"CHAD! Nandito ka na pala. May mga sulat na nakakalat sa harap ng apartment mo, dinampot ko at baka kuhanin ng mga pusang pagala-gala rito sa building." Sumalubong kaagad ang landlord ng apartment na tinutuluyan ni Chad sa kaniya at iniabot ang mangilan-ngilang sobre.
Nasa pasilyo pa lamang siya ng gusali patungo sa kaniyang inuupahang kuwarto ay natatanaw na niya ang matandang si Mang Tonyo. Nasa edad kuwarenta'y otso na ito pero malakas pa rin ang katawan. Malapit si Chad kay Mang Tonyo. Madalas ay nakakakuwentuhan niya ito at nakakainuman at madalas ay siya ang napagbibilinan nito na bantayan ang kaniyang apartment. He treated Mang Tonyo as his second father and a comrades. Well, if there's someone who knows him, even his secret, it is Mang Tonyo. At dahil nga mag-ama na ang turingan nila, Chad always call him 'Tay'.
"Salamat po, Tay."Kaagad niyang inabot ang mga sobre at binasa iyon isa-isa.
"Mga offer na naman?" tanon ni Mang Tonyo.
Chad nodded uninterestingly. Parang balewala lang sa kaniya ang mga ganoong klase ng sulat.
"Mukhang napapadadalas, a? Bakit hindi mo patulan? Mag-resign ka sa trabaho mo at subukan mo lang, Kaysa nagtitiis ka riyan sa boss mong halos patayin ka na." Gumuhit sa mukha ni Mang Tony ang pag-aalala na may halong pagkainis. Kahit siya ay hindi na rin mapigilan ang sarili na magalit sa tuwing ikinikuwento ni Chad ang mga ginagawa ng boss niya sa kaniya.
"Hayaan mo na, Tay. Kaya ko pa namang tiisin. Huwag mo na ako masyadong alalahanin," sambit ni Chad habang iniisa-isa pa rin ang mga sulat. Ang totoo, kahit ang emails niya ay puno na rin galing sa mga kompanyang iyon na nagpadala ng sulat sa kaniya. He's very in demand at halos lahat ng companies sa Pilipinas ay nagkakandarapa na kuhanin siyang app developer.
Magaganda naman ang offer, may pabahay at pasasakyan pa ang iba. Pero hindi nila matapatan ang sahod na ibinibigay ng kaniyang boss. At isa pa, ayaw niyang umalis sa inuupahang bahay. He can't leave Mang Tony alone. Sila na nga lang ang magkasanggang-dikit tapos, iiwan pa niya? It wouldn't be fair for the old man who helped him when he was down.
Sa laki ng utang na loob niya rito noong panahong gipit na gipit siya, hindi niya magagawang ipagpalit ang tataytayan sa kahit na anong materyal na bagay na makukuha niya sa mga iyon.
"Sige, ikaw ang bahala." Mang Tonyo looked at him with concern. "Pinagalitan ka na naman ba ng boss mo?"
Chad can still managed to smile but he really felt so devastated every time his boss nagged him like a worthless person. Hindi tao ang turing ng boss niya sa kaniya, kundi isang robot. Kung hindi lang talaga mahalaga para kay Chad ang trabaho, hindi niya magagawang ipagsisikan ang sarili niya sa kompanyang pinapasukan. Nilalamon na lang niya ang pride niya para rin may malamon siya sa araw-araw. Minsan na rin siyang inalok ni Mang Tonyo na tumira na lang ng libre doon pero tinanggihan niya. Kahit anak ang turing nito sa kaniya ay hindi pa rin maiaalis na isa lang siyang tenant nito sa inuupahan kaya kahit ilang beses pang alukin ng matanda si Chad ay tinatanggihan niya ito.
His reason: that is the only way of Mang Tonyo for a living. Kung titira siya nang libre sa apartment, ano na lang ang gagamiting panggastos ng matanda gayung tatlo lang silang nangungupahan doon kahit napakaraming kuwarto na p'wedeng pang upahan.
"Okay lang 'yon, Tay. Sanay na ako." Saka lang naaalala ni Chad na may kasama nga pala siya. He slowly turned his head to where the lady he met was standing but he saw her quickly hid at his back. "Ano bang ginagawa mo riyan?" pabulong na tanong ni Chad sa dalagang tila takot na takot na makita ng matanda. May katangkaran si Chad at may kalakihan din ang katawan kaya naging sapat iyon para makapagtago sa siya.
"Huwag kang maingay, baka makita niya ako," mahinang tugon ng babae na saglit na sinulyapan si Mang Tonyo na ngayon ay abala sa pagtipa sa lumang cell phone na gamit. "Kapag nakita niya ako, sigurado akong pagagalitan ka niyan." Doon pa lamang napagtanto ni Mang Tonyo na isa sa mga bilin niya ay huwag siyang magpapatuloy ng bisita sa apartment lalo't hindi naman niya kakilala.
"May kausap ka ba?" agad na usisa ni Mang Tonyo nang marinig ang mahinang pagbulong ni Chad.
Kunwaring tiningnan ni Chad ang isa sa mga envelope. "A, wala po. Ito kasing nabasa kong offer, walang kakuwenta-kuwenta," pagsisinungaling nito.
"Sus! Hayaan mo na 'yan. Gusto mo mag-inom muna tayo?" alok ni Mang Tonyo na biglang ikinalaki ng mata ni Chad. Gustuhin man ni Chad na maka-bonding ang tatay-tatayan pero wrong-timing dahil sa babaeng kasama niya.
"Saka na lang, Tay. Pagod ako ngayon, e. Promise, babawi ako next time." Halata man ang pagkadismaya sa mukha ni Mang Tonyo ay wala siyang nagawa.
"O, sige. Mapgpahinga ka na lang muna. Saka na lang tayo mag-inom." Chad felt guilty for declining him, but he had no choice.
"Pasensya na, Tay." Tinapik lang ng matanda ang balikat niya at saka umalis. Alam niyang kahit papaano ay mabigat ang loob ng amain sa pagtanggi niya.
Dumako ang mga mata niya sa dalaga nang masiguradong mawala na sa paningin niya ang matanda. "Pasalamat ka at mabait ako, kundi hindi kita patutuluyin dito."
Mabait nga ba? Pero bakit ganoon ang trato niya sa dalaga? Naglakad na lang siya patungo sa kaniyang unit at kinapa ang susi sa bag. Subalit bigo siyang mahanap ito. Halos bulatlatin na niya ang kanyang bag pero wala pa rin.
"May problema ba?" usisa naman ng dalaga sa kaniya nang mapansing hindi mapakali si Chad.
"Naiwan ko yata ang susi ko sa loob," sambit ni Chad na hinahalikwat pa rin ang loob ng bag.
Tiningnan lang siya ng dalaga na wari'y may iniisip.
"Ganoon ba? Sige ako nang bahala."
"Ano bang sinasabi mo?"
Hindi sumagot ang dalaga. Sa halip, humakbang ito sa harap ng pinto. Pinanood lang ni Chad ang ginawa ng dalaga na tila nagtataka. Ano kayang balak niya? Biglang lumamig ang paligid nang sandaling iyon. Nangilabot si Chad habang tutok na tutok siya sa dalaga. Ngunit mas nangilabot siya sa sumunod na nangyari.
Parang walang pintong nakaharang na humakbang ang babae papasok ng pinto. Samakatuwid, tumagos ito na parang hangin lang. Nanlaki ang mga mata ni Chad sa nakita. He didn't thought that the lady he was with wasn't a human.
"P*tangina!" Isang napakalutong na mura ang nasambit niya. Biglang bumalik ang kaniyang alaala sa mga nangyari kanina.
Kaya pala walang pumpansin sa kaniya kanina noong iniligtas niya ito mula sa muntik nang pagkaghulog...
Kaya pala sinabihan siyang baliw kanina ng babae kanina...
Kaya pala hindi siya napansin ng tatay-tatayan kanina noong magkasalubong sila.
Iyon ay dahil multo siya.
Kinusot-kusot pa ni Chad ang kaniyang mga mata upang makasigurado siya sa nakikita. And he was sure of what he saw. Mas lalo pa siyang natulala nang biglang bumukas mag-isa ang pinto ng apartment niya at bumungad ulit ang babae.
"S-sino ka? A-ano ka?" Napaatras siya sa kilabot na naramdaman. Paanong nangyari na ang isang multo ay nagagawang mag-anyong normal na tao? Sa labis na pagkataranta ay kaagad siyang naghanap ng bagay na maaari niyang gamitin upang proteksyunan ang sarili sa nilalang na kaharap. Subalit wala siyang ibang nadampot kundi isang ball pen. Sa dinami-dami ng maaari niyang makuha, bakit ball pen pa?
"Hindi ako tatablan niyan," mahinahong sabi ng babae na kaswal lang na humakbang palapit sa kaniya. Saka lang napagtanto ni Chad na tama ang sinabi nito. Tiyak na tatagos lang sa katawan niya ang matilos na bagay na hawak niya kahit pa itarak niya ito sa kaharap.
"A-anong kailangan mo sa akin?" Halos kumawala ang puso ni Chad sa kaba habang pinagmamasdan kung paano siya lapitan ng babae. Hindi naman nakakatakot ang hitsura nito pero bakit ganoon ang epekto sa kaniya nang malamang isa pala itong multo? Siguro ay dahil noon lang ulit siya nakakita ng ganoong nilalang.
Huling beses siyang nakakita ng multo ay noong bata pa siya. Yes! He has third eye when he was young. Ipinasara lang ito ng kaniyang ina bago siya mamatay dahil iyon ang hiling ng kaniyang ama. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang muling makakita ng multo at hindi niya akalaing sa sitwasyong iyon ay inakala niyang isa itong normal na tao.
"Huwag kang matakot, hindi naman kita sasaktan." Nakangiti pa ito sa kaniya habang binabanggit ang mga katagang iyon. He can't utter any words from his mouth when he heard the soft voice of the woman in front. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa pagkatulala. Gusto niya sanang tumakbo pero kahit ang mga paa niya ay hindi magawang makakilos man lang.
"L-lumayo ka! Tatawag ako ng pulis!" pagbabanta niya.
Tila nagbago ang ihip ng hangin nang bigla na lang kumunot ang noo ng babaeng nasa harapan niya. "Sino namang maniniwala sa iyo? E, ikaw lang 'tong nakakakita sa akin?"
"B-basta! Huwag kang lalapit!"
"Ganyan ka ba talaga mag-thank you? Tinulungan na nga kitang buksan itong apartment mo tapos basta mo na lang ako palalayasin?" Nakakapagtakang parang isang normal na tao lang ito kung kumilos at magsalita. Hindi tuloy malaman ni Chad kung nananaginip lang siya o nagdedeliryo na dala ng pagod.
"B-bakit ganyan ka magsalita? Hindi ba multo ka? Hindi ba dapat mukha kang nakakatakot? Hindi ba dapat nakalutang ka?" may pagtatakang tanong ni Chad sa kaniya.
"Sa ganda kong 'to, gagawin mo akong nakakatakot na multo! Hindi lahat ng multo mukhang zombie. May mga multong katulad ko na kahit kaluluwa na lang ay hitsurang tao pa rin," paliwanag nito.
"P-pero anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Chad. Kung bakit ba naman kasi naisipan niyang iligtas ang babaeng ito mula sa gusali. Hindi sana siya susundan nito. Pero mukhang wala na siyang magagawa. Pihadong hindi siya titigilan nito. And worst, baka mas lalo pang maging komplikado ang lahat.
"Tulungan mo ako," aniya. Kitang-kita niya sa mga mata nito na kailangan niya ng tulong. Tila nahabag sita sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Doon pa lamang natanggal ang takot niya at unti-unting lumapit sa dalaga.
"Anong... anong klaseng tulong?" Hindi niya alam kung tama bang tanungin niya iyon pero isa lang ang nasa isip niya: kailangan talaga nito ng tulong. Subalit bumabagabag sa kaniya na baka hindi niya kayanin ang tulong na hinihingi nito. Paano na lang kung gamitin ang katawan niya nito at saniban?
"Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag pero gusto kong malaman ang totoo kong pagkatao at sino at bakit ako namatay." Nabanaag sa tinig nito ang tila kalungkutan na matagal na niyang kinikimkim sa loob ng napakahabang panahon. Sa hula ni Chad, matagal nang patay ang babaeng nakikiusap. Pero hindi niya sigurado kung gaano na ito katagal. Base kasi sa suot nito, nasa modernong panahon siya. Marahil ay wala lima o sampung taon ang nakakaraan nang pumanaw ito. Kung magsalita rin ay hindi ganoon kalalim at halata sa ayos nito na nabuhay ito sa kasalukuyang panahon.
"Hindi ba't nagpakamatay ka?" tanong ni Chad. Iyon kasi ang nasa isip niyang nangyari nang mga oras na sagipin niya ito sa gusali kung saan niya ito nakita.
"Hindi. . ." sagot ng babae ngunit saglit na napaisip at tila naguluhan. "Hindi ko sigurado."
Maging si Chad ay tila naguguluhan na rin sa nangyayari. "Teka! Teka! You're saying that you need help but you're not sure if you killed yourself or not?"
"Iyon nga ang gusto kong malaman, e. Kasi noong nabubuhay naman ako, wala naman akong alam na malalim na dahilan para patayin ko ang sarili ko." Tila mas lalo pang nagkaroon ng kalituhan sa pagitan nilang dalawa.
"Alam mo, ang gulo mo." Kaagad na binawi ni Chad ang tingin sa dalaga at pumasok sa kaniyang apartment. Padabog niyang isinara ang pinto sa pag-aakalang lulubayan siya ng multong babae. Pero hindi, tumagos ito papasok sa kaniyang unit at tila wala talagang balak na patahimikin siya.
"I really want to know kung paano ako namatay, sino ako, at ano ang tunay kong pagkatao. Kaya please, tulungan mo ako," pakiusap nito. Halatang hindi siya titigilan ng babaeng ito.
Nakapamewang at tumingala sa kisame si Chad. O, God! How can I make this creature leave? Napabuntong-hininga siya bago humarap sa babaeng nakasunod sa kaniya. Tinitigan niya ito sa mata at ganoon pa rin ang naramdaman niyang awa. Naramdaman niya ang pagkahabag nang sandaling makita niya na may luha itong pinipigilang bumagsak. Napapaisip ngayon tuloy siya kung tutulungan niya ito o hindi.