Chapter 6

2040 Words
          "I REALLY want to know kung paano ako namatay, sino ako, at ano ang tunay kong pagkatao. Kaya please, tulungan mo ako." Mukhang hindi na makakatanggi pa si Chad.             This girl is really stressing him out. Kung minamalas nga naman, sa buong magdamag na magkasama sila ng babaeng kaharap ay ngayon pa niya mapagtatanto na multo pala ito. Tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana. Akala kasi niya ay matatakasan na niya ang mga bagay na kinaayawan niya sa nakaraan pero heto na naman ulit — nakikita na naman niya ang mga nilalang na hindi nakikita ng isang normal na tao. And worst, he can talk to that creature.                     Noon kasi, hindi niyang kausapin ang mga multong nakikita niya. He just stared at them and cried because of the fear. But now, how can he even scared if the girl in front of him is a beautiful ghost trying to seek help from him.             He heaved a heavy air again and said, "Alam mo, gusto ko ng tahimik na buhay. Kaya please lang, find someone who can help you."             "Sino? E, ikaw lang 'yong nakakakita sa akin?" may pagmamakaawang tanong nito sa kanya.             "I don't know. Maybe... maybe arbularyo? Ispiritista? Kahit na sino... huwag lang ako." Matigas talaga ang loob ni Chad. Ayaw niyang may gumulo pa sa isipan niya. But while looking at her eyes made him guilty. It was very sympathizing. Hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha nito sa mata.             He can't imagine that the ghost he was staring cried. Sinong mag-aakala na ang multo pala ay magagawang umiyak. Buti still, he doesn't want to help her. "Hindi mo ako madadaan sa paiyak-iyak mo. So please... go."             "S-sige, aalis na lang ako. Pasensya na." Marahan itong tumalikod sa kaniya na para bang labag sa kalooban nitong umalis at humakbang papalayo sa kaniya. Tulad ng nangyari kanina, tumagos lang ito sa pinto na parang hangin.             Nang mawala na sa paningin niya'y tinungo naman ni Chad ang bintana ng kaniyang apartment kung saan makikita ang labas. Sinigurado niyang nasa labas na nga ang babaeng iyon. Nasilayan nga niyang naglalakad ito sa daan at saglit na tumigil para tingnan ang bintanang kinaroroonan niya. Madilim ang daan at wala na ngang katao-tao. Bagama't hindi naman siyang gaaanong nag-aalala ay naroon pa rin ang kaunting awang naramdaman niya sa dalaga habang pinagmamasdan itong malungkot na naglalakad sa daan.             Hindi naman siya dapat mag-aalala para sa babae dahil isa na itong multo at wala nang mangyayari sa kaniya kung sakali man sa daan. Ngunit inuusig pa rin siya ng konsyensa. Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Lalo siyang hindi matahimik.                     Habang nagsesepilyo  ng ngipin ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang babaeng kanina'y nakita. He admitted, the moment he saw the face of that girl, he felt something unusual. Para bang kahit anong gawin niyang untog sa ulo niya ay hinding-hindi niya magawang iwaksi sa isipan ang nagmamakaawang mukha nito.             He almost drank a bottle of beer just to feel relax and forget what happened that night. But his mind doesn't cooperate. The face of the girl was still there, not giving any chance of him to escape from guilt. T*ngina! Ano bang nangyayari sa akin?! Halos ibaon na niya ang mukha niya sa unan na hawak. He didn't wasted the time, Chad quickly put up himself and get the car key on the side table of the couch where he was sitting. Nagmamadali siyang bumaba ng apartment building at sumakay ng kaiyang sasakyan. Hawak ang manibela, matalim niyang tiningnan ang mga daan kung saan niya maaaring makita ang babaeng hindi pinapatahimik ang kaniyang isipan at umuusig sa kaniyang damdamin mula pa kanina.             May mangilan-ngilang taong dumaraan sa lugar kung saan niya tinatahak ang mga posibleng pinuntahan. He was about to ask someone but he suddenly thought, no one can help him to find that girl. Sino ba naman kasing makakakita sa multong iyon maliban sa kaniya. Kung mayroon man, hindi niya sigurado sa mga taong nakikita sa daan kung sino sa kanila ang may third eye. Kung minamalas ka nga naman. Tila ba nakaramdam siya ng pagsisisi na hinayaan niyang umalis ang babae.             "Ano ba, Chad? Bakit kasi hindi mo pa pinagpalipas ng gabi sa unit mo," untag niya sa sarili na panay ang linga sa paligid.             Habang binabagtas ang madilim na daan patungo sa high way ay nakaramdam siya ng kakaibang hangin. Alam niyang malamig ang loob ng kaniyang sasakyan pero iba ang hanging dumampi sa kaniyang balat noong mga oras na iyon. Malamig ito at nagawang magbigay sa kaniya ng kakaibang kilabot. Tanda niya ang ganoong pakiramdam, pitong taon siya nang makaramdam ng kakaibang hangin na nagagawang patayuin ang kaniyang balahibo at magbigay sa kaniya ng kakaibang kilabot. Sa isang iglap, mabilis niyang ipakan ang preno ng sasakyan at tumigil sa isang kanto.             He was detecting something unusual from the dark alley where he was. Tumingin siya sa makipot na eskinitang iyon at nakaramdam siya ng kakaibang presensiya.             "Hindi nakakatuwa 'to." Bumaba siya sa kotse at buong tapang na hinarap ang kadiliman. Gamit ang flashlight ng kaniyang phone ay pinasok niya ang madilim na daan. Sira-sirang mga lumang gamit ang tumambad sa kaniyang harapan. Sa katihimikan ng lugar, ang tanging maririnig lang ay patak ng tubig mula sa yerong kanina'y nabasa ng ulan.             Matapang na sinuong ni Chad ang kasuluksulukan ng eskinitang iyon. Mas lalong tumindi ang kilabot sa kaniyang katawan at pakiramdam niya'y nasa malapit lang ang nagbabadyang panganib. Hanggang sa tumapat ang ilaw sa pinakasulok na bahagi ng eskinitang kaniyang kinaroroonan. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Isang matabang lalaki ang may sinasakal na babae.             "Hoy!" sigaw niya nang tapatan ng ilaw ang naturang nilalang. Ngunit lalo siyang nanghilakbot nang makita ang hitsura ng matabang lalaki. Namumutla ito at duguan ang mukha. Matalim din ang mapula nitong mat noong tingnan siya. Subalit ang ikinabahala ni Chad ay nang makita ang babaeng sinasakal nito. Siya 'yon! Ang kaninang nagmamakaawang humingi sa kaniya ng tulong, ngayon ay nanganganib.             Takot man sa nakikita ay ihinanda pa rin ni Chad ang sarili sa mapanganib na nilalang. Tila ba isang hindi matahimik na kululuwa ang ngayo'y may pagbabantang nakatitig sa kaniya. Napaatras siya noong mga oras na iyon, subalit naalala niyang kailangan ng babae ng tulong.             Bahala na! Sinugod ni Chad ang mistulang halimaw na multo. "Bitawan mo siya!"             Akmang susuntukin niya ito ngunit nasalag ng kalaban ang kaniyang kamao. Ibang klase ang lakas ng nakakatakot na nilalang na iyon. Hawak niya ang leeg ng dalaga habang pigil-pigil naman ng isang kamay nito ang kamay ni Chad na dumapo sa anumang parte ng katawan niya. Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi niya maunawaan ang pakiramdam na nakikipaglaban siya ngayon sa isang nilalang na walang buhay  at sariling katawan ngunit nagagawa siyang hawakan. Subalit kailangan niyang maging matapang upang mailigtas ang babaeng iyon nang tiningnan niya ay wala nang malay.             "Bitawan mo siya," may pagbabantang wika ni Chad sa nakakatakot na halimaw.             The monster chuckled. He didn't even expected that a human had the guts to fight him. Buong akala ng halimaw na iyon ay matatakot si Chad sa kaniya... ngunit hindi. Nakipagtitigan pa ito sa kaniya at nagpalitan sila ng matatalim na tingin sa isa't isa.             "Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, isa ka lang namang hamak na mortal." Sa pananalita ng nakakatakot na kaluluwang iyon ay masasabi niyang matagal na itong namatay. Makaluma ang suot nito at may malalim na pananalita. Sa hinuha niya, daang taon na mula nang mamatay ang kaluluwang iyon.             "Wala akong pakealam... pakawalan mo siya!" Mabilis na binawi ni Chad ang kamay na hawak ng halimaw. In just a second, he flip his feet and kicked the face of the creepy creature. Sa lakas ng pagkakasipa niya ay nabitawan ng malahalimaw na kaluluwa ang dalaga at bumulagta ito sa lupa.             Napaatras ang matabang lalaki sa ginawa ni Chad. Malakas ang puwersang naibigay nito. Halos mabuwal ang lupang inaapakan ng halimaw na multo nang lumapat ang paa ni Chad sa kaniya. Nagulat siya sa nangyaring 'yon. Halos mabali ang leeg ng halimaw.             "Lapastangan!" Walang paalam na sumugod ang halimaw sa kaniya at sinalubong ito ng malakas na suntok. Hindi na nagawa pang makailag ni Chad sa mabilis na paglapat ng kamao ng halimaw sa kaniya.             Kaagad na nawalan ng balanse si Chad. Ramdam na ramdam ng balat niya ang matatalas na piraso ng lupa nang sandaling bumagsak na siya. Subalit mas naramdaman niya ang sakit ng suntok ng halimaw. Hindi siya makapaniwalang nagagawa ng isang kaluluwa ang bagay na iyon. Nakapagtatakang dumugo ang bahagi ng kaniyang mukha na natamaan ng kamao nito. Saglit niyang pinunasan ang bahaging iyon ng kaniyang pisngi at kita niya ang dugo.             Lalong sumiklab ang galit ni Chad. Napawi ang takot na kaninang nararamdaman at napalitan iyon ng nag-aapoy na damdamin. Nagsalubong ang kilay niya, umigting ang panga at nagpuyos ang kamao. He will not give any chance for that monster to redeem himself the moment he drop his punches into him. Mata lang ang walang latay. Nakangisi pa ito habang pinagmamasdan si Chad. Ngunit nakaramdam din ito ng takot nang bigla niyang makita ang galit sa mga mata ni Chad na nag-aapoy at hindi na niya nagawa pang makagalaw nang mabilis sa bumaon sa kaniyang sikmura ang kamao ni Chad.              Nang sandaling iyon, tila tumigil ang oras. Tumirik ang mata ng halimaw nang tumama sa kaniya ang kamao hanggang sa unti-unting naglaho ito na parang abong hinipan ng hangin. Isang masamang kaluluwa ang naglaho sa mundo dahil sa kaniya.  Halos maubusan siya ng hininga matapos ang ginawang iyon sa halimaw na siya lang ang nakakakita.                Tuilalang pinahind ni Chad ang labi na noon pa lang niyang napagtanto na dumugo rin. "Akala ko malakas, laki lang pala ng katawan ang panindak."             Saka lamang dumako ang paningin niya sa dalagang wala pa ring malay. Kaagad niyang pinuntahan ang kinalalagyan nito at itinihaya niya ang nakahandusay nitong katawan. Doon lang niya natitigan nang matagal ang dalaga. She has an angelic face. Her innocent feature was attracting Chad. Kaya pala ganoon ang epekto nito sa kaniya nang sandaling magkita sila. That was the first time Chad felt something unusual. Pero teka! Multo siya at tao naman si Chad. Kaya hindi p'wedeng magkagusto siya sa isang nilalang na wala na sa mundo. If that might happen, that will be the weirdest thing for him.             Hindi p'wede 'to. Winasiwas ni Chad ang ulo upang mawala sa isipan niya ang atraksyon na nararamdaman sa dalaga. Napakabilis naman ng pangyayari kung tutuusin. Binuhat niya ang walang malay na dalaga at dinala ito sa sasakyan. Nang sandaling mailapat na niya ang walang malay na katawan ng babae sa passenger's seat ng kaniyang kotse ay muli siyang napatitig sa mukha nito. Detalyado niyang tiningnan ang bawat bahagi ng mukha ng babaeng iyon. Nakakaakit ang manipis at mapula nitong labi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang mahaba at mapilantik nitong pilik mata at ang matangos nitong ilong na kahit napakaliit ay bumagay sa mahaba nitong mukha. Sa gitna ng nakakasilaw na kagandahan ng dalaga ay naroon pa rin ang pag-aalinlangan ni Chad. Isa itong multo. Kaya hindi siya maaaring mahulog dito.             Binawi ni Chad ang nakakalunod na pakiramdam sa pagtitig sa dalaga at pumunta sa harapan ng sasakyan. Sa paghawak pa lang niya ng manibela ay napatulala na siya sa kawalan. Nandoon pa rin ang nakakatuwang pangyayari nang gabing iyon. Hindi niya akalain na sa loob ng isang magdamag ay mararanasan niya ang ganoong klaseng pangyayari. Napatawa na lang siya nang maisip ang lahat. He can't imagine that he saved a ghost from another annoying ghost because of his guilt.             ”Tang*na!" He couldn't drop any words after all. Napahagikhik na lang siya matapos ang nangyari. Sana panaginip na lang iyon at sana magising na siya. But no... definitely no, it really happened. It didn't came to his mind that those weird things happened in  just one night... one night. If there's someone who could see him, they might think that he was crazy. Totally crazy.             Nang dumako ang kaniyang mata sa rear view mirror ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya kaya napasabi na lang siy ng, "No, Chad. She's just a ghost. Hindi mo magagalaw 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD