TUMAWA si Stock nang makaalis si Price. At kung hindi pa ito binatukan ni Karen ay baka hindi pa ito titigil. "Akala ko ba may sakit ka? Bakit makulit ka pa rin?" "Inaasar ko lang si Price. Gusto ko na rin siyang magseryoso sa babae na kagaya ko sa 'yo," "Hmmm..." "Bakit ka nag-"hmmm", duda ka pa rin ba na hindi talaga ako seryoso sa 'yo?" Hindi. Duda lang ako sa puso ko kung abnormal pa ito dahil unti-unti ng nawawala sa sistema ko ang kagustuhan kong gawan ka ng masama dahil na rin sa mga pinaggagawa mo... gusto sana niyang sabihin dito. Hindi naman ganoon si Karen sa mga lalaking pinaglaruan niya noon. When she planned for something, she always did it without hassle. A hassle that starts with a capital letter "E"---Emotions towards the person she was doing her plan. Lalo na

