bc

Man of My Dreams

book_age4+
7
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Palagi na lamang siyang nagpapakita sa Aking panaginip, Sino nga ba siya? Anong nga ba ang papel niya sa buhay ko?

chap-preview
Free preview
Short Story
Nandito ako ngayon sa dalampasigan, Ang tanawin ay aking pinagmamasdan. Napakaganda talaga, Pinapakinggan ko ang agos ng dagat at dinadamdam ang pagtama ng hangin sa aking balat, Hinihintay ko ang paglubog ng araw. Sakabilang banda ay may nakita akong isang ginoo na animo'y may pinagmamasdan ito kung hindi ako nagkakamali ako ang pinagmamasdan nito. Nang magtagpo ang aming mga mata gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Kita ang saya sakaniyang mga mata. Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking balat, Nanaginip na naman ako, Palagi ko na lamang nakikita sa panaginip ko ang lalaki na 'yon. Hindi ko batid kung ano o sino ba ito. Inalis ko na ito sa isipan ko, Tumayo na ako at niligpit ang higaan ko. "Magandang umaga, Ina" Sambit ko sa aking Ina, Umupo ako at hinintay ang niluluto niya. "Magandang umaga rin Anak, Nakatulog ka ba nang maayos Pandora?" Ngiting sambit ni Ina, Pinilit kong ngumiti at tumango kahit na may bumabagabag sa isipan ko. Nang matapos si Ina sa paghahain ay kumain na ako at nag-ayos. "Ina mauuna na po ako" Sambit ko, "Mag-iingat ka Pandora" Ngiting paalala ni Ina, Tumango ako bilang tugon sa sinambit niya. Nandito ako ngayon sa isang museo, Nang bigla akong mahilo. May nakita akong upuan sa dulo at dali dali ko itong tinungo. Nang marating ko ito ay umupo na ako. Ilang minuto ang lumipas naging maayos na ang pakiramdam ko, Nagpasya akong tumayo at dali daling lumabas ng Museo. Laking gulat ko nang magbago ang lahat nang nasa paligid ko, Animo'y bumalik ako sa nakaraang siglo. Nag-iba ang kasuotan ko pati na ang mga taong nasa paligid ko. Ang bag na kaninang hawak ko ay naging pamaypay at ang suot ko kanina ay napalitan ng makalumang saya. Tanaw ko ang pagkilos ng mga tao, Malayong malayo sa kinagisnan ko, Naglakad ako at pinagmasdang ang paligid, Napahinto ako nang matanaw ko ang isang ginoo. Gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtanto kung sino ito, Ito ang lalaking nasa panaginip ko tila huminto ang buong paligid ko. Nagulat ako nang may isang tumapik sa balikat ko isa pala ito sa mga stuff dito sa museo, Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. Dumalaw na naman sa panaginip ko ang lalaking 'yon. "Ma'am hali na po kayo doon, Dumating na po ang may-ari ng museo na ito" Ngiting sambit niya, Tumango naman ako at ngumiti sakaniya. Naglakad kami patungo sa harapan, Nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang lalaki, Ang lalaking may-ari ng museo na ito, Tila bumagal ang takbo ng oras at mundo ko. Siya yung lagi nagpapakita sa panaginip ko. "Siya si Sir Clyde Cervantes" Sambit ng stuff na kasama ko, Pilit akong ngumiti rito. Gano'n na lamang kabilis ang t***k ng puso ko. Nang magtama ang paningin namin dalawa, Gumuhit ang ngiti sakaniyang labi gaya nang pag ngiti niya sa aking panaginip, Siya nga ito walang duda. Nang sumapit ang alas singko ay nag uwian na ang mga tao, Maglalakad na sana ako nang tawagin ako nito. "Aalis ka na ba Pandora?" Sambit ng lalaking nasa likuran ko, Nagulat ako nang makilala ako nito. Ni hindi ko man sinabi ang pangalan ko at hindi ko rin dala ang Id ko, Kahit na kinakabahan ay pilit pa rin akong humarap dito. "Ahh, oo. Oras na rin kasi" Pilit ang ngiting tugon ko, Tumango naman ito. Hahakbang na sana ako nang may maramdaman akong matulis na bagay na bumaon sa katawan ko. "Tama nga ang hinala ko hindi mo ko naaalala" Sambit ni Clyde. "Ang lalaking sinaktan mo" dagdag pa niya, Doon pumasok ang isang alaala, Mapait na alaala ng kahapon, Si Clyde ay kaibigan ko noon na nakatakdang ipakasal sa'kin ni Ama at Ina ngunit alam nito na hindi siya ang tinitibok ng puso ko sapagkat may ibang laman ito. Sinabi ko sakaniya ito noon ngunit binalewala lamang niya ang mga tinuran ko. Siya ang lalaking pumatay sa'kin noon at ang pumatay sa taong mahal ko at sa mismong harapan ko, Siya ang nagwasak ng mga pangarap ko, Siya ang lalaking 'yon walang iba kundi si Clyde Cervantes. "Paalam muli Pandora, Kung hindi ka rin mapapasakin mabuti pang mawala ka na lang" Usal niya, Ngumiti ito nang nakakaloko. Napaluha na lamang ako, Kasabay nang pagkawala niya sa paningin ko ay ang siyang pagbagal ng hininga ko at tuluyang pagtiklop ng mga mata ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook