.             He was about to start the engine of his car when he noticed something in the rear view mirror. Laking gulat niya nang makita na may nakaupo sa likod niya. At ang mas nakakagulat ay namukhaan niya kung sino iyon.             "What the f*ck!" Lumingon siya at nakita ang babaeng nakaupo sa likod. It was the girl that he saved earlier.             Anong ginawagaw niya rito? Halos lumuwa ang mata ni Chad sa pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD