"WHAT are you doing here?" Laking gulat ni Chad nang makita niya ang nilalang na nakasakay sa passenger's seat ng kaniyang kotse. Nakakapagtakang hindi nito namalayan ang pagpasok ng babaeng iyon sa kinauupuan niya.
"Sinundan kita," tila kalmadong wika ng babae na parang hindi man lang nag-alangan sa naging reaksyon ni Chad.
Paanong nangyari na ganoon kabilis nakababa ang babaeng iyon sa building kung saan sila nagkita? Naguguluhan man ay nagawa pa rin ni Chad na makababa ng sasakyan at binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan kung saan naroroon ang misteryosong babae.
Alam niyang napakaganda nito pero wala siya sa mood sa mga oras na iyon dahil pagod na siya sa trabaho at sermon na inabot niya sa kaniyang boss.
"Baba..." mahinahong utos ni Chad sa dalaga na bigla na inosenteng nakatingala sa kaniyang kinaroroonan sa labas ng sasakyan.
"Pero—"
"Ang sabi ko... baba," pigil ang hiningang tugon ni Chad. Ito na ang huling pagkakataon na sasabihin niya pa ang mga salitang iyon. Dahil kung hindi ay tuluyan na niyang kakaladkarin papalabas ng kotse ang dalaga kung magpupmilit pa ito.
"Please help me..." Hindi maipinta ang mukha ng babae. Ayaw na niya sanang makipagdiskusyon pa ng mga oras na iyon pero mukhang mapipilitan siya dahil sa babaeng nasa harap niya.
"Miss, I don't have any time for this. Kaya kung ako sa iyo, bumaba ka riyan bago pa kita kaladkarin papalabas." Tumaas na ang tono ni Chad. That moment, few people caught their attention to him.
”Nababaliw na yata," bulong ng babaeng dumaan sa harap niya. Nababaliw? Anong ibig nitong sabihin?
Hindi rin niya maunawaan kung bakit pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid. Siguro ay dahil sa nakikita nilang komosyon na nangyayari sa kotse. Nang muli niyan ibaling ang atensyon sa babaeng kanina pa niyang kinakausap ay ganoon pa rin ang hitsura nito — halatang nagpapaawa.
Nagbuga siya nang malakas na hangin bago muling nagsalita. "Okay, ihahatid kita sa bahay mo kung gusto mo. But after that, can you promise not to bother me anymore?"
Tumango lang ang babae pero parang hindi ito sigurado sa sagot. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse at pagkatapos ay sumakay sa driver's seat. Subalit bago pa man niya ma-start ang kotse ay may isang traffic enforcer na lumapit sa kaniya at kinatok siya.
Marahan naman niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan at halos masilaw siya sa pagtama ng ilaw ng flashlight ng traffic enforcer.
"Boss, may problema ba?" tanong ni Chad.
"Wala naman, boss. Tsini-check ko lang kung ayos ka. Kanina kasi parang may kausap ka sa sasakyan mo," usisa ng traffic enforcer na sumisita sa kaniya.
Liningon naman ni Chad ang babaeng nasa likod na nagtatago sa likod niya. Halatang takot na takot itong makita siya ng traffic enforcer na kausap ni Chad. Pagkakataon na sana ni Chad na isumbong ang dalaga sa lalaking kausap pero nakaramdam siya ng awa nang matitigan niya ang mga mata nito.
"Wala naman, boss," tanggi ni Chad.
"Sigurado ka?"
Tumango lang siya. "Sige, boss. Ingat ka."
Sinundan na lamang niya ng tingin ang traffic enforcer at nang masiguradong nakalayo na ito ay saka pa lamang niya isinara ang bintana ng kaniyang sasakyan. Lumingon siyang muli sa babae na saka pa lamang inayos ang upo sa likuran. Huminga ito nang malalim at padaskul na isinandal ang likod sa upuan.
"Salamat."
"You don't have to thank me. Ginawa ko lang iyon dahil ayaw ko nang makipagdiskusyon pa," pagtanggi niya. Pero ang totoo, nakaramdam talaga siya ng awa nang makiita niya ang awa sa babae. Hindi lang talaga niya maamin sa sarili.
Saka pa lamang niya napagpasyahang paandarin ang sasakyan nang masiguradong ayos na ang lahat. Gusto niya nang tahimik na paglalakbay pero mukhang malabong mangyari iyon sa mga oras na iyon.
Habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalsada ay panay ang titig niya sa babaeng nasa likod lamang at nakatingin sa kung saan. Tila ba namamangha ito sa mga nakikitang ilaw mula sa labas ng sasakyan.
"Ang ganda pala ng lugar na ito," namamanghang wika ng babae na parang batang nagmamasid sa mga umiilaw na daan at nagtataasang gusali.
Mahinang napatawaw si Chad sa narinig. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito sa Maynila?"
Blangko siyang tiningnan ng dalaga na tila ba walang alam sa mga nasa paligid. "Ang totoo, hindi ko alam kung sino ako."
Kagyat na nayapakan ni Chad ang preno ng kaniyang saskayan. Muntik pa itong mabangga ng nasa likuran niyang sasakyan. Hindi napigilan ng nasa likod na businahan siya dahil sa aksidenteng muntik nang mangyari. Nasa gitna pa naman sila ng daan.
"Anong sabi mo?!" Gulat na liningon ni Chad ang babae subalit bago pa man makasagot ang babae ay nakarinig siya ng malakas na paghampas ng kamay mula sa bintana ng kanyang sasakyan.
Napukaw nito ang atensyon niya at nakitang isang matabang lalaki ang nakatayo sa tabi ng kaiyang sasakyan. Tila naghuhurumentado ito sa galit dahil kitang-kita niya na nagsisisigaw ito sa labas pero dahil nakasara ang bintana ng sasakyan ay hindi niya gaanong marinig ang sinasabi ng lalaking iyon. It looks like Chad is unaware of what's happening.
"Brad, may problema ba?" Iyon kaagad ang naging bungad niya nang ibaba niya ang bintana ng sasakyan.
"Problema? G*go ka ba? Hindi mo ba alam na muntik mo nang mabangga ang auto ko?!" Halos mabingi si Chad sa malakas na sigaw ng lalaking 'yon. Kasabay pa niyon ang panduduro niya sa sasakyan niyang nasa liuran.
"Paanong mangyayari 'yo? E, nakatigil ako rito?" Saka lang niya napansin na sa gitna pala siya ng daan tumigil. Mabuti na nga lang at malapit nang maghating-gabi kung kaya't kakaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan sa lugar na iyon.
"Aba! At talagang sumasagot ka pa, ha? T*nga ka ba? O Nagtatanga-t*ngahan ka lang? Bakit ka biglang pumreno, e nasa likod nga ako?!" Saka lamang napagtanto ni Chad ang pagkakamali niya.
"Pasenya na, brad. Hindi ko naman kasi alam na nasa likod ka," ani Chad na isasara na sana ang bintana ng kotse ngunit biglang may nakaumang kamao na tatama sana sa kaniyang mukha. Mabuti na lamang at mabilis niya iyong nasanggahan.
Tumalim ang tingin niya sa lalaki. Tila may pagbabanta ang mga titig ni Chad nang mga oras na iyon. It wasn't his intention to make a scene. Pero hindi niya masigurado kung mapipigilan niya ang sarili sa susunod na gagawin ng lalaking nasa harap niya.
"Bumaba ka riyan, nang makita mo ang hinahanap mo!" may pagbabantang bulyaw ng matabang lalaki. Ni hindi ito natinag sa matalim na titig ni Chad kung kaya't ganoon na lamang ang paghahamon nito sa kanya sa pag-aakalang mabilis nitong mapapatumba si Chad sa isang suntok lang.
Hindi naman binigo ni Chad ang lalaking kanina pang nag-aamok. He neither don't care if the man was bigger than him. He was a black-belter in Taekwondo when he was in college kaya hinding-hindi niya uurungan ang ganoong klase ng tao. He admitted that it was his mistake. Pero para sa kaniya ay sapat na ang paghingi niya ng sorry.
Nang makalabas siya sa sasakyan ay agad na sumalubong ang kamao ng matabang lalaki na kanina pa siyang gustong sunggaban ng suntok. Pero tulad ng kaninang nangyari ay agad na nasanggahan ni Chad ang kamao nito gamit lang ang kanyang palad. In just a snap, he grabbed the arm of the man and pulled it behind his back, then he pushed the man on the side of his car. Nakaharap nitong isinandal ang lalaki sa kaniyang sasakyan at hindi pinakawalan ang kamay na nakapulupot sa likod. Halos mamilipit sa sakit ang lalaki dahil sa ginawa ni Chad sa kanya.
"Brad, ayaw ko ng gulo. I had a long day at gusto ko nang magpahinga. Kaya kung ako sa iyo, umalis ka na bago ko pa baliin 'tong buto mo," mahinahon ngunit may pagbabantang sambit ni Chad.
"Okay, Brad. I'm sorry."
