ISANG DINNER date sa Manila Yacht club ang inihanda sa kanya ni Stock para sa gabing iyon. At dahil wala naman siyang importanteng gagawin dahil ilang buwan na rin niyang itinigil na gawin ang normal na buhay niya ay siyempre, sumama naman siya dito. Mag-iisang buwan na rin simula nang makilala niya ito kaya naman mag-iisang buwan na rin simula nang i-date niya ito. And well, it was the longest time she was playing a guy. And she could also say that it was the most enjoyable game of all. Kung game nga ba na masasabi ang pinaggagawa niya kay Stock nitong mga nakaraan. Paano ba naman kasi ay parang hindi na nga pakikipaglaro ang mga ginagawa niyang ito kay Stock. She would always tell to herself that she want him to be her playmate. Pero sa dulo ay parang hindi na naman siya nak

