MASASABI ni Karen na ang wedding ng panganay na kapatid sa ama ni Stock na si Cash sa asawa nitong si Charity ay ang pinakaengrande sa lahat ng kasal na napuntahan niya. Kahit renewal of vows lang ng dalawa iyon, mas engrande pa yata iyon sa kasal nina Prince William at Kate Middleton. Kalahati yata ng kayamanan ni Cash ang ginastos nito para sa kasal lamang nito sa pinakamamahal nito. Ginanap ang kasal sa Sanctuario de San Antonio at ang reception naman ay sa mismong clubhouse na pagmamay-ari ni Cash---ang Golden Cash Clubhouse resort na talaga namang tila diamante sa kinang ngayong gabi. All she could see in the wedding is elegance...and of course, the love of the groom to her bride. Kahit ito pa lamang ang unang beses niyang makita sa personal si Cash at ang asawa nito, kita