Saka pa lamang hinayaang makawala ni Chad ang lalaki. Ang kaninang matapang na awra nito ay tila naging maamong tupa sa takot. Hindi na nito nagawa pang makapagsalita. Sa halip, ay nagmamadali itong bumalik sa kaniyang sasakyan na tila takot na takot. Sinundan na lang ng tingin ni Chad ang paalis na sasakyan bago niya napagpasyahang sumakay muli sa sariling kotse.
Pagkasakay na pagkasakay pa lang niya ng kotse ay kaagad na itinabi ang sasakyan at saka pa lamang dumako ang mga mata ni Chad sa babaeng kanina pang nasa likuran. Ayaw na niya ng isa pang argumento kaya pinakalma muna niya ang sarili sa pamamagitan ng saglit na pagpikit at pagbuga ng hangin bago nagsalita.
"Look, miss. I had enough. Pinagalitan ako ng boss ko kanina, muntik na akong matanggalan ng trabaho, at ngayon may muntik pang may sumuntok sa akin. Kaya kung gusto mong makipaglokohan, pakiusap... huwag ako." Chad was really straight forward when it comes to express his feelings. Iyon nga lang, dahil babae ang kausap niya ay kailangan niyang magdahan-dahan sa sasabihin niya.
"It's not my intension, sorry." Yumuko ang babae at siya namang lalong nakaramdam ng awa si Chad. Kung hindi lang talaga siya gentleman ay kanina pa niya sinabihan ng masasakit na salita ang babaeng iyon.
Kaagad namang kinuha ni Chad ang wallet at saka kumuha ng isanlibong piso. "Here, you can take a taxi if you want. Siguro naman ay sapat na iyan para makauwi ka?"
Tiningnan lang iyon ng babae na tila wala pa ring ideya sa mga nangyayari. "Para saan 'yan?"
"Pambayad mo sa taxi para makauwi ka na," kaagad niyang tugon.
"Ang totoo, hindi ko alam kung tagasaan ako. Hindi ko rin alam kung sino ang pamilya ko. The only thing I know is my name. Iyon lang," paliwanag ng dalaga.
Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi maunawaan ni Chad kung ano ang ibig sabihin ng babaeng kaharap.
"Miss, kung may amnesia ka, hindi ako ang dapat mong lapitan."
"Hindi mo naiintindihan, e..."
"Talagang hindi ko maintindihan!" Hindi na nagawa pang kontrolin ni Chad ang pagtaas ng kaniyang tono. "Miss, wala akong pakialam kung sino ka o ano ka. Bago pa magdilim ang paningin ko... bumaba ka na ng kotse ko. Please," ani Chad na kahit kalmado ang tono ay naroon pa rin ang gigil sa bawat salitang binabanggit.
Pigil ang luha ng babaeng tiningnan siya. "P'wede bang buksan mo ang pinto?" pakiusap pa nito.
Pigil ang pangang bumaba ng sasakyan si Chad at pinagbuksan siya ng pinto. Sinulyapan muna siya ng babae bago ito bumaba. Ni hindi magawa ni Chad na tingnan ito dahil siguradong madadala siya ng awa sa oras na nagtama ang mga mata nila. Nang masiguradong nakababa na ang babae at nasa side walk na ito ay saka pa lamang siya muling sumakay ng sasakyan.
Nang paandarin niya ang kotse ay hindi niya napigilan ang sariling tingnan ang babae sa side mirror ng kotse. Kitang-kita niya na walang kibo ang babae at malungkot ang mukha habang sinusundan lang ng tingin ang kaniyang sasakyan. He was few meters away from her when he felt the guilt. Tila ba hinihila sita pabalik ng konsyensya. Gabi na. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?
"Sh*t!" Napahampas siya sa manibela. He then stop the car and pulled it back to where the woman was. Tuluyan na nga siyang kinain ng konsyensya niya. Tila ba hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyaring masama sa babaeng 'yon.
Nang tumapat na siya mismo sa kinatatayuan nito ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa shotgun seat. "Hop in!"
The woman smiled when he finally fetched her. Marahil ay alam ng babaeng iyon na hindi siya matitiis ni Chad. Kaagad naman itong sumakay na tuwang-tuwa. "Thank you."
"Don't thank me. Ayaw kong magkaroon ng kargo-de-konsyensya sa oras na may mangyari sa iyong masama. You can stay in my apartment for tonight. But tomorrow, you need to go home," paliwanag ni Chad na diretso lang ang mga mata sa pagmamaneho. Ganoon pa rin, hindi pa rin niya magawang tingnan ang dalaga sa mga mata.
"Still... thank you." That was the final word she said.
Chad hopes that this night will be peaceful for him even he met the girl beside him. Sa sobrang stress na sinapit niyang noong araw na iyon, hindi niya alam kung ano pang gagawin niya sa sarili oras na may kamalasan pang dumating sa kanya.