NAGPUNTA na si Karen sa comfort room. Umihi lang siya at sandaling nag-ayos ng sarili at lumabas na muli. Pero sa paglabas niya ay nagulat siya nang may isang lalaking nakaabang mula doon. And it was not Stock. "Eric," maraming bisita ang mag-asawa kaya naman siguro hindi niya agad nakitang nandoon pala ito sa party na iyon. Bigla siyang hinila nito sa madilim na parte ng reception na malapit sa may comfort room pero malayo sa mga tao. "Karen, finally! Na-solo rin kita. Ang akala ko ay hindi na ako makakasingit sa inyo ng Torres na 'yun," madilim ang mukha nito nang sinabi nito iyon. And suddenly, nakaramdam siya ng kaba dahil doon. "What do you want?" tinarayan niya ang tono niya para mapalayo ito sa kanya. "Hmmm... What do I want? Paano kung sabihin kong ikaw ang gusto ko?

